Wednesday, February 28, 2007

Sir Mortera..

Ang headline ngayong araw.

"SIR MORTERA HINULI NG NBI!"

hinuli daw siya at kinasahan ng extorsion, bribery, at resisting arrest. dahil daw sa suhol na hinihingi niya sa isang mapuan na nahuli naman sa akto. musta naman. hindi lang si sir mortera ang gumagawa niyan. hindi na bago yan e. meron pa sigurong iilan na natira sa mapua na ganyan. lahat ng schools meron niyan. hindi naman nating sila masisisi. minsan kasi ang students mismo ang nagaask kung pwede pa bang mapagusapan ung grade nila para hindi sila bumagsak. minsan ang mga students ang nagooffer magbigay. saktong si sir mortera lang siguro ang nahuli at napagdiskitahan dahil sa sobrang terror niya. naririnig ko kasi ang iilang story tungkol sa kanya. na kesyo asar talo daw siya sa ME department. kesyo galit daw talaga siya sa mga ME. aba'y ewan. basta ako sana lang hindi mabunton lahat ng sisi sa kanya dahil nasa tao naman yan e. kung ung mga students narin ang nagpupumilit para lang pumasa sila at kung magbibigay sila then siyempre tao lang si sir mortera na tatanggapin un diba. kung hindi tatanggap ang isang professor ng mga suhol na tulad neto e di walang mangyayaring ganyan. minsan lang talaga mukang pera mga tao. konting pera lang ang katapat. hay. Pilipino talaga.

Good luck nalang kay Sir Mortera. Sana kung nasan man siya pakabait na siya and sana he learned his lesson. It's not yet too late to change.

Tuesday, February 27, 2007

WooooHooooO!

Tumambay kami ni tin sa walls after ng class namen sa datacom. Kwentuhan to the max paren. Nakakamiss narin magstay dun kasi hindi na kami nakakatambay simula nung pinaalis kami ng guard.. hay.. daming kwento. tawanan. as usual mga tao sa paligid ang mga topic namin. si meant to be, si mam villaflor, ang kapatid ni mam malihan, si pseudo boyfriend at kung sinu sino pa. hindi na kami nauubusan ng kwento pansin ko lang. sa tagal naming magkasama ni tin, halos araw araw, magkausap na pagkagising palang(dahil ako alarm clock niya!), pagdating sa school, pagkain ng lunch, merienda, minsan dinner pa, tambay sa kung san san, sa text, sa chat, sa mapuaownage.com... lolz.. parang kambal na yata kami kaya pala tawag samin ni botee ay "the amazing twins".. wahehehhe... ibang klase tandem namin e. parang boombox pag magkasama kami. tawanan lang palage. kaloka talaga.

ai eto na pala kwento ko.

habang nakatambay kami ni tin sa walls, dumating sila eric, si daniel at ung isa pang taga jpcs(i forgot his name..waaa). nakiupo din sila at nakipagkwentuhan. aion. tapos biglang napatingin ako sa may cantunan! wa! SI MEANT TO BE!!! may kasama siya na friend niya. naglakad sila papunta sa may direction namin. wa.. kahit na di ko siya tinignan ng diretso i still saw him somehow... nasense ko na they were both looking up and they were looking at us!?! weeeeeeeeeeeee.... papunta sila sa walls din then they suddenly stopped. siguro they changed their mind and decided to go back inside the school. habang naglalakad sila nakatitig sila samin. malay ko kung bakit. wa. pero kiligerz ako talaga.. hahhahahahha...

tin and i were thinking about the reason why they decided not to go up the "walls". we were actually thinking about the same thing. kaya hindi sila umakyat kasi eric and the rest of the guys were with us... =( kainis noh. it's not that i dont want them(eric) to stay there with us pero parang i regret calling them para umakyat sa taas nung mga oras na un. nanghinayang talaga akO. i was thinking of the what ifs.. what if they(eric) were not with us? would meant to be come up to us? would he introduce himself? would he ask for our names and our numbers?????? sayang talaga. weeee...

then siguro after ilang minutes they went out narin and they headed towards us.weeeeeee.... they were still looking at us as if we were angels who came from heaven .. weeeee..... parang ganun din feeling ko sa kanya e. kasi when i see him parang everything around him becomes blurred. parang siya lang talaga makikita mo. parang spotlight. parang gnun. that's why i didnt notice how his friend looked like. as in.

so aion. they came up tapos parang they only pretended to search for someone. hay ewan. wala lang siguro. gusto lang nilang maexperience umakyat sa walls at tumingin tingin kung anu makikita dun. nang makita nilang wala namang makikita e daglian silang bumaba. they were talking while they were going down the slope. i didnt hear them talking. ang hina siguro ng mga boses nila. i really wanted to hear his voice. weeeeeeeeeeeeeee...

hay nako.. puro pangarap nalang... sana lang... hanggang sana lang ako...






Sunday, February 25, 2007

Ang sutil Kong Kapatid..

grabe sakit ng ulo ko ngayon!!! waaaaaahh... ='( dami ko kasi ginawa.. inaway pa ako ni Micmic (kapatid ko).. hmp.. badtrip spoiled kasi ung batang un. konting utos lang reklamo agad. nangaaway pa. tama ba namang suntukin ako sa dalawang braso!? grrrr... hindi pa pinagalitan nila mommy.. kaya umaabuso e. nako.. high blood ako.. sh*t talaga.

pasensya na nga pala sa mga groupmates ko sa konting nacontribute ko sa SRS natin. busy kasi ako pag sunday. at konting oras lang meron ako para gawin iyon tapos konti lang alam ko dun sa software. churi churi..

Saturday, February 24, 2007

TARGET: Meant to be

Waaaaaaa... grabe ito talaga. Bagsak ako sa 2 quizzes sa assembly!!! double kill amf.. kainis talaga. hindi ko ineexpect na magiging ganun kababa ung mga exams ko dun. to think nagaral pa ako ng lagay na yun ha... hay... mahirap talaga assembly! hindi ko kasalanan na bumagsak ako okay!?

MEANT TO BE

hindi ko nga pala nakwento sa inyo ang tungkol sa taong ito. Ito ang nagenerate ni tintin na codename para sa isang taong palagi kong nakikita. aminado akong maliit lamang ang mapua pero bakit sa bawat oras na nagkakatinginan kami ng taong to ay parang may weird feeling. hindi ko malaman kung siya ba yung stalker o ako e. haha. kasi ilang weeks ko na siyang nakikita. araw-araw pa. musta naman yun. dati walang mintis e. pero ngayong thursday tsaka friday di ko siya nakita. baka naman ako nakita niya.. ehehehhehe.. ASA!

after namin kumain ni tin sa cantunan(ang walang kasawaang palabok at sparkle na palagi nalang naming inoorder... hay..), naglakad na kami at ayon sakto! MEANT TO BE was sitting right next to the kwekkwek stall.. whew! naglakad lang kami ni tin ng diretso. I didnt look straight at him kasi ayoko maging obvious pero i could still see him. Parang radar nga talaga ako noh? kasi parang nasense ko agad na nakaupo siya dun. weird.. tapos i could see him sa left side talaga na he was looking at us. Sh*t I didnt expect na he'd be looking at us. medyo wasted pa naman ang itsura ko. waaaa.. kainis..

so ayun nga naglakad kami papuntang wall. tumambay kami dun for a while. pero siyempre dun kami tumambay sa medyo makikita ko naman si meant to be. habang nagkkwentuhan kami ni tin napapatingin ako kay meant to be. He was actually looking at us. ewan ko ba. kami nga ba ung tinitignan niya? kami lang naman ung tao sa direction na tinitignan niya e so that only means kami nga ni tin un (assuming naman masyado hehe).. si tintin nga binibilang ung interval ng pagtingin tingin ni meant to be samin. heheheheh... wow. tapos he stood up. naglakad siya papuntang school. tumingin pa talaga siya samin habang naglalakad siya.. wooHoO! heheheh.. nice.. niyaya na ako ni tin na pumasok na kami sa loob kasi lalagyan niya pa ng DTX ung laptop ko. sabi ko wait lang kami ng 10 minutes kasi baka nakatambay lang si meant to be sa may tapat ng bookstore at baka isipin pa niya na stalkers kami ni tin. we waited. bigla siyang lumabas. the same thing happened. patingin tingin ulit. ligaw tingin amf.. hehehehehe.. tapos bumili lang yata siya ng load sa may kwekkwek stall tapos he called someone using his cellphone habang naglalakad ulit siya pabalik sa school.. glance ulit siya sa direction namin. hehehe.. hay nako hanggang tingin lang yata siya..
pagpasok niya, tin and i waited for a couple of minutes then pumasok na ulit kami sa school. pumunta kami sa JPCS. kinuha lang ung laptop ko. umalis naren kami agad. habang naglalakad kami nila tin at ecah, nakita namin si meant to be together with his gf na nasa malapit sa south staircase. parang they were having an argument on something. LQ siguro. sana nga. hehehehe. di ko alam kung matutuwa ako o hindi e. Nga pala ung gf niya ay hindi masyadong kagandahan pero ayos lang. payat. ok ok. uhmmmm

umalis na c tin. at ako naiwan sa eforum. hinintay ko si kuya kumain at umupo ako ng sandali sa labas ng eforum. at aion nanaman. c meant to be. hindi niya kasama gf niya. he was with a friend bumibili ng siomai. weeeeeeee. he saw me yata... kiligerz haahhahahahahahhaha

kung tama ang hinala ko na may LQ sila the better. lolz.

end of the story!




Friday, February 23, 2007

RockFesT at SHAP

I went to school early together with my big brother. I asked him to wait for me till 3pm para naman hindi ako mahirapan sumakay ng fx sa quiapo dahil sa haba ng pila. Halos sabay lang kami ni tin dumating. Kumain kami sa Suqi's and then bumili kami sa pav ng chips tapos nagdirty ice cream pa kami. whoooo.. bloated na ako hehe. Buti nalang hindi tuloy tuloy kain ko dahil nagrereview ako para sa exam ko sa posix.

Ung exam namin sa posix madali lang kaya lang lack of time lang talaga ung problema. At isa pang problem dun ay hindi ako marunong marSAVE AS sa vi editor! kainis talaga. Shunga shunga talaga akO minsan. Kaya sa two items na exam, isa lang nasagutan ko.. 60 pts din yun. buti nga natapos ko. hay nako. kala ko hindi ko talaga matatapos. nalilito kase ako kase walang mga curly braces na panggroup sa mga commands and arguments sa mga conditional statements tulad ng sa C++. hay.. ang hirap talaga kase pag hindi nagwork ung program ay line # lang ng may error ang nagaappear sa screen kaya i have to count the lines pa everytime i encounter an error. gr.. such a waste of time.. grr.. medyo depressed akong lumabas ng room dahil sa mistakes na nagawa kO.


Pero nawala din yun coz i went to see the rockfest sa SHAP(sacred heart academy-pasig), the place where i finished high school. I think it's been more than a year since I went to that place. A lot has changed. So many new faces. So few familiar faces. I saw my graduation pic posted at the entrance. It is quite a funny picture. hehe.. I dont know if the kids i saw tonight found my face so familiar.. wish not. hehe.


I went to SHAP together with my brothers. 2nd band palang yung nagperform nun. 3/5 of the members were emo girls. They were okay. Medyo hindi nga lang ako makarelate sa jokes nung vocalist. hehe. pero aus lang.

3rd na nagperform ung TYPECAST! wow. Hindi yata sila masyadong popular sa school na toh. The students were not cheering for them. Parang wala lang. Pero ako i was trying to move closer to the stage so i'd see them clearly. FACT: they arent goodlooking pero they were great on stage. Sabi nga ni tintin sakin tumingin nalang daw ako sa mga bituin sa langit habang kumakanta sila. lolz. buti nalang wala akong mga nakitang bit
uin sa langit. hehehe. todo concentrate ako sa panonood. ayoko manlait ngayon e.

Merong 3 other bands na nagperform na from Lourdes. uhm.. no comment sa kanila.. okay okay lang din sila e. normal na banda lang. umupo lang ako nun at nagtext ng nagtext. pahinga muna. hehe.

Urbandub naman sumunod! hala daming nagkumpulan sa gitna at nagsslaman amf! grabe nagkagulo naman masyado mga tao. They sang something from their new album, tapos a new tattoo, frailty, endless a silent whisper tska first of summer. cool!!!! hahahhaa.. medyo nagsimula na akong umingay. hehehehe. sumisigaw na ako. n
akikikanta. antok na ako pero ayun kanta lang. Astig e.

CHICOSCI naman! I was waiting for them to perform kasi I wanted to see kung gwapo nga talaga yung c MiGueL Chavez.. Nung umakyat siya sa stage tilian na talaga. Ako nga hindi ko alam kung bakit ako nakikitili. I am not an avid fan of Chicosci pero mas loud pa ung tili ko sa kanila than ung tili ko for urbandub! They sang only 4 songs including the promise, paris, and seven black roses. i dont know the title of the first song they sang. so eto tapos na...

MOMENT KO NA TOH ULIT!

Nakaupo kasi kami ni Micmic sa bleachers on t
he left side of the court tapos may maliit na entrance/exit dun to/from the stage. After kumanta ng CHICOSCI i sat there and waited for them to pass. ang tagal sobra. dami kasi nagpapapicture kay MiGUEL! grrrr... tagal.. kala ko hindi na siya dadaan pero ayon dumadaan na pala. I sat there waiting. Nagpapaautograph pa mga tao. At ako naman. Walang pen and paper!!!!! waaaaaaaaa.. adik.. at take note wala akong dalang camera phone! kamalasmalasan nga naman. grrrrrr.... nung nasa harap ko na si MIGUEL huminto siya.. siguro mga 1.43434 seconds un.. whew!! he held out his hand tapos he was expecting me to give him a high five ako naman tameme! waaaaaaaaaaaaaa Puge kasi.. heheheheheh... tapos yun.. my hand met his.. MOMENT KO TOH!!!!! wow.... lambot ng palm niya. yiheeee... kiligerz nanaman akO!!!!!! hindi ako magwawash ng right hand ko ngayon? hahahah nyok.. adik.. kelangang hugasan churi.. pero tuwang tuwa ako heheheheheh..

tapos eto pa.. kaibigan ko kasi ung head of security sa SHAP at yung ibang staff dun kaya I was given a piece of paper and a pen tapos I waited for MIguel again sa gate ng SHAP! heheheheh... tapos dumaan ung mga bandmates niya.. cutie din ung isa dun e. i dont know who he is pero i think he was the drummer (JA Salvador) tapos ung substitute ni Mong Alcaraz ai cutie din.. Ariel Something ung name. hehehe.. may hawig siya kay carlo (ung cousin ni ate dhen.. hehehe). I said hi lang. wow. LAKAS. The friendliest was the other guitarist. ung nasa left. he was so nice. hehe. but i didnt get the chance to talk to him ng matagal kasi he was carrying a lot of things kaya un. hi hello lang. i flashed my pretty smile. hope
he was captivated by it. hahaha. tapos si MIguel naman. Kinuyog siya ng mga girls pero pinasingit ako ni sir mike. autograph na. hehehe. wow.

NOTE: YUNG SA IBA SIGNATURE LANG NI MIGZ. UNG AKIN MAY MESSAGE!
!!!
thanks
we heart(drawing ng heart) you
Signature niya
WAHAHAHAHA!!! MAINGGIT KAYO SAKIN!!! hehehehe..

hahahha. papascan ko pa kay mama(wala kami scanner poor lang kami). wakokokokokokok... tapos post ko dito un..

baka di na ako makakatulog tonight because of this.

sobrang saya. :)


Thursday, February 22, 2007

Intramuros IdoL

I woke up at 830am. Tinatamad ako pumasok sa assembly dahil wala na daw si Maam Villaflor and ngayong araw dadating yung bagong naming professor. Naligo ako. Halos isang oras yata. Pilit kong pinapatagal ang aking paliligo dahil ayokong ayoko talagang pumasok ng mga oras na iyon. Pero dahil nakonsensya ako, pumasok ako. mga 1030 na yata ako nakaalis ng bahay. Sakto. 1 1/2 hrs ang byahe papuntang school.

Hay nako. Malas talaga. Ang init ngayong araw. Yung FX na nasakyan ko sobrang bulok. GRR! Sa likod ako nakasakay at grabe ung init wala ba namang ac. Nagsisisi ako kung bakit dun ako sumakay. Gusto ko sanang bumaba pero too late. Slow talaga kasi ako magisip. lolz. Naisip ko lang sa kalagitnaan na ng byahe habang tumatagaktak ang pawis ko sa likod. Hay. Buti nalang pagbaba ko sa may San Sebastian sa Mendiola ay hindi ako nahirapang magabang ng taxi papuntang Mapua.

On time ako dumating. 12:03pm. Nagmamadali akong pumunta sa North building dahil tinext ko si tin na dun nalang kami magkita. ABA NAMAN! pinagtripan pa ako. nasa 3rd floor na pala sila habang ako naman hanap ng hanap sa may fountain. naloka ako dun. haha. hindi man lang sinabi na nakaakyat na sila ni daniel. wa. Pagpunta namin ng room, si maam villaverde na pala prof namin na bago. sabi nila hindi daw nambabagsak yun. sana this term ganun nga ung mangyare. ayoko magtake2 sa assembly. ok. maaga kami pinalabas. nag attendance lang. saya. parang first day of classes lang.

Kumain kami ni tintin sa hongma. kasama c remon at tsaka ung isa pa naming classmate. chika chika ganun. bagal kumain ng mga yun. ubod ng bagal. o baka naman mabilis lang kami talaga ni tintin kumain? aba malay. tapos nun kumain kami dirty ice cream. wow. sarap talaga pag dirty. heheheh.

Eto pala ang highlight ng araw namin.

Nanood kami ni tintin ng Intramuros Idol! Mapua, Letran, PLM, and Lyceum, each having 2 candidates, were there to compete. wow. andun crushie namin. Sabi nung host "the only thorn among the roses". si MelJohn Magno. Cutie e. Chinito. Galing pa sumayaw. Astig. Okay naman kanta niya. the problem is hindi siya ung pinakamagaling. hehe. Meron pa kaming isang candidate. si Wendy Lim. Magaling sana kumanta medyo sablay lang sa body movements niya. Basta ayon. Ung ibang contestants magaling din. Merong galing sa Les Miserables ung kinanta, merong may maganda na walang dating yung kanta., meron ding maayos yung performance kaya lang hindi nasama sa finals.

Bigatin nga pala yung mga judges. Ung isa si Mrs. Kitchie Molina (hindi ko alam kung san siya), isang napakagwapong taga SOP, at si Mr. Vennie Saturno (tama ba spelling ng name nya? haha).

Nasali sa top4 ung 2 contestants from Mapua. The other two were from Lyceum. Meljohn was the first who performed. He sang one of Justin Timberlake's songs. Mejo ngongo. Pero okay lang. Nadala narin sa pagsayaw sayaw niya. Galing. Parang Gary V. lang e. Ung 2nd finalist e c Minerva and the 3rd was A... i cant remember her name basta they were from Lyceum. Ung 4th ay si wendy na todo cheer ang audience. hehehehe. grabe nagkagulo talaga sa gym while she was singing. Pawis na kami ni tin dahil sa kakacheer at dahil walang ac ang gym ng mapua.

Tantadadantadan.....And the winners are:

INTRAMUROS IDOL - Minerva

1st Runner up - Wendy Lim


2nd Runner up - A.... (kung sinu man siya)


4th Runner up- MelJohn Magno



Kumain kami cantunan after dahil sa gutom na kami. Tapos tumambay lang kami at umuwi na matapos ang ilang oras. Kapagod na araw. Nga pala absent kami ni tin sa datacom dahil sa Intra Idol na yan. grrrr. lagot nanaman kami kay sir neto. wa.



Wednesday, February 21, 2007

Ash Wednesday

gumising na naman ako ng sobrang aga para sumabay kay kuya. Medyo ok ang umaga ko dahil 1030 pm ako natulog last night at nadagdagan ng isang oras ang sleeping hours ko. Si tintin ginising ko pagkaalis ko ng bahay. Tinext ko siya and I was thinking gising na siya yun pala tulog parin. Nagtext kasi ako ng 9 ulit sa kanya and sabi niya kakagising niya lang!? wah. nsa school na ako ng mga panahon na yon kaya medyo panira ng umaga...

sa mcdo kami kumain with xave, lyndon and paul. solve naman ang gutom. nag 5pc chicken nuggets na naman ako. ang walang katapusang chicken nuggets.. palaging yun nalang binibili ko sa mcdo. buti nalang hindi pa ako napupurga. hehehe.

pumasok ako sa lahat ng klase ko ngayon. hindi yata ako nagkasakit ng katamaran. himala. nagseatwork kami sa posix na naiinis ako talaga dahil sa hindi ko natapos. grrrrr. anu ba un. hindi naman mahirap pero parang tamad na tamad akong magisip. sobra. parang pinagpipilitan ng utak ko na wag matuto. haaaaaay... tamad na siguro talaga mag aral.

nagsimba kami ni tin at toni. si toni pinilit lang namin. ayaw ba naman magsimba. kulit e. okay sana yung misa kaya lang yung pari may topak. nung homily na binasa niya lang lahat ng sinabi niya galing sa isang papel na niresearch niya yata sa internet. puro definitions amf. puro lecture na nga yung mga klase ko tapos hanggang sa misa parang naglelecture parin?!?! wa. kala ko nga kelangan pang magjot down ng notes e. hehehe. umuwi nga pala ako ng may krus sa noo. kala ko masusunog na ako e. buti walang epekto. ibig sabihin siguro mabait pa ako. salamat sa Diyos!

nilibre pala kami ni toni ngayon sa cantunan. buti nalang hindi ako gutom kundi namulubi na yun kasi oorder talaga ako ng sandamakmak na pagkain. hehehehhe. pasalamat siya. lolz. tumambay kami sa wall after namin kumain pero it turned out na nandun ulit si pasaway na manong guard na nagtataboy ng mga tao. gusto nya lang yata siya lang nakatambay sa taas. wow. napakaselfish niya. baka may ginagawa siyang kababalaghan dun. hehehhe.

nakita pala namin si
"meant to be" kanina sa school. hahahah.. ang saya. kuyut talaga niya pwamiZ! hehehehhe... sana araw araw ko siyang makita. yiheeeeee... kiligerz ever akO!

Tuesday, February 20, 2007

Tambay Buraot!

Nakakatuwa kasi nagdala si tintin ng pancit. Hindi ko alam kung lucban ba yun o canton kasi muka talagang pancit canton tsaka hindi pa ako nakakakain ng pancit lucban. Ayos ung pancit for lunch. Halos ako yata ung kumain nung isang buong topperware nun, konti lang kasi kinain ni tintin. Napaghahalataang matakaw ako. hehe.

Nagexam pala kami sa assembly kanina and nagulat ako sa exam kasi ang haba. sobra. Hindi ako masyado nakapagaral kaya kamote ulit ako. Pero medyo marami naman ako nasagutan. Hindi talaga ako sure dun sa mga sagot ko dun sa may programming. Nahihilo kasi ako sa dami ng instructions e. Weakness ko yata programming.. Bakit ba ako nagcom eng!? wa.. hindi ko din alam.

Hindi pala kami nakatambay ni tintin sa walls kasi pinababa ng isang guard lahat ng tao na nakatambay dun. buraot talaga!!!! ngayon na nga lang kami nakatambay ni tin pinalayas pa kami! ang sama! GRRRRR!

NOTE: ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga pwedeng tumambay sa wall ng 6 onwards. musta naman iyon. sa 4 na taon kong nagaaral sa mapua ngayon ko lang napagtanto yun. ang saya. hehe.

Monday, February 19, 2007

First Post Ever!

Wow. First post ko dito and I am really excited to share to you guys what I'm gonna be doing every single day. I might be posting here for the rest of my life(if this site would still be available after a couple of decades or so...). haha.

Anyway, about my day...
I went to school early kasi sumabay lang ako kay kuya para tipid sa pamasahe. Oo, you read it right. I'm trying to save money now. Ewan ko kung naisip ko at sinasacrifice ko ang aking beauty sleep para lang makasave ng money. Kasi naman 12noon ang class ko pero I always arrive at school around 9am. That's the reason why I often feel sleepy when I go to class. I think I should change my bad sleeping habits...

Magkasama na naman kami ni Tin2x as usual. Pumunta ako sa JPCS tapos dun ako tumambay sa kanila. Sabi ko nga sa sarili ko feeling jpcs member ako e. Nagdrum mania lang kami tapos kung anu anung online quizzes yung tinake namen. Nakakatawa nga e yung ibang results kasi totoo. ^^,

Tinamad akong pumasok sa software class kaya I ended up hanging out with tin. Haha. Okay lang. 2 palang yata absences ko dun. Pwede pa hanggang 6 absences. ^_^

Meron kaming scripting exercise sa POSIX class namin at tulad ng dati kamote parin ako. hahahaha. wala ako masyado alam sa scripting dun although it is so much like C++ hindi ko parin maintindihan yung iba. I cant remember the codes from Unix Fundamentals kaya wala akong nasagutan. Hirap na hirap ako ngayon grabe. Parang dapat I should be studying right now ng mga subjects ko pero I prefer to use the pc and just surf the net. Feeling ko talagang babagsak ako this term. waaaaaaaaaa....

Yung sa class ko sa i/o kainis. kasi antok na antok na talaga ako. feeling ko pipikit na ung mga mata ko habang nagdidiscuss si maam malihan.. ang kulit ko kasi.. sabi ng matulog kasi ng maaga e.. grrr... di bale i'll try to sleep early.. i'll try to quit being a friendster addict and an MO addict (MO as in mapuaownage.com just so you know).. *wink*

sabi ni toni lilibre niya daw kami ni tintin ngayon sa cantunan (kainan sa tabi ng Mapua). Pero hindi ulit natuloy. Ako naman ngayon ang may kasalanan dahil biglang nagtext c kuya sabi niya sabay na daw kami umuwi. so ako naman (na nagtitipid) sabi ko oo sige sabay na ako sa kanya. kala ko lilibre ni toni si tin pero hindi parin pala. tumakas nanaman ang bruha!!! loko loko talaga yun. hehehe. dapat next time hindi na siya manlibre sa cantunan. sa Mall of Asia naman. Sa isang fancy restaurant. hmmmm... sarap. hehehe.

ang haba na pala neto. next time i'll make it short. hehe. tomorrow ulit.