Monday, March 03, 2008

programming..

Tinulungan ko si kring sa paggawa ng c++ homework niya kahapon at kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang naisipan kong mag offer ng tulong kay kring. siguro dahil sa mga rason na ito:
  1. dahil sa napaka stagnant ng buhay ko. kelangan ko naman ng konting gagawin para naman medyo magkakulay at maging interesting.
  2. gusto kong mahasa ang aking utak dahil parang medyo pumupurol na sa kakanood ng mga koreanovela at mga tv dramas tulad ng coffee prince, vineyard men, romantic princess, ghost whisperer (na hindi ko malaman kung bakit ung season2 dvd na nabili ko ay walang audio na ipinalit ko na pero wala parin.. T.T) at maraming marami pang iba
  3. experience ulit para maalala ko at masubukang maiapply ang mga natutunan ko sa mapua (kung meron man)
hindi naman kasi ako talaga mahilig magprogram although computer engineering ang course ko. tapos sobrang tagal na nung huli kong ginamit ang c++. compiler days pa. hindi ko nga akalain na marunong pa akong magprogram gamit ang c++ e. alam niyo naman ako, may transient memory. hahaha.. Pero nakakagulat talaga na nakakagawa ako ng working programs. napapapalakpak ako sa tuwa tuwing natatapos ko at napapagana ang mga gawa ko. wala lang. di ko lang akalain. kasi habang nagpprogram ako e nakakalimutan ko ung mga header files, semi-colon, pano magdeclare ng array, mga ganun. pero thanks to the internet medyo nagliwanag ang mundo ko at unti unti ko ng nasasariwa ang nakaraan at ang mga natutunan ko nung c1 programming class namin na ilang taon na ang nakakalipas.

Naisip ko lang....

Bakit nga ba computer engineering ang kursong kinuha ko?

Hindi naman ako teknikal na tao. walang hilig sa computers. ayaw ng mahaba habang trabaho (paggawa ng software). ayaw ng masalimuot na puyatan at pagaaral ng mga latest languages na pwede gamitin.

Hay.

Pero ggraduate na ako.

ojt nalang at seminars ang itetake kO next term.

Bakit ba ngayon ko lang ito lahat naisip?

ewan.

di ko alam. at wala na akong balak alamin dahil wala namang magbabago kung nalaman ko man.





No comments: