Tuesday, April 24, 2007

Tamad. Period.

hahahaha... nakakatuwa.. nakaligo na ako't lahat pero biglang nagbago ang isip ko. biglang ayaw ko ng pumasok ngayong araw. naisip ko kasi tuwing tuesday lang ako makakapagabsent kasi mwf may thermo ako kaya kelangan di ako magabsent at tuwing thursday and saturday naman meron akong lab. sinusulit ko lang. sana lang walang masyadong ginawa kundi patay ako talaga.

gumagawa akO ng homework ko sa thermo ngayon at eto hindi ko pa tapos. hay. bakit ba kasi kelangan pa pagaralan thermO e computer engineering naman ang course kO? duh! wala namang connection ung dalawa diba. gulo talaga ng curriculum ngayon. parang pampadagdag lang ng units namin un e wala namang kabuluhan sa course namin un! pero teka. naglalabas nanaman ako ng sama ng loob kO... kasi cnu ba naman hindi maiinis nun. at eto pa may controls pa kami. sus. hellO!? connection ulit? WALA!!! period. peste talaga.

sinimulan ko ng iedit ung isang chapter sa feasib namin. naguguluhan akO. kasi iba iba ung spelling ng name ng product namin.. merong fizzy fruitty, fizzy fruittie, fizzie fruity.. name pa lang hindi na consistent. tsk tsk.. tapos major revision pa gagawin. kamusta naman yun!? pero ayos lang. kaya toh! aja aja! hehehehe. wish kO lang talaga matapos ng mas maaga mahirap nanaman magcram. baka the day before the deadline pa namin tapusin. hehehehe.. mga adik talaga kaming mga mapuan. iba kami. lolz. habit na yata talaga namin ang ganun at ang masaya dun nakakalusot naman at natatapos namin ang dapat tapusin sa deadline na mismo. astig diba.

nakapanood din pala akO ng hanayori dango kanina. sabi ni toni maganda daw kasi. maganda naman halos pareho lang dun sa meteor garden. napansin ko lang walang sobrang gwapo. hehe. oi hindi ako nanlalait. sa meteor garden din naman walang gwapo e. parang. ung story lang tlga habol ko hindi ung mga actors na pogi kasi wala namang pogi dun. hehehehe. pero tingin ko kasi kung gagawa sila ng mga ganun dapat gwapo narin at maganda ung mga bida para naman mas gumanda at mas panoorin ng mga taong "tulad ko" ang mga ganun. tulad nung sealed with a kiss at saka ung princess hours. agree? ^_^ hehe.

o diba ang dami kong nagawa ngayong absent ako? hahaha. kasi naman. tamad lang talaga akO. hindi ako proud maging tamad. naisip ko lang na hindi ko na magagawang maging tamad once i get to work and pag nagkafamily na ako. naku kelan pa kaya un? hhahahahha.. mukang matatagalan pa ah. sarap. weeeeeee.




Saturday, April 21, 2007

PSP Fixed! (Finally!)

we already had an exam sa first meeting namin sa compiler lab. ang bait pala ni sir tsionco. i was thinking he'd look like an old, arrogant male species na sobrang terror na ewan. hehe. kala ko lang. hindi pala. muka naman kasing approachable at hindi masungit.

the good news was hindi na individual kundi by group (consisting of 3 members) ung sa paggawa. medyo natuwa ako. sabi niya masyado daw kasi kaming marami kaya ginawa niyang by group. weeee. groupmates ko si tintin at si jobelle..

pumasok ako sa assembly para magpass ng homework. medyo nahiya ako kasi sobrang kapal ng homework ko. sila ilang pages lang. ako uhmm.. madami. hahahaha. feeling ko tuloy sobrang sipag ko. lolz.

i left school early. I wanted to sleep. ayaw pa nga akong pauwiin ni tin pero sobrang pagod ako kaya i insisted on going home. umalis ako ng 4pm. i thought mga 5-530 nasa bahay na ako. sus. sa sobrang traffic 6 or mga 615 na ako nakarating. kainis.

dumating din ung tita ko and her family. kinuha nila ung lumang gas range namin. tapos umuwi narin sila agad. while they were here i tried to fix micmic's psp. at ayon after a couple of hours naayos ko na rin. nakakaplay narin ng games ulit sa wakas. hehe. he thanked me. nakakatuwa kasi minsan lang magthank you un e. sweet.

Wednesday, April 18, 2007

weeee.. mazda

i didnt go to school today. pumunta kaming lahat sa mazda makati to pick up the car. hindi naman kelangang complete family ung pumunta dun kaya lang mas masaya pag lahat kami nandun. ^_^

when we got there hindi pa pala ready ung kotse. pano wala pang tint ung mga windows tapos wala pang seat covers. we waited 2 hours yata for it to finish. late dumating ung isang gagwa kasi e.

okay naman ung kotse. medyo napangitan lang ako dun sa seats and dun sa interior kasi hindi leather. uhmm.. if im gonna rate it from 1-10. i'll give it a 6. para kasing hindi maganda ung quality nung car e. hay. nagkamali yata kami ng pili. tsk tsk..

Tuesday, April 17, 2007

God's Will

today was the release of the 2007 ECE board exam passers. Maraming pumasa. Sadly, meron din hindi. And one of those is a friend of ours. Im not gonna mention his name. I was surprised when he told us the news. I saw him kanina. He was all smiles while we were talking. I know he feels really bad right now. I was able to talk to him sa ym kanina and aion nga. he's blaming himself. parang he's thinking that he is a failure. i told him he shouldnt blame himself kasi hindi niya naman kasalanan. he can still take the next board exam. all he has to do is to study harder. un lang. at least he has a glimpse of what kind of questions would appear in the board exams. Hope he'd do better next time. Sabi nga nila there's always a reason why something like that happens. It's God's will.

Monday, April 16, 2007

SY 2006-2007: 4th TeRm: Day One!

excited nga talaga ako to go to school. isipin mo i set the alarm clock at 530 pero i ended up waking up before pa magalarm un. hehe.

pagpasok ko sa school kanina ang daming tao. mga nageenrol. naisip ko tuloy na swerte ako dahil nakapagenrol ako nung bakasyon pa. ang haba kasi ng mga pila sa lahat e.

i headed straight sa room ko. west wing. 4th floor. hinihingal na ako bago pa ako makarating sa 4th flr. ang taas grabe. parang feeling freshman ulit. andun na si ej sa labas ng room. classmate ko siya. buti nlang may kakilala ako. thermo pa naman un, mahirap pag walang kakilala, walang makokopyahan. hehe. wala pang aircon sa room matutusta kami dun kaya we waited outside the room. 9:15am. wala pang prof pero okay lang. 9:30am. wala parin. ayos ah. wala paring prof at nasa labas parin kami. hay. 9:40am. bumaba na kami. katamad magintay dun sa labas ng room namin. mainit kasi. kahit nga hindi na ako kumikibo e tumatagaktak parin pawis ko. ang feeling ko e nilelechon na ako. hahaha. hay..

bumaba kami sa ieee at ayon since wala namang masyadong tao at wala nanaman ung electric fan na malaki sabi ni ej sa unix nalang daw kami para makapagpalamig kami. usap kami habang iniintay si tintin.

dumating si tere at sumunod si tintin naman. ayon. binigay ko ung mga dala kong damit kay tintin.. kasi inayos ko ung closet ko the other day tapos meron dung mga maliliit na damit na obviously hindi ko nasuot at nastuck lang sa closet kasi nga maliliit(hindi kasya sakin.. hahahhaha). 5 shirts un. ewan ko kung trip ni tintin un. puro stripes e. hahahaha. mahilig siguro ako sa stripes nung panahon na binili ko mga yun. sana the shirts would fit her well. sayang naman kasi.

siya naman binigay ung pasalubong niya sakin galing samar. chocolate at pili nuts. weeeeee. kala ko ung dark chocolate na pwde kainin hindi pala lolz. ung chocolate pala na nilalagyan ng tubig un at pinapaboil. hehehe. shunga. ung pili nuts kinain na namin ni micmic kanina lang. hindi nakatagal e. takaw. kaya aun ubos agad. hehe.

hay. nung 1030 na umakyat na kami sa room namin for our comorg class. si Sir Maramba ung prof. sabi nila okay daw un sure pass kesa kay mam villaverde. uhmm.. ang boring nung class at ang mas malala pa dun e inubos niya ung 1 1/2 hrs. kami ni tintin nagdadaldalan lang e. sana lang hindi maging ganito kaboring ung mga susunod na mga meetings namin for the rest of the term kundi tatamadin nanaman ako pumasok neto. hay nako wag naman sana ako sumpungin ng katamaran. ^^

right after ng class namin kumain kami sa sizzlingan. nako. sobrang bagal ng service nila pano ba naman dami kasing kumakain e. dapat palagyan narin nila un ng mga ac units ang init din kasi sobra.. sumabay narin si dre kumain samin. nagpunta daw siya sa school para magrequest ng transcript. we talked about the ece licensure exam he took. bukas daw irrelease ung results. naku sana makapasa siya (lilibre niya daw kami hehehhehe).

umuwi na ako after we had lunch. tirik ung araw ha. wala akong payong. wala akong pamaypay. tsk tsk. didiretso ako megamall. weeeeee. magpapalamig ako. magsshopping narin. ^_^

when i got there wala akong nabili. bag lang. naalala ko kasi na nagtitipid ako e. kaya yun. mas ok na magtipid. first day palang baka mawaldas ko nanaman pera ko e ako rin ang kawawa pag nangyari yun. hehe. sumabay ako kay mama umuwi para tipid. nagluto ng spaghetti pagdating tapos nagdinner tapos pahinga... maaga ako matutulog ngayon! yahoO! bwahahahhaa...

Sunday, April 15, 2007

cant think of a topic right now.

My parents have finally decided to just pick the mazda3 over the new civic. uhmm.. the price is a little lower than that of the latter but we still arent sure if the quality of the car is good. i think mazda is also owned by ford. we have lynx and it's working just fine so mazda cars probably work fine as well. cant wait. i think we'll be goin to mazda makati tomorrow and my parents would take the car for a test drive. i'm trying to convince my mom to pick blue or black for the color. it would look more "astig" if she chooses either.

im thinking of what might happen to me on the first day of school. kung terror ba magiging teacher ko (naku wag nman sana si sir aviso sa thermo..), am i gonna be late for class, may mga kakilala ba ako sa klase, may gwapo ba.. hahahhaha.. siyempre kelangan may gwapo para mas masaya. may inspiration diba. hindi naman masama un. tapos. anu pa ba. marami pa akong naiisip eh. kung uuwi ba ako ng maaga (till 12noon lang kasi klase ko), kung may kasabay ba ako umuwi, kung mainit ba sobra, kung didiretso ako sa office ni mommy right after class o magllunch ako sa school kasabay si tin. mga gnun.

do i sound too excited for school? hay nako siguro nga. im tired of staying here at home doing nothing.

marami nanaman akong makikita. si tintin. si pseudobf (malamang sa malamang! :P). si toni. mga kagrupo ko sa feasib. mga kaorg ko sa IEEE. mga prof na terror. mga tao sa cantunan. mga tao sa eforum. hay.. kakamiss nga naman. hehe.



Thursday, April 12, 2007

anong bago?

My parents want to buy a car... gusto ko sana mazda 3 or ung new honda civic.. hay ayaw naman nila nun. i am trying to help them decide pero ung gusto ko naman ayaw nila. hehehe.. si mommy fickleminded. she wanted innova before tapos ngayon naman fortuner. si daddy naman gusto ng xtrail or crv. weeeee..... pag nagkataon.. magaaral na ako magdrive tapos bibili nren ako ni daddy ng kotse. ayos! matagal pa yata un.. hahahha.. hay i find myself daydreaming again. hahahahaha.. nakakatuwa mangarap. next time na magpost ako lalagay ko mga dreams ko. mga wishes. mga kung anu anung kalokohan na pumapasok sa isip ko. mga kabaliwan. mga kaartehan sa buhay...

nakakatuwang isipin na since last year medyo sobrang daming gastos namin. ai mali. hindi pala nkakatuwa un. pero diba parang naiisip ko nagiging asensado na kami. we get to buy things that we want and need. before sobrang nagtitipid yata sila mommy pero ngayon parang when we ask for something binibili na nila agad. nakakatuwa ung gnung feeling diba. we are so blessed and yet i sometimes feel that im never gonna be satisfied with what we have. i want to be filthy rich! God knows how much i want my family to be rich.. i know that would take years to happen. whew.. sana lang magkatotoo noh? hehe. pero grabe ung pagiging thankful ko kay God whenever i get something new from my parents o kaya whenever i get to buy something for myself. never akong nagdamot. hindi ako selfish. i share what i have and that's what's important for me. to be able to share what i have to the people around me. ang sarap din kasi ng feeling pagnatutuwa ung mga taong nasa paligid ko pag nagsshare ako eh. ^_^

uhmmm........ eto pala bago. my mom bought kuya a U2 special edition 30 GB ipod... grabe diba. parang nanghihinayang ako sa pera pero parang gusto kong maenjoy namin ung mga bagay na binibili nila samin. nakakatuwa talaga. hehehehehe. sana lang ishare smin ni kuya un. =P kung hindi tsktsk.. lagot siya sakin. lagot siya sa malalaki at malaBATISTAng braso ko! ahahhahhaha..

3 boring days to go nalang pala pasukan na.. weeee.. kamusta na kaya si tintin? sabi niya umitim daw siya at tumaba.. wait.. iniimagine ko.. lolz. hahahhahaha... ako naman.. tumaba. hay.. makikilala kaya namin ang isa't-isa sa aming muling pagkikita? abangan!! hahahha..

Saturday, April 07, 2007

Missin A LoT...

i didn't go online yesterday.anyway, all i did was watch movies (HBO, star movies, cinemax...) whew! got nothin to do.. aion. kinda bored. uber excited to go to school. hay... i miss school. i miss my friends. i miss writing down notes. i miss discussions. i miss hanging out. i just miss everything. i didn't get to enjoy the summer vacation but i did get some rest. oh well.

im having fun fixing my layout. putting some widgets and stuff. hope my flash mp3 player wouldn't stop working. i've slept late for it. im so dang pissed off with pixpix players. i could get them working but after some time they would stop playing. grrr.

i opened MO a while ago and i found myself bored. maybe i just dont feel like reading threads today. i searched for some interesting stuff that i could read and found none. closed it. uhmm...

by the way i got to text pseudo bf today. i dont know if he misses me or not. i do hope so. there are lots of things i would like to ask him but i didnt get the chance to do so. i miss him really.



Thursday, April 05, 2007

PixPix?! heLO!>@ AMF!

Kamusta naman ang pixpix na player ko diba. ayaw nanaman. chineck ko naman ung ibang alam ko na pixpix users okay naman ung mp3 player nila. waaaa. bakit ba ganun. wala lang mang notice na sinesend sa email. kaya eto. nagpalit na ako. myflashfetish naman. cute naman kahit pano. naiinis ako sa mga ibang mp3 urls ayaw gumana. grrr.. pahirapan ba itO? >_<

Wednesday, April 04, 2007

One Drummer FounD!

Nakakatuwa practice namin kanina. May drummer na daw kami gwapo tsaka bata. Akala pala ni tito ernie 18 lang ako. lolz. magpopost daw siya ng ad sa labas ng bahay nila papaaudition daw siya. rhythm tska bass guitarists. uhm... sabi niya puro guys na lang daw mga bandmates ko. whew! baka mahiya ako pag may gwapo. hahahhaha. adik.

anyway, nagburn kasi ako ng mga songs na trip kong kantahin tapos tito ernie listened to the songs. he found them very nice kaya un practice nanaman ng todo. he said we need to practice one song 20 to 30 times! weeee.. nakakahigh noh? nagulat ako sobra. sabi niya kasi kelangan daw mamemorize ko ung mga songs. naku mahirap un. makakalimutin pa naman ako. waaaa!..

he lend me two cds ulit. cardigans tsaka fleetwood mac. ung michelle branch meron na ako kaya hindi ko na hiniram. grabe collection ng cds niya e. astig. dami. ako sa pc lang.

hindi ko naririnig ung voice ko. i mean diba when you're the one singing hindi mo maririnig ung actual voice mo. there is this one part of the room na sobrang rinig ko talaga ung voice ko. grabe. gulat ako. hahahhaha. ang saya. mejo maayos pala ung boses ko. malamig. malambing nga daw. hayop! hahahhaha. teka humble ako eh. sige ok lang. matino. may "brilyo" daw. ewan ko kung anu yun. basta. heheheheheh. bukas may practice nnaman kami ng 4-6pm. aral aral muna ng kanta. =P

nakatext ko nga pala si tintin kanina.
miss ko na babaitang un.
she was trying to call me pero naiwan ko phone ko sa bahay nung nagpractice kami kaya ayon. hindi ko alam.
tapos hindi pa ako makatext nakakainis. si mic kasi nagaway nanaman kami kaya binawi niya ung phone niya sakin tapos wala pa akong load sa globe. wala tuloy akong pangtxt. kaawaawa talaga ako.
hay.
sana magpasukan na para magkapera na..

Monday, April 02, 2007

Outing Sa Batangas

Eto nanaman ako. Hehe. Napagod ako sa outing namin. Puro tulog ba naman ginawa ko e. hahhaha.

Kahapon maaga ako gumising. 4:15am gising na ako. only 2 hours of sleep. naligo, nagayos tapos umalis na kami ng bahay. hindi ako nakapagbuhbye sa aso naming si alex. lolz. Okay naman siya pagdating namin. Buhay pa. hehe. Pagdating sa ADB, wala pang tao. Nagstroll lang muna kami ni kuya. at si micmic, busy parin sa psp niya(actually the whole outing naglaro lang siya.. tulog.. kain.. 30mins of swimming lang pahinga niya). dumating sila meg. we didnt talk much. parang awkward nga ung moment na yun e. para kaming sisters when we were younger pero ngayon ilang na kami. ewan ko ba. parang there's something different about her and i think gnun din tingin niya sakin. may isa pang family na kasama. family nila tita beca. bonniebec, her daughter is pretty. kala ko im older than her pero she's 22 na pala.^_^ tapos ayon. we also didnt talk much kasi hindi kami close. sila ni meg ung magkakilala kaya they are the ones who were always together. Ako, solo flight. lolz. hindi naman masyado. i was with them nung nagswimming kami. uhmm. The trip was exhausting kasi ang tagal sobra. Nagkanda wala wala pa kami. hay. Si manong driver kasi e. Hindi niya pala alam papunta dun sa Laluz from Lipa City. kulit diba. Pagdating namin dun lunch na. Lagi talaga akong on time for lunch. hehehehe. ayos lang un food. normal. lutong bahay. walang kakaiba. Puro kain lang yata ginawa namin dun eh. Pagkapahinga namin. nagswimming na kami tapos merienda ulit. tapos pahinga ng konti. Dinner na.

The place is great kung gusto niyo matulog, magrelax at kumain. pero if you're a person who's into televisions. hay nako. walang tv dun. at kung gusto niyo naman ng gwapo. wala. wala. hay nako. nabali na ata leeg ko kakasearch aba wala talaga. malas naman.

Nagpa Swedish Massage pala kami nila mama sa may cavana. Sarap. First time. hehehehe. buti walang madilim at walang nakakita ng maganda kong katawan. hahahahha. nude ako. wakokokokok. hay nako. buti hindi ako hinuli at kinasuhan ng indecent exposure. lolz. maaga ako natulog nun tapos gumising ako ng late kanina. breakfast tapos nagayos na para makaalis na kami.

Sa chowking kami kumain. halo-halo. perfect for summer. whew! sarap. tapos un dirediretso na kami pauwi. tulog ako buong biyahe!


PictureS!

Habang nagpapahinga.. picture picture muna.. hehe

Mom and Dad Ko.

MicMic Taba. Hanapin niyo ko diyan. ^_^

Eto pa. Si Micmic. Adik sa PSP..

Ako naman. After swimming.


Ako ulit. weeee!


Ang La Luz sa kabilugan ng buwan..


Ang mga bato.

yun na yun.


uhmm.. ang saya ng outing.
sana matuloy kami sa hongkong. weee.