Monday, March 10, 2008

final exam exemption.. fireworks for me!

I was a little prepared last friday for our fourth exam in control systems. When tintin and I arrived in the room, our professor announced the students who are exempted from taking that exam as well as the final exam. I was pretty sure that I would be included in the list. It's not that im being a braggart but I knew for myself that I excelled in that class. take 2 e. haha. So yeah, exempted ako and I found out I'll be getting a really high grade. 1.something. Actually this is the first ever subject I took that I was able to acquire an above average grade. Sa PE siguro oo. tsaka malamang sa recess ( i mean kung may grade man ito. lol). Sa totoo lang masaya ako. Sino ba namang hindi matutuwa. hehe.

After class tintin and I went straight to MOA. We met up with toni there. We had lunch at Yoshinoya and we stayed there for more than an hour, talking. We spent the rest of the day catching up on what has happened to her and to us. We stayed in Pier1 just outside MOA and ordered a couple of drinks. I ended up scolding toni because of her "anti-social attitude" that sometimes gets in the way of our friendship. I was pretty emotional that time. I held back my tears kasi feeling ko pinagtatawanan na nila akong dalawa. hehe. parang nanay lang ako. sermon ng sermon.

We stayed there until after we saw the fireworks. It really felt like having a grand celebration of my exam exemptions and me being with wonderful friends. next time ulit.


Tuesday, March 04, 2008

editing blogs

Nakacross post to blogger kasi tong mga entries ko. I just finished the PTC entry tapos inedit ko ulit pero hindi nalabas dun sa blogger ko ung newly edited entry.. wtf! bakit ganun? >.<

PTC

Nagregister ako sa Bux.to and Clixsense just last week. I hesitated nung una kasi syempre nagtataka ako kung totoo nga na magkakapera ako from these PTC sites. Para kasing isang malaking kalokohan para sakin na magkapera ka online ng walang ginagawa kundi magclick ng mga ads. Oo nagcclick ka nga pero most of the profits would go to the advertisers mismo diba? like sa friendster and other blogsites. so how much do they say they would pay for clicking an ad? $0.01 lang naman. at kung magrerefer ka? $0.01 din ang kapalit. at kelan naman makukuha ang pera mo? when you get at least $10 na feeling ko e matagal tagal ko pang makukuha.

Ang gusto ko sa Clixsense e check na ung ipapadala nila agad when you reach $10. Sa Bux.to medyo may hassle pa. kasi you still have to register to AlertPay which is similar to Paypal. Hindi ko pa nagamit either of them so i dont have any idea how they work. Pero un. Yun lang talaga ang hassle other than that wala na siguro ako maisip.

Sa average adds to click per day naman. Sa Clixsense 2 lang, $0.02 un. Sa Bux.to 10 ads per day naman, $0.1. so medyo malaki compared sa clixsense. tapos meron pa silang bonuses like sign-up, newsletter and refer-a-friend pre-bonus na total ay $0.09. Sa totoo lang wala pa akong narerefer. parang ang hirap. wala na rin kasing oras ang mga taong kakilala ko para sa mga ganito na hindi rin naman nila alam kung nagwowork.

Araw-araw. i open my accounts sa mga sites na namention ko. nakakatawa pero kasi less than $1 parin ung total ko dun sa dalawa. actually sa Bux.to medyo malapit lapit na. $0.65 na kasi. still it's a long way to go bago ko makuha ang pera. wahehehe... can't wait. kelan kaya un? 6 months from now? hahaha...

Sali kayo ha.

Monday, March 03, 2008

programming..

Tinulungan ko si kring sa paggawa ng c++ homework niya kahapon at kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang naisipan kong mag offer ng tulong kay kring. siguro dahil sa mga rason na ito:
  1. dahil sa napaka stagnant ng buhay ko. kelangan ko naman ng konting gagawin para naman medyo magkakulay at maging interesting.
  2. gusto kong mahasa ang aking utak dahil parang medyo pumupurol na sa kakanood ng mga koreanovela at mga tv dramas tulad ng coffee prince, vineyard men, romantic princess, ghost whisperer (na hindi ko malaman kung bakit ung season2 dvd na nabili ko ay walang audio na ipinalit ko na pero wala parin.. T.T) at maraming marami pang iba
  3. experience ulit para maalala ko at masubukang maiapply ang mga natutunan ko sa mapua (kung meron man)
hindi naman kasi ako talaga mahilig magprogram although computer engineering ang course ko. tapos sobrang tagal na nung huli kong ginamit ang c++. compiler days pa. hindi ko nga akalain na marunong pa akong magprogram gamit ang c++ e. alam niyo naman ako, may transient memory. hahaha.. Pero nakakagulat talaga na nakakagawa ako ng working programs. napapapalakpak ako sa tuwa tuwing natatapos ko at napapagana ang mga gawa ko. wala lang. di ko lang akalain. kasi habang nagpprogram ako e nakakalimutan ko ung mga header files, semi-colon, pano magdeclare ng array, mga ganun. pero thanks to the internet medyo nagliwanag ang mundo ko at unti unti ko ng nasasariwa ang nakaraan at ang mga natutunan ko nung c1 programming class namin na ilang taon na ang nakakalipas.

Naisip ko lang....

Bakit nga ba computer engineering ang kursong kinuha ko?

Hindi naman ako teknikal na tao. walang hilig sa computers. ayaw ng mahaba habang trabaho (paggawa ng software). ayaw ng masalimuot na puyatan at pagaaral ng mga latest languages na pwede gamitin.

Hay.

Pero ggraduate na ako.

ojt nalang at seminars ang itetake kO next term.

Bakit ba ngayon ko lang ito lahat naisip?

ewan.

di ko alam. at wala na akong balak alamin dahil wala namang magbabago kung nalaman ko man.