i cant believe he failed me. NANGHUHULA NG GRADE POTA. SANA MAKARMA SIYA. P&@#*(@#$(*!!!!!! F@#(@*&#(@&#(!!!!!!! MAY ARAW DIN SIYA... SI LORD NA BAHALA SA KANYA!!! GRABE!
Friday, June 29, 2007
BADTRIP!
i cant believe he failed me. NANGHUHULA NG GRADE POTA. SANA MAKARMA SIYA. P&@#*(@#$(*!!!!!! F@#(@*&#(@&#(!!!!!!! MAY ARAW DIN SIYA... SI LORD NA BAHALA SA KANYA!!! GRABE!
Thursday, June 28, 2007
BreadTalk Pls!!!! SAM MILBY!!!! (StarStruck!)
It started early morning after we found out that we were exempted from our final exam in comorg.
We had our brunch. San pa ba? eh di sa McDo. haha. Walang pagbabago. Kasama namin si toni. at ayon sobrang saya kasi okay na kami ni toni (we had a misunderstanding just a week ago dahil sa compiler at sa ugali niya.. lolz.. i better not talk about it.. tapos na kasi ayoko ng maghalukay sa baul ng mga kasalanan namin sa isa't-isa). ayun. we talked about lots of things. kwento kwento. kain. nakakamiss kasi ngayon lng kami ulit nakumpletong tatlo. at eto ha.. hindi naasar o napikon si toni samin ni tin. Kung alam niyo lang kung anu mga pangaasar namin sa kanya matatawa talaga kau. basta basta. lolz.
dami naming napagusapan. design2. software. mga nagaalisan na prof. mga papalit na prof. mga terror. mga funny moments. at siyempre mawawala ba ang mga cute guys? hehe. kay sarap talagang magkaroon ng mga girlfriends. We can talk about almost anything under the sun...
uhmm.. pagkatapos kumain they took their software finals tapos un tin and i decided to go to MOA. Actually we never planned to go there pero dahil sa 630pm pa ippass ung sa compiler namin ayon napagkasunduan na dun nalang. Sa SM kasi wala namang mapupuntahan maxado. Sa robinsons place naman mejo hindi ko gusto maliit lang din kasi kaya wala din maxado mapupuntahan.
Tinanong ko si tin kung pano kami pupunta dun. Not that i do not know how to go there, pero kasi honestly gusto ko magtaxi dahil mainit (hindi ko sinabe kay tintin.. lolz). oo na. maarte na ako. pero hindi kami nagtaxi. sabi ni tin magbus kami papuntang buendia. okay. pero nung sasakay na kami tae puro usok nalanghap namin kakahintay ng bus dahil sa lawton kami sumakay at eto ha.. inis na inis ako dahil hindi kami makasakay dahil ang daming jeep na nakaharang! kamusta naman un?! asar talaga mga jeep dun. at dahil hindi kami nakasakay sa bus, nagfx nalang kami. weeee... aircon. sarap talaga ng aircon... hahahahaha... =))
pagdating namin sa MOA sobrang kapagod. Init kasi nagjeep pa kami papunta dun. Ikot kami ng ikot sobra. ang saya. kasi wala kaming pera. kaya window shopping lang kami. nakakatuwa. dami ko sanang gustong bilin kaya lang wala e. di pwede. no money. sarap maglakad. mejo konti lang cuties na nakita namin. puro pa bata. hahahaha... baka makulong kami neto. nyahahaha.
Nung sumasakit na tiyan ko kakalakad nagdecide kami na kumain muna. At dahil nga sa wala kaming pera, naghanap kami ng mura. Sabi ko sa el pollo loco nalng. mag chicken taquitos kami kasi mejo mura lang 50+ lang. kaya lng naisip ko parang oonti lang. ayon hanap kami ulit. Sabi ni tin sa TokyoCafe daw. So punta kami dun. Mahal. lolz. Hanap ulit. tapos un napadpad kami sa breadtalk. weeeeeee.. sobrang lambot nung couch nila dun. kakaantok. tapos ung mga bread nila dun sobrang sarap. bumili ako ng isang chocolate covered croissant, bread na may chocolate pudding, tapos isang ham and cheese na parang bread stick. grabe. super sarap. wahehehehehe... para nga akong endorser dun e kasi naman may umupo na mommy dun sa harap namin tapos tinanong kung masarap daw ba ung kinakain ko. sabi ko... "uhmmm.. sarap po talaga!" wakokokokok... totoo naman kasi. if ever mapadpad din kau sa kahit saang branch ng breadtalk try nyo. super tasty nung mga binebenta nila. hehe. wala lang.
After namin kumain (ULIT) nagvideoke naman kami. weeeee... sarap talaga kumanta. nyahahaha... basta sobrang saya. nakailang songs lang kami kasi ang mahal magvideoke sa timezone (sa timezone ba tayo tin? nakalimutan ko na.. hehe) Php 15.00!!! hay nako. sa labas 5 pesos lang. grabe. bibili nga ako ng sarili kong videoke machine. =P ang natatandaan ko lang e sobrang ingay namin ni tin nung mga oras na un. lolz.
Mga 430pm na kami natapos kaya un naisipan na namin na bumalik sa school. Nagjeep kami pabalik sa buendia. Jeep ba un o van na mukang jeep na hindi ko malaman kung bakit blue ang kulay. ang barbie kasi. wahehehehe. Pagbaba namin sa buendia nagfx kami ulit papunta naman sa cityhall. Sa gitna kami umupo. Ako sa rightmost. Nakakatuwa kasi sobrang ingay naming dalawa dun sa fx. Lahat na ata ng tao dun e nadinig ang buhay naming dalawa ni tintin. hahaha.. feeling ko natatawa din ung mga pasahero sa mga kwento naming mga walang kakwenta kwenta. ang topic namin iba iba at kung saan saan napupunta. from breadtalk to moa to kabayo tpos sa aking pagkanta. actually too many to mention. tapos biglang may nakita kami na nagsshooting sa may roxas blvd yata un. Bata lang na artista ung nakita ko e. Ung kamuka ni judyann santos na bata na super galing umiyak sa abscbn. basta un. di ko alam name eh. tapos meron pa isa sa may kalaw naman. Kala ko small time na shooting lang. Tapos nakita ko si Robert ng PBB. sabi ko wow!! pogi TALAGA! ANG PUTI PUTI AT ANG TANGKAD PA.. grabe hindi pala siya masyadong telegenic ha. ^_^ hahaha.. Tapos biglang napansin ko si SAM MILBY! bigla akong napasigaw na "UY, Sa PBB UN AH.. SINO bA UN?...... AH SI ROBERT!!... AY SI SAM MILBY!!!!" nyahahahahahah.... mukang mataba sa personal. Mas pogi pa si robert sa kanya. lolz. Parang nagmukang extra tuloy si sam milby. hahahaha.. tapos natawa ako sa mga reaction nung mga katabi naming girls ni tin sa gitna. halos umikot na ng 270 degrees ung leeg amft! hahahaha... eh sakto nakaharang kami ni tin kasi sakop namin ni tin ung buong window sa right. ahahahaha... adik ... ^^,
nakakatuwa talaga... tsk tsk.. hindi ko na crush si sam milby. wakekekek.. wala lng. as if namang may connection siya sa buhay ko. hehehe.. sayang pala wala kaming camera ni tin. tsk tsk..
Wednesday, June 27, 2007
Moving Forward to a Better and Brighter Future! Aja! Aja!
Pero eto talaga nakakabilib dun. Exempted ako sa finals! Gulat ako eh. Para pa naman akong sira kanina kasi late pa ako dumating. 8am daw kasi ung exam pero dumating ako ng 840am (as usual traffic nnaman ang problema samahan mo pa ng sobrang habang pila sa sakayan ng lintek na fx na yan). Pag akyat ko akala ko tapos na sila lahat magexam un pala halos lahat exempted! Nawindang ako pano ba naman kasi ang alam ko e 37 points ang kelangan ko sa finals para pumasa pero sabi ni tintin e sabi daw ni sir 2.00 na daw grade ko. Nagtataka ako kung san kinuha ni sir ung plus points namin. Tsk Tsk.. Pero salamat talaga kay Sir Maramba dahil sa sobrang kagulat gulat at kagilagilalas niyang desisyon na ipasa kami!!! Bwahahahahahaha!!!!
Kahapon feeling ko babagsak na ako kasi wala tlga akong alam sa thermo. Hindi ako masyadong nkapagaral dahil may inayos ako sa compiler namin. Tsaka tinamad talaga akong magaral. Napanghinaan na yata ako ng loob. lolz. Pero ayun parang sinagot ni God ung panalangin ko na makapasa. Actually di pa ako pasado pero sana talaga pasado na pano ba naman nakakopya kami dun sa pinakamatalino sa klase namin. Haaahahahahahahah! Adik naman kasi laging nagbbrownout tapos nataon pang wala kaming proctor. Kaya un sobrang kopya pero di lahat kasi sinagutan ko naman ung iba dun. hahahaha. Pasensya na pala sa nkopyahan ko. >_< Super swerte ko talaga. Salamat sa Diyos. Sana pumasa din ako dito.
5 lang daw kami pumasa sa lab. hay.. Bkit ba ganun????? Wala lang. Sana mejo magbaba si mam ng passing. wawa naman sila kevin kasi e. tsk tsk...
Almost complete! Eto nalang iniintay ko. Weeeeee....
Ready na ako for next term.. SOFTWARE AND DESIGN2 HERE I COME!
Ready na ako masingko! Ready na ako masyete!
Monday, June 11, 2007
SUMMER OUTING
natutunan ko na maging on time na sa susunod. pano kaya un pagnaiwan ako? hala. uwi nalang ako. hehehehe.. naloloka na ako talaga. sobrang nagppanic. buti umabot ako.
ang saya ng trip namin papunta dun sa resort. dami food. si eli kasi katabi ko. masaya. maingay. nanood pa kami flushed away tsaka the break up. weeee.. mejo nabingi ako kasi si eli sobrang ingay e. Picture picture kami. sobrang daming pix nga pero sadly wala ako digicam. ung kay eli, lyndon, at ginpao ung gamit namin. hahahaha.. (excluding pa ung mga hiniram namin ni tin na digicam kina jayvee, kevin, bhudz at ung iba pa. lolz)
ang tagal pala ng biyahe sobra. dapat 9am nandun na kami pero dumating kami halos 11am na. traffic din kasi e. tapos naghihintayan pa ung mga bus. buti nalang dami cute boys na nakasakay sa bus namin (mga applicants ng IEEE).. hahaha.. halos lahat ata ng crushies ko sa mga applicants nandun e.. si _______ , si _______, si ________ at ung isa pa na ngayon ko lang nakita _________. fill in the blanks yan. lolz.
when we got there. grabe sobrang haba ng nilakad namin. tirik pa ung araw. parang nilelechon ako sa init. Kainis kasi hindi ako nakapagsunblock sa katawan. sa face lang. feeling ko paguwi ko muka na akong geisha. lolz. ung face lang maputi. hahahahaha..
Nagpareserve kami ng rooms pero hindi naman kami nabigyan ng rooms. kainis noh. may inooffer sila na rooms Php2200 with ac pero wala namang shower room. kamusta naman un. kaya nga kami magrrent diba para sa shower room. kaloka. so ayon.
since nagbayad ako ng food sa JPCS, dun ako kumain. dami ulam. may liempo, chicken, tuna, may pancit pa. grabe sulit. ung sa IEEE yata late na nakakain. may problem daw kasi sa rice.
after namin kumain, nagparlor games na kami sa comorg namin. nandun si sir maramba, minomonitor ung games. ung first game ung 3 players tapos uubusin ung 1.5 liters ng coke. section namin ung nanalo. ung second game ibbury sa buhangin ung 3 players kami ulit nanalo. ung third ung paramihan ng mapapapicturan na prof.. talo kami.. after nung 3rd game nagpalit na kami ni tin ng damit tapos swimming na kami. sarap magswimming. kahit na hindi kami marunong lumangoy. lolz. dami cute guys sobra. wow.. hahahahaha... dami talaga.
after an hour cguro nagsimula na ung summer bodies. nandun pala ung crush ko sa engman namin dati. siya ung nanalo. ung 3rd contestant gwapo din. tall dark and handsome nga. :) sa girls ung look-a-like ni angel locsin ung nanalo.
after namin manood, nagshower na kami ni tin. kasi baka humaba ng sobra ung pila pag sumabay pa kami sa iba. tumambay muna ako sa cottage ng ieee at si tin sa jpcs cguro. umiinom mga tao sa min e. sobrang lakas uminom ng mga un. pati ako napashot ng isa. lolz.
tapos nun nagtake ulit kami ng pictures using tere's digicam naman. hehe. cute. wala lang.
nung inannounce na na pwede ng umakyat. umakyat na kami ni tin. grabe.. pagod na pagod na ako sobra. parang naligo ako sa pawis. thank god pagdating namin sa bus lakas ng aircon. kwento kwento muna tapos picture picture ulit. dami na umakyat tapos ung iba lasing. 3 yata sila. si glenn, si pm tska ung pinakamalala si stefan. hay grabe. kawawa si xave kasi binantayan niya un the whole trip. pero cguro ayos lang sa kanya. nakadalawang stop overs kami e. ung una sa bilihan ng pasalubong, tapos ung second sa caltex sa slex. si tin nga pla kasama ung iba e bumaba na sa tagaytay kasi hindi na sa unang route na dinaanan papunta dadaan ung bus.
mga mag12 na kami nakarating sa skul.. when i got home sobrang bagsak ako sa kama. tulog.. zzzz.....
This happened last Thursday.
Mejo nalate ako ng gising ulit dahil sa sobrang pageedit at pagcompile ko nung final draft na for printing na
Oo ikaw nga JB. I know mababasa mo ulit toh. I have this blog para malabas ko mga sama ng loob ko. And kung natamaan ka man. Im not gonna apologize because first of all I was not the one who’s not helping (not that you did not help at all). Yeah let’s just say you helped. But the help we’re getting from you IS NOT ENOUGH.
BTW. Ung pagprint nun. We were thinking na kami nalang ni junelle ang magpprint nun dahil sa palpak ka nga nung last time na nagvolunteer ka magprint. Sabi ko mapprint niya na un. Compiled na and naayos ko nanaman ung pages. UMASA KAMI NA
What happened last Thursday was a big deal for me. Now I regret kung bakit ikaw ang nilagay ko sa number 5 sa ranking. I should’ve put you in the last spot. Damn.
Monday, June 04, 2007
THE DAY OF THE DEFENSE:
I was so worried before I went to Mapua Makati. I tried reading the whole document. I was hoping marami akong masasagot na tanong ni sir e. Pabibo ba. hehe. Kelangan ganun kundi kamote ako. Kung hindi man ako magsalita for sure tatawagin din ako ni sir. It's better to go there prepared kesa walang alam. Ung powerpoint inassign sakin ni tom nung monday pa pero dahil I wasnt quite into doing it myself I passed the work to my other two groupmates who werent that active in doing the documentation. I was trying to give them a chance to prove themselves to tom and the rest of us that they can do more. Mejo nagaalangan na kasi si tom dun kay G.F. (initials pwde na hehe) kasi he didnt help "daw". I was thinking nagedit naman siya nung first three parts and he also contributed to some parts of the docu pero si tom ata e hindi satisfied dun sa gawa niya. I did part 1 and a little of part 2 pala nung powerpoint presentation. Pinatuloy ko lang sa kanila. Saktong tinatamad akong gumawa at ayon nga kelangan nilang tumulong ng sapilitan kaya un. Asa na naman ako.
Bago ako umalis ng bahay. Chineck ko muna ung presentation. Ung mga text nagfflash lang tapos nawawala din. There is something wrong with the animations kasi. at dahil sa wala na akong oras para ayusin isa isa, i just decided to delete the animations sa lahat ng texts dun. 80 slides lahat un. hehe. adik ako noh. wala lang.
I arrived early. At muka akong prof siguro ng mga panahon na iyon. Pinagtitinginan ako ng mga students sa mapua makati. All eyes on me. Kaloka diba kasi ako palang andun. Well, that's what i thought. Nandun na pala si JB. I called him and I found out he was already upstairs. I asked him kung inayos niya ung powerpoint dahil sa sabi ni junelle e si JB DAW AY NAGVOLUNTEER NA MAGAYOS NUN. He said hindi niya daw nagawa. Anak ng tokwa!!?! Nainis ako eh(kahit na inayos ko na sa bahay at hindi ko sinabi sa knya na ako na mismo ang nagayos). Takte. Volunteer ng volunteer hindi naman pala magagawa. Ang daming beses na niyang nagvolunteer e tapos puro sablay. Puro delay. Bwiset talaga. At eto pa. Ang naisip ko na reason kung bakit hindi niya na gawa ung sinasabi niyang gagawin niya e dahil nanaman sa girlfriend niya na si Cathy!!! Biruin mo hindi naman defense ni cathy pero andun din siya. Hindi naman kasi masamang magkaroon ng ibang commitments e pero sana may time siya para dun at para sa feasib namin. takte. Puro GF ang nasa utak. Taena talaga. Paranoid ba siya masyado at tingin niya may mangaagaw sa GF niya maya't maya. HELLOOOOOOO!!@!@ P&^#! T*^@#! ARGH! Hay nako nakakahigh blood talaga. Taena talaga. Tapos eto pa pag akyat ko sa taas i saw him holding a calculator and he was studying real hard. Bigla kong naisip tuloy "Mukang aral na aral ah.. Pano kung mas marami pa siyang masagot kesa sakin?" Grrrrr....
itutuloy...