Sunday, May 11, 2008

YumYUm Eat It Up!

Ang lunch break ang isa sa mga pinakahihintay kong sandali tuwing papasok ako sa office. Madalas kasi wala na kaming ginagawa pag mga ganung oras at dahil sa maraming tao na ang nagllunch-out ng 12noon kelangan naming lumabas ng maaga para hindi na maubos ang oras namin sa pagpila ng mahaba tuwing order ng pagkain.

Halos parehas lang ang nakakainan namin sa mahigit isang buwan ko sa ojt. Madalas puro fastfood. At madalas mahal. Wala naman kasing mabibilan ng murang lunch dito maliban nalang kung bibili kami sa mga Jollijeep dito na sa tingin ko naman ay hindi ko magagawa. At saka 1 hour lang break namin e kaya kelangan sa malapit lang kami kakain.

Ito ang listahan ng mga ilan sa nakainan na namin pag lunch:

1. Jollibee (Greenbelt)
Minsan nakakasawa na daw pero dahil minsan tagtipid at medyo namimiss na namin ang jolly spaghetti at chicken joy na kahit siguro tumanda na ako ay hinding hindi parin ako magsasawa. wag nalang isipin ang cholesterol pag kakain dito. hehe. kelangan kasi magenjoy. Mabilis ang service nila dun tulad narin ng ibang branch ng jollibee na nakainan ko na. At syempre palaging maraming tao! Paborito ng lahat ika nga.

2. Wendy’s (Greenbelt)
Mas sosyal ng konti sa jollibee kaya mas mahal din.

3. KFC (Rada St.)

Siyempre like Jollibee ganun din. Masarap. Macholesterol. Dito kami naunang kumain e pero hindi na naulit masyado kasing malayo. From paseo de roxas kelangan pang maglakad papuntang Rada St. Medyo maliit ung place nila kaya jampacked siguro nung nandun kami.

4. KFC (Greenbelt)
Unlike nung nasa Rada, malaki ung spot nila dun sa greenbelt. Mabilis ang service. Maraming tao pero hindi masyadong crowded at mahaba ung pila.

5. Pancake House (Greenbelt)
Bago namin nakuha allowance namin dito kami kumain. I ordered the usual, Pork Vienna. Mejo may kamahalan pero marami naman ung food pero hindi kasing dami nung sineserve nila sa Megamall. Sulit naman. Almost lahat ng nasa menu nila masarap especially ung sunrise steak.

6. Pho Hoa (Greenbelt)
Isang Vietnamese restaurant na hindi ko alam kung bakit natangay ako ni tin dun. actually that was the very first time na pumunta ako sa isang restaurant para umorder ng noodles. Hindi pa ako kumain dun ever. Mahal kasi. Lahat kami inorder namin ay Pho Chin, Nam (Noodle soup with brisket and flank). Just for a bowl of noodles 170+ isa. and regular bowl lang un. Pero sobrang nakakabusog. Masarap din siya and ang maganda dun hindi tinitipid ung ingredients like ung meat and ung noodles unlike dun sa ibang restaurants na sobrang mahal na tapos ung sineserve nila na food sayo tipid. So sa lahat I recommend this restaurant. Kung mahilig kayo sa noodles at sa vietnamese food. :)

7. Chef d’Angelo (Greenbelt)
I ordered the sampler 1 meal which consists of a pizza, a big bird fried chicken and pasta(you can choose between white sauce or red sauce). 130+ ung meal excluding drinks. A little bit pricey. But when you have a
big appetite like mine then you better eat here. Nakakabusog kasi ung chicken malaki talaga. tapos maganda pa service. maraming waiters kaya whenever you need anything mabilis lang. Tsaka the good thing I saw was they see to it na hindi naghihintay ung customer ng matagal. Kasi tinitignan nila every table kung sino pa ung hindi pa dumadating ung order. NO FOLLOW-UPS NEEDED!

8. Tapa King (Dela Rosa Carpark 1)
The first time na kumain kami dito sobrang daming tao. Pero as soon as we got seats dumating na agad ung order namin. Ung food nila mas mahal pa compared sa other fast food considering na ung serving nila ay mas konti at parang halos breakfast meals ung nasa menu nila parang hindi sulit na magbayad ka ng more than a hundred pesos for just a plate of Tapsilog. Meron namang bowl na 60+ pesos lang pero konti ung food. Yes the food tastes good pero kung titingnan natin ung kind of food business na un, it’s considered a fastfood and hindi ko malaman kung nagccater ba sila sa class A na tao at ganun kamahal ung food nila dun.
The second time we ate there was yesterday. Nainis kami sa bagal ng service nila. SObra. We waited for almost 30 minutes siguro before my food arrived. Ung kay tin and ian a little later than that. Parang mas mabilis pa kung nagpadeliver nalang kami siguro. Nung pinapafollow-up ni tin ung order sabi ko sa kanya dapat magalit siya e kasi dapat hindi nila pinaghihintay ng ganun ung mga customers nila. Yung isang customer nga nagalit na and she demanded a refund. kasi patapos na kami kumain still hindi parin dumadating ung order nila. Parang ang lumalabas tuloy they wasted their time there. Naubos ang oras nila at nasira pa araw nila. Malamang hindi na sila kumain sa tapa king dahil sa trauma. hehe.

Ayan. Actually sa lagay na yan nagtitipid na kami.

Teriyaki Boy is gonna be next on the list. I still have a lot in mind. Kaya lang matatapos na OJT ko. Hehe.