I hate to say this but I kinda miss blogging. Haha. Kasi marami naring bagong nangyayari sa buhay ko di katulad nung dati na sobrang idle ako at naghihintay lang ng gagawin. Parang nagrotate ung buhay ko ng 180 degrees dahil sa sudden change sa routines ko. Nakakapanibago talaga.
Kung dati I wake up at 11 or 12, this time I have to wake up at 530 dahil sa trabaho. Buti nalang at nasanay agad ang katawan ko na gumising ng ganung kaaga. hindi na nga ako gumagamit ng alarm clock minsan kasi automatic na akong nagigising. At sa ngayon kahit walang pasok pilit ng ginigising ng utak ko ang katawan ko palage ng parehas na oras at pag hindi ako bumangon, putol putol na ang tulog ko… Nakakainis lalong lalo na pag weekend at puyat ka ng Friday night.. Badtrip talaga!
Sa mga ginagawa ko naman, ayun, kelangan lagi magconcentrate. Kelangan mag-aral ng mabuti. Kasi naman napakacomplicated ng software. Hindi ka na pwedeng matulog pag inaantok ka o kaya naman ay magskip ng lecture pag ayaw mo pumasok tulad ng pagcut class ko dati. Kahit antok na ako o pagod na ako I have to stay there and listen until 6pm. Pinipilit kong makinig kahit na minsan parang wala na akong naiintindihan, hindi na napaprocess ng utak ko. Kung hindi ko makuha may manual naman at may help function un kaya lang parang mas lalong magiging complex kasi sa sobrang haba ng babasahin mo sa malamang e hindi mo mas lalo maiintindihan.
Kung sa pagkain ko naman, I haven’t skipped a meal yet di tulad ng dati na lunch and dinner lang main meals ko tapos maraming merienda. Hehehe. May breakfast ako sa bahay, na kung di naman ako makakain ay may free crackers and biscuits naman sa pantry sa office, un nga lang sa morning lang. Bumibili ako ng lunch dun kay Aling Ansang na feeling ko naman ay sulit kasi marami serving nfor 60 pesos, un nga lang mas matipid talaga kung magbabaon ako. Dinner? Well pwede sa bahay, pwede rin naman sa market market! Pero syempre mas prefer ko sa bahay dahil mas tipid at kasama ko pa magdinner family ko na most of the time ay hinihintay ako. Ayun. Ang nagbago lang dito e yung wala na akong merienda in between meals. Kung nakapagtabi ka ng crackers from morning swerte, pero kung naubos mo wala ka ng makakain sa merienda mo sa hapon. Pwera na lang kung lalabas ka at magppunta sa ministop na sobrang layo. E minsan ung break naming 15 mins lang. ang bagal pa ng elevator dun. Hay. Kaya coffee nalang kami palagi. Pampagising. Nung first week naka 4 cups of coffee yata ako e. Grabe. Free naman kaya ok lang. hehe. Pwede ring magsoftdrinks in can pero it would cost you 10 pesos. Or water. Pwede rin. Hehe. Actually sulit na mastay ka sa pantry kasi kahit puro coffee or water ayus ka na e.. ^_^
Hindi na ako pala nakakapagconference with tin and duane. Nako. Kasi naman when I get home from work kain lang tapos konting nood ng tv tapos antok na ako bigla. I cant stay up late kasi aantukin ako sa office pag late ako natulog. Nakakamiss na nga e. Dibale may webmessenger naman e. =)
Well, sa lahat lahat ng pangyayare sakin syempre graduation ko ung pinakamasaya. Pero sa next blog ko na lang un ikkwento dahil marami pa pala ako gagawin. ^_^
No comments:
Post a Comment