Saturday, August 11, 2007

Bakit balbas sarado si Jumong?

kagabi ko lang napagtanto na pogi pala si jumong. hindi kasi ako nakapanood ng jumong kagabi e. namatay daw si lady yuwa. amf. sayang.

pero oo nga. bakit nga ba balbas sarado si jumong dun?

hindi naman maganda sa kanya na may balbas.

bakit ung mga ibang kalaban walang balbas?

curious ako.

pagtumatanda ba ang mga character sa isang asianovela e nagkakabalbas tlga?

bakit ko ba pinagiinteresan ang balbas ni jumong?

wala na ba akong magawa talaga.

naisip ko lang.

curious nga kasi ako.

hehe.

teka.

bakit ba walang smiley tong blogger??? namf!

nahihirapan tuloy akong iexpress ang aking feelings.

pagkagalit, pagkatuwa, pagkamuhi, pagkainis, pagkamasayahin, pagiging curious, pagiging inlababo.. hay.

kulang para sakin ang feature ng blogger.

bakit sa MO may smiley?

bkit dito wala?

it's umpair.. hahahaha.. adik. wag kaung tumawa. kala nyo bobo ako sa spelling noh? hahaha...

fine fine.. it's unfair. o yan. happy?

anyway.

pinagdadasal ko na sana matanggal na ang balbas ni jumong sa mga susunod na episodes.

hahaha :))

Thursday, August 09, 2007

Catch me im Falling For yOu?

Last night.. mga 2am na yata un. Hindi ako makatulog. Naisip ko parin ung nasabi ko kay james. kahiya hiya talaga. Kaya tinext ko siya and i told him na siguro di ko muna siya rereplyan and ittext. Iwas mode. Kasi naman baka sobrang maging feeling attached ako sa kanya tapos maya wala lang pala sa kanya un. mahirap na. mas maganda umiwas muna ng panandalian at ifigure out kung anung kahahantungan ng sitwasyon ko. Adik ako sa kanya. Seryoso. Bakit? Di ako sigurado. He made me feel special kahit di masyado obvious. Sweet siya sakin. Simpleng mga bagay lang na tingin ko hindi matutuwa ung iba pero mababaw lang kasi ako. Mababaw lang talaga.

Pero sabi ko nga diba.
This may mean nothing to others pero it means the whole world to me. :)

Kaya ko pala palagi kinakanta ung Catch Me Im Falling... hahahaha.. korny pero masaya..

Wednesday, August 08, 2007

Mahaba habang bakasyon

Adik mode ako ngayon.

Sa tulog.

Hahahaha :)

One week na akong walang pasok. Nabbore na ako dito sa bahay. Lahat ng ginrocery namin ni mommy nung Sunday e naubos na. hehe. Napapalakas ang aking pagkain kasi naman wala talagang magawa.

Nung Thursday pa ako huling pumasok at ngayon e Wednesday na ulit. Ang daming nangyare. Mga nakakatuwa at nakakalungkot na mga pangyayari.

Una. Friday

Maaga ako umalis ng bahay. Oo wala kaming pasok ngayon pero dahil sa kelangan ng tapusin ng grupong Sunburn ang aming SRS para sa aming software e ayon nagpunta pa ako together with my other groupmates (tintin, janzen at paul.. ung isa hindi naming sinama) sa Las Pinas (kina toni). Takte. Napakalayo pala nun. Probinsiya. Ang kulit ni tintin. Sabi niya hindi pa naman daw probinsiya un. Pero kasi pag nakakakita ako ng toll gate at saktong lumampas dun ang sasakyan e tingin ko probinsiya na un. Tintin.. Ung bahay naming malayo pero hindi naman dumadaan sa toll gate! Haha. :P

Pagdating naming dun halos wala na palang gagawin. Ung Functions nalang pala ang kulang pero we ended up doing it until 7pm. Pano kasi kain kami ng kain. Hehe. Siguro sumakit batok ni toni dun sandamakmak ba naming kwekkwek ang kainin e. Hahaha.. :) Pero napakasaya talaga naming nung araw na un. Buti nalang at natapos naming on time at nai-email na ni toni kay sir kinaumagahan.

Saturday.

Wala ulit pasok. Ayaw pa maniwala ni kuya.

Late ako nagising. Napagalitan pa ni daddy dahil tulog daw kami ng tulog! Pano ba naman masarap kasi matulog at saka talaga namang late kami nagigising. 11am. Hay. At dahil wala kaming pasok lahat ng mga kapatid ko. Naggeneral cleaning kami. Palagi nalang kami naglilinis pero lagi paring may alikabok. Taena. Ni hindi ko alam kung san nangggaling mga alikabok sa bahay naming. Bakit nga ba inimbento ng Diyos ang alikabok? Nakakapuwing lang naman sa mata pag nasa labas ka, pampadumi ng bahay, pampaputik sa magandang sapatos pag umuulan.. hay.. drama ko. Pero sa totoo lang naiinis ako sa alikabok. Teka bakit ko ba pinupuntirya ang mga alikabok!?! Ang dapat ko palang sabihin.. ay.. ayoko maglinis. Maayos naman kasi ang kwarto ko e at hindi na kelangang linisin pa pero ayon buong araw parin ako naglinis. Pagod na pagod ako nung araw na iyon. Feeling ko ng mga panahon na un e wala ng katapusan ang paglilinis namin. At dahil sa sobrang pagod nagkaraoke nalang ako. Hehe. Pamparelax ko un e. Kulit. Tapos e nakatulog ulit ako at paggising ko e dinner time na. Ang saya

Sunday.

Siyempre walang pasok ulit. Family day ika nga. Nanood kami Simpsons. Weeee.. Kala ko si james kasama ko manonood neto pero dahil sa hindi magtugma tugmang sched namin e sila mommy nalang kasama ko. Katabi ko si mommy. At ayon sobrang funny nga ng movie. Hindi ako Simpsons fanatic pero grabe ang pagkaenjoy ko sa movie na toh. Pero dahil sa nanood ako ng movie at nakalimutan kong dalin ang mp3 player ko e hindi ko napakinggan si duane at ang banda niyang Last Word sa magic 89.9.. babatiin niya pa naman daw kami. sayang talaga. si tintin din hindi napakinggan yata. Late niya na daw kasi nareceive message ko. amf. Tampo tampo pa kami kay duane na hindi kami binati nung last interview nila sa nu107 tapos this time wala. tsk tsk.

Monday.

Malakas sobra ung ulan paggising ko. Hindi ko malaman kung papasok kami ni kuya. Pero dahil sa feeling namin e baha na sa mga ibang lugar na dinadaanan namin papasok e nagdecide nlang kami na hindi pumasok. Pero we told our parents na pumasok kami pero bumalik kami dahil baha nga. We lied. Hay. Pero kasi naman sobra talagang lakas ng ulan. Kahit ako hindi ako magiinteres lumabas ng bahay. Baka maleptospirosis pa ako. tsktsk. Tinext ako ni tintin na nawala ung phone niya buti nandun sa phone ni botee ung number ko. Grabe nagulat ako. Sabi niya kasi sa baclaran nawala. Anung ginagawa niya sa baclaran!@? Dun ba talaga siya dumadaan?? hay.. kamalasan nga naman. Pero ang sabi ko nga kay tintin. baka nagpapahiwatig lang ng new phone un. woohoo! kung sakali dream phone na niya. Kasi bday niya na sa Aug 19 e. weeeeee... advance happy birthday.. treat niya kami. hahaha..

Nung gabi sobrang nabad3p ako kasi ung mp3 player ko napatagal yata ung charge ko at ayon ayaw na bumukas. Pambihira naman. Bawal ba iovercharge un? taena. Weak naman player ko. Lahat na ginawa ko. Nirestart ko, in-on ulit. Restart. On. Restart. Restart.. AMf.. ayaw talaga. Fine.

Tuesday.

Wala ulit pasok. Sabi nila. Thank God. Malakas parin kasi ung ulan.

I went to megamall to have my mp3 player repaired. Sabi kelangan daw dalin dun sa creative center ekek nila and un i left my player there. Nakakamiss. Kasi every night i listen to it. Pero dahil nga sira hay... wala na akong magagawa. Ittext nalang daw ako kung kelan makukuha.

Dapat manonood ako ng Ratatouille magisa kya lang napagisip isip ko 100php din un at kelangan ko ng magtipid. Kaya un pumunta nalang ako sa office ni mommy at umuwi na kami. lakas ng ulan nun. grabe.

I miss my mp3 player!!! hmp!

Katext ko si james that night. And.. I told him I'm starting to like him. I didnt know what was going on in my mind nung time na un kaya ko nasabi un. Waaaah... wala siguro ako sa sarili. Pero pasensya na if im making all the moves here. tsk tsk. hindi ko dapat ginawa. amf.

Wednesday

WALANG PASOK! BAHA SA AMIN! muntik na akong lumutang sa baha habang natutulog. Nakainflatable bed nga lang ako e. haha.. Next time bili na ako ng kama talaga. Hehe. Ayoko tangayin ng baha. Hahaahahahhaha :)

Katext ko si james the whole day pero parang wala akong masabi. I didnt know what to say. The whole day i was thinking kung anung nangyayari sakin.

Wrong move janet.. Wrong move.. tsk tsk.. You should have never said that. tsk tsk..

Tangna ako ba nanliligaw?

Ewan.

Like ko tlga cguro.

Go with the flow. amf.