Thursday, January 31, 2008

Araw ng mga Puso

ang bilis ng panahon. parang kelan lang nung EBnuman ng MO nung Valentine's Day last year pero hanggang ngayon fresh parin sa aking isip ang mga alaala ko nung araw na iyon. lahat kami nakaitim. black valentine's nga ika ng clear commercial. masaya. maraming nakilalang mga taga MO din. uminom sa beer garden at matapos ang ilang sandali pa ay lumipat naman sa nikko's. nagvivideoke na parang wala ng umaga. madaling nalasing at umuwi.

hinatid ako ni ex-pseudobf sa sakayan ng fx dahil sa medyo wala na ako sa ulirat. nakakatuwa nun. sobrang saya ko. biruin mong nangutang pa siya ng bente sakin para lang mahatid ako. hahahha.. di ko lam kung nakakatawa un pero sigurado ako kinikilig ako ng mga panahon na iyon kasi kung hindi edi kinalimutan ko na ung mga alaalang un. selective memory loss kumbaga. naisip ko na dapat talaga naging masaya ako nun dahil bihira lang ang may gumagawa ng mga ganung bagay sakin. dapat icherish ang mga ung memories sa araw na yun. memories lang hindi ung tao dahil tuluyan na akong nilisan nung lalaking minsan ko ng minahal. korni nga pero sa totoo mahirap isipin kung bakit nagkagusto pa ako sa taong un. naisip ko nalang at nagpapasalamat ako dahil at least merong nagpakita man lang sakin na importante ako at special sa araw ng mga puso. sana masaya ka sa daang iyong tinahak at sa pinili mong babaeng mamahalin. SANA MAGING MASAYA KAYONG DALAWA. hindi na ako bitter. inalis ko na sa aking katawan yun. pero hanggang ngayon ay may panghihinayang paren.

parang taon taon nalang ay napapaisip ako kung bakit sa bawat pagsapit ng Valentine's day ay parang walang ibang taong nagiisip sakin puro nanay at tatay ko nalang na nagbibigay sakin. walang nakakaalala. walang nagbibigay ng flowers, chocolates, o kahit card man lang. walang nagyayaya ng date o kung anu man lunch dinner snack or whatever. minsan naiinggit talaga ako sa mga girls na may dalang flowers pag v-day. sinu ba naman ang hindi maiinggit? hindi naman sa panlalait pero minsan kasi natatawa nalang ako kasi kahit hindi talaga kagandahan ung babae ay may flowers na binibigay sa kanya. sana lang wala ako makitang ganun ngayong vday.

tinanong ako ni mommy kanina kung may nanliligaw na daw ba sakin. sabi ko wala. tinanong niya kung bakit pero di ko naman masagot. sabi niya 21 na daw ako. mejo matanda na kaya nagtataka siya bakit wala daw. baka daw kasi tumanda ako ng dalaga. haruy jusko po... wag naman sana! hindi naman siguro mangyayare un. at dahil sa nagbabasa siya ng book tungkol sa mga feng shui aba'y sinabihan ba naman ako na ayusin ko daw ang kwarto ko. dapat daw ung kama ko ay may space sa dalawang gilid niya. tapos dapat daw ung stuff toys ko ay pares pares. ang masasabi ko lang... weird. pero dahil malapit na ang Feb 14 gagawin ko ito. baka kasi sakaling gumana e. haha. mahirap na baka malapasan ako ng swerte sa love. hahaha. tignan nalang natin kung effective.

maya maya bago ako matulog ayusin ko kama ko. weeeeeee!! ^_^



No comments: