Friday, July 27, 2007

love life? zero

natatawa ako kasi tintin and i usually talk about my lovelife. as in everyday. haha. kulit ko kasi e. parang ako nga din nakukulitan na sa sarili ko e. puro tanong ako kay tin and i always end up getting the same answers but still i ask the same questions. kulit noh? actually the whole time i was with tintin sobrang problema ko na talaga love life kO. kelan pa ba un? more than a year ago? haha.. tagal na. pano pa kaya ung time na hindi kami magkasama ni tintin? hahahaha.. grabe tagal na akong namomroblema sa lecheng love life ko na hindi ko alam kung bakit puro nalang tanong ako at puro sagot nalang nakukuha ko pero ala namang dumadating. asar diba.

marami na ngang nagsabi sakin na maghintay lang daw ako. pero eto ha.. may nabasa akong text. ang sabi don't look for love, wait for it daw. taena. panu kung sa lalaki un sinend. e di parehas kami naghintay? ganun ba un? hintay sa wala. hehe. 10 years.

habang nagiisip isip ako last night at dahil sa hindi pa ako antok dahil nagbabasa pa ako ng "Rich Dad, Poor Dad".. i asked jay (a friend of mine) a question.

"liligawan mo ba dapat ako dati? kasi may nagsabi sakin e.."

he said:
"muntik na ako manligaw.."

actually our story was this:
we were classmates before.. sa logic 1 pa. we never got to talk nung time na un but as time passed by and i ended up applying sa IEEE (org ko sa skul) naging close kami dahil member na pala siya dun. ung mga ibang members dun sobrang tinutukso kaming dalawa. i feel kinda uncomfortable being with jay kasi nga hindi niya naman ako nililigawan diba tapos they kept on teasing us. at ako eto tanga umiwas at lumayo kahit na meron ako feelings for him (he doesnt know yet). kaya si jay e hindi man lang alam kung anung reason. that's why i decided to tell him my side of the story. ganun. pero oo nga. hindi ko sinabi na nagkafeelings ako for him. baka mabigla e. tapos magsuicide... joke. haha. pero un i never had the courage to tell him that.

nung nagusap kami ni tintin kanina kinwento ko ung usapan namin ni jay and naisip namin na pano kaya kung naligawan nga ako ni jay at sinagot ko siya at naging kami? nakakatawa toh pero kung iisipin tama talaga ung sabi nila.. there is a reason for everything.. there is a reason why some things dont happen.. why this happened.. hindi ko tuloy malaman kung dapat ko bang pagsisihan ang katangahan ko nung time na un o dapat ba akong magpasalamat dahil naging tanga ako. the only thing i am thankful for right now is that jay and i are still friends and we're closer than ever.

anyway, about naman kay *toooot* (im not gonna name him muna kasi wala pa.. he's not courting me yet). everything's doing great. we see each other everyday even for a minute lang. parang we really are trying to see each other kahit na alam naming sobrang tight ng sched namin and sobrang malayo ung sched naming dalawa. sabi nga namin ni tin "parang kami na pero hindi pa". im just waiting for him to make his move. ive done my part and ive done it well so it's time for him to realize my worth and to finally decide if he's gonna ask me to be his girl.

so sa ngayon, lovelife ko? zero.





btw
i need answers sa mga tanong na toh:


- ako ba ay high maintenance na girl?


- ako ba ay intimidating?


- ayaw ba ng mga guys sa mataba? (hehe.. panggulo lang toh >_< )

Thursday, July 19, 2007

waiting in vain? imbyerna..

we're dead meat!

wala pa kaming groupings sa design 2. si sir talaga oo. nakalimutan ata kami. amf.

"i'll be sending you the groupings this week through your emails"

kamusta naman ang linya ni sir na yan.. this week? amf. wala pa till now.

panu kaya ung proposals. hay nako. pahirap naman masyado un. waaaaaaa.

ayaw pa kasi pumayag na kami nalang maggugrupo samin e. hay. pasaway si sir.

pano kami mamaya. 7pm pasok namin baka maya 6pm niya iemail samin. hahahaha.. takte.

nakakatuwa naman un.

well well well.. good luck samin mamaya.

weeeeeeeeeeee....

Wednesday, July 18, 2007

First daTe!

Nakakatuwang isipin na sa 20 years kong nabuhay sa mundong ibabaw ay ngayon lang ako nakipagdate ng matino. at eto pa malupit sa lahat. I was the one who asked him out! I still couldnt believe i did that. I did the first move. Weeeee... i must like him so much kaya ko siguro nagawa un.. hindi naman ako desperate pero it seems like it kung iisipin ng iba. natatawa ako sa tuwing iisipin ko na ako ang nagyaya. amf. kahiya. siguro napilitan lang siya kasi siyempre pangit naman if he turns me down. hello!? babae ako diba. kahiya naman kung ganun gawin niya. pero siguro nga napilitan lang. waaaaaaaaaahh ='(

Nung monday sobrang sakit ng tiyan ko. weird nga e. kinain ko lang naman e ung cheesedog na waffle sa canteen. sabi ni tin baka excited lang ako sa date ko. at ayon nga. totoo. naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang kahihiyan ko toh pag nagkataon. nagtatawanan nalang kami ni tin at naglolokohan na gang rape/ date rape/ friendly date ang kakalabasan ng date ko. ako daw mangmomolestya. hahahaha.. adik.. dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat. dahil sa sobrang kabado ako.

Kahapon nangyari date ko.

Wala akong klase. Siya meron. Till 430 pm. Nagpunta ako megamall muna. dun naglunch kasama si mama. kinwento ko nga na may date ako. at ang reaction niya.. "Jhen di pa nga kayo sumasama ka na.. may friendly date ba na manonood ng sine?... marunong ka bang magkarate ha?.. " hahahaha... natawa ako sa last line ni mama. kasi naman hindi daw ako marunong ng self defense pano daw kung anung kamalasan ang mangyare at hindi pala mabait si *tooot* tulad ng iniisip ko.. hay. basta marunong ako kumilatis ng tao at alam ko kung sino ang pwede at hindi ko pwedeng samahan. ang alam ko mabait siya. ok. ok.

sabi niya wala daw siyang load. so pano daw kami magkikita? amf. kalokohan. adik un. di ko lam kung maiinis ako o ano e. pero mejo natawa ako. i texted him the night before na itext niya ako kung tuloy kami or hindi. so mga afternoon e naghihintay ako ng text habang nsa megamall ako at nagiikot at nagliliwaliw. mga 1pm nagtext siya sabi niya tuloy daw kami. ok ok. mejo kinabahan ako talaga.

mga 3pm sumakay na ako ng fx papuntang quiapo. kulit nung katabi ko e. tingin ng tingin. nagandahan ata si kuya sakin. hahahaha.. kapal eh noh. pero ayon naiirita ako. habang nasa biyahe ako bigla ba namang umulan! tae. bad omen ba un?? lakas sobra. e wala akong payong. hay. sobrang dasal ko na sana tumigil ang ulan. tapos biglang pumara ung katabi ko sa may sm centerpoint. napakagentleman naman niya at pinaurong niya nalang ako (dahil nandun ako sa dulo sa harap) at siya ang nagpakahirap na lumabas para hindi ako mabasa ng ulan. kulit nga e kasi bago ko isara ung pinto e nagkatinginan pa kami. nagpause. moment ba ito? aba at may itsura pala si kuya. kinda cute. hahahaha.. pero ayon sinara ko na ang pinto at natapos na ang moment namin ni kuya. hehehehe.. kulit.

tumila na ang ulan pagdating ko sa mendiola. bumaba ako ng fx at sumakay sa jeep papuntang sm manila. napakaswerte ko naman at ang gwapo ng kaharap ko! siguro kung nakakahubad ung titig kanina pa walang damit un. lolz. sobrang tingin ko e. ung lolo na katabi niya tinitignan na nga ako e. kasi sobrang titig ko talaga dun sa gwapo. hahahaha. de pero wala lang un. may date ako ngayon e. focus muna ako sa magiging kadate ko.

pagdating ko sa sm. nagpunta akong wendy's. umorder ako ng iced tea. at tinawagan si tin. nagffreak out na ako. nagusap kami mga 21minutes. hay kawawa naman ung smart bill ko. tae. kasi naman sobrang kinakabahan ako. hay. 430 labas ni *toooot* at ako nasa sm na ng 4pm. hay. fashionably late daw dapat ako sabi ni tin pero sobrang aga ko. hahahah.. nagtext siya and sabi niya nasa school pa daw siya. sabi ko nasa fx pa ako at mejo malayo pa ako. i lied. mga 430pm. papunta na daw siya sa sm. sabi ko nasa jeep pa ako. i lied ulit. amf. kunyari late ako. hahahaha.. amf. hirap magsinungaling. parang lumalabas excited ako. waaaaaa.

nung nagkita na kami sobrang katuwa. para kasi kaming ewan. usap usap onti tapos punta na kami sa may bilihan ng movie tickets. harry potter. hay. tapos bumili kami pop corn tska pepsi na sobrang laki hindi ko naubos. hay.

tawanan kami ng tawanan habang nanonood ng movie. kulit kasi niya e. lagi nagpapatawa. kulit kulit. inubos niya ang pop corn. lolz. kasi gutom siya at ako naman e busog kaya hindi na ako kumain. sobrang friendly date lang talaga. we didnt hold hands. we never even had physical contact the whole time. lolz. di ko alam kung natuwa ako o hindi e. pero cguro respeto narin niya sakin un. hindi naman kasi kami kaya wala talagang reason para magholding hands kami diba.

nakakaloka ung kissing scene sa movie. amf. tagal e. tapos sobrang ilang ako. natahimik kasi kaming dalawa. tapos bumanat ako ng "RATED 18 pala toh" hahahaha... amf. tawa kami ulit. kulit talaga. kailang naman kasi talaga un.

after ng movie hinatid niya ako sa sakayan. sabi ko kasi baka hindi siya umabot sa LRT kaya un. weeee....

nahirapan ako umuwi pero tingin ko naman ayos lang kasi natuwa naman ako kahapon. lahat ng pagod ko at hirap sa pagcommute pauwi e napawi ng mga magandang alaala ng date ko na di ko malaman kung friendly date or romantic date. hahahahaha....

weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....

wala lang. share ko lang. lolz




Thursday, July 12, 2007

Frosh Week

first week of school. "FROSH WEEK" daw. ang saya. thursday na pero parang wala parin akong napapasukan.

nung monday mejo okay napakiramdam ko. konting sipon at ubo nalang. nagpacheck ako sa doctor. kinuhanan ng dugo. chineck at napagalamang mababa ang platelet count ng dugo. 450 ung normal count pero 190 lang ako. hehe. dala ito ng sobrang pagpupuyat at di pagkain ng tama. the next day kinunan ako ulit ng dugo. okay na ang resulta. tumaas. meaning wala akong dengue. hay sus. sobrang panic ko naman kasi.

ung pasok ko sa comnet nakakaloka. dapat kasi di na namin papacredit ni tintin un kasi sabi nila madali lang. pero nung ineexplain palang ni sir ang mga gagawin. sobrang matrabaho kaya un pacredit nalang din. sa 2 lab at 4 na lecture, 3 lec and ippacredit. so parang 3 lang klase ko. 2 lab. 1 lec (2units pa) haha. pero kumuha ako unix e kaya 4 parin papasukan ko.

ung sa java at sa os lec si mam pabiania ang prof. grabe inubos ang oras. ayoko talagang pumasok sa ganun. biruin mo first day palang sobrang dami ng sinasabi at parang naglelecture na. hay. sana hindi ganun. nakakaantok kasi un e. okay sana kung sa ibang meeting e kaya lang first daY! hindi nakakatuwa. excited pa naman akong lumabas ng klase dahil nonood ako sa baba ng mga kaganapan. lolz.

naiinis pala ako kasi ung nagiisang lecture subject na papasukan ko (engman) ay abolished pa. hay naku. kamalasan nga naman. kanina ko lang nalaman. so bukas papasok pa ako ng maaga para ayusin un. kasi nman open ng open ng section takte wala naman palang prof na magtuturo. kalokohan talaga ng mapua. kuha ng kuha ng estudyante tapos ganun ang mangyayare. nagbabayad kami ng matino tapos ganito..

wala palang masyadong kakaibang nangyayare sa buhay ko ngayon.

maliban nalang sa design 2. pano ba naman random groupings daw!? hello.. naku pano pag hindi ko kakilala ung mga kagrupo ko at pano kung hindi gumagawa!??? waaaaaaaaaah ='< ayoko umulit. hay. nga pala hindi na si sir linsangan ang sa design 2. si sir cordenete na. hindi ko siya kilala e. sana okay siya. mukang smiling terror e. sana hindi. *dasal dasal*




Sunday, July 08, 2007

Dengue Alert?

may sakit ako.

pasukan na bukas.

argh!

wrong timing naman masyado.

hay...

nadengue siguro ako.

waaaaaaaaaaaah! :(

sana bukas magaling na ako.

Thursday, July 05, 2007

walang kwentang bakasyon

hay nako... bagot na bagot na ako dito sa bahay. unang araw palang ng bakasyon ko. grrrr... grabe naman... walang magawa. kanina pa ako online di ko naman malaman kung anu gagawin ko. nagddownload nlng ako ng kanta. weeeeeeee.... haha..

buti nlng may katext ako. lolz.

gusto ko na tuloy pumasok. haha. excited ako.. weeeeee... dahil ba kay..... nyok ! adik. hindi.. weird ko.

>_<

What's wrong with me?

uhm.. kanina nung nagmumuni muni ako sa aking kwarto sobrang napagisipan ko na kung anung mali sa sarili ko. hindi ko alam kung bakit naisip ko mga bagay bagay na toh.

first, ung pagiging manipulator ko. well napapansin ko narin kasi na sobrang bossy ko na. when it comes to doing things parang i always pass the work to someone kahit na hindi ko alam kung capable o hindi ung tao na gawin ung mga pinapagawa ko. pag hindi nagawa ako sasalo. so parang challenge din un for me at take note naiinis ako minsan konte minsan sobra. pero nawawala naman ang aking sama ng loob sa isang sorry lang. kahit papano parang pahirap talaga ako sa mga tao sa paligid ko.

second, tanga ako sa pagccommute. hindi ako marunong magcommute (ung ppunta lang ng skul at pauwi galing dun ang alam ko) so dont bother asking me for directions sa kung san san. gusto ko magtaxi most of the time. ayoko ng pahirapan na commute (LRT and MRT na sobrang taas ng hagdan.. nako.. i give up). nagmamaarte lang ako. so if ever na kasama ko kayo na pupunta kung sansan pilitin niyo akong magjeep at ituro sana ang daan sakin. iexplain. ayoko ng maging tanga dahil lapit na akong magwork (ilang terms nalang..) at ayokong masiraan ng ulo at magiiyak na tumawag sa nanay, tatay o kuya ko na nawawala ako at hindi ko alam pauwi at papunta at nagmamakaawang sana e sunduin nila ako.

third, sobrang dependent ako sa mga tao. hindi ko alam kung bakit. pero i really would want to change this.

fourth, mahilig ako sa cute boys. lolz. naweirdohan nga ako e kasi parang sakin e mejo nasobrahan ata. pero normal naman toh kasi girls tend to admire guys lalo na kung gwapo talaga o malakas ang dating o may talent (magaling maggitara, kumanta, etc.. ). the same goes with the opposite sex.

fifth, kasunod eto ng nasa taas. Umaasa ako palagi kahit na alam kong hindi naman dapat dahil masasaktan lang ako. ganito kasi. nakaencounter na ako ng mga problemang puso dahil sa pagasa asa ko. tae. kung alam ko lang na wala palang mangyyari at wala akong pagasang mahalin nung tao e di sana hindi nalang ako umasa umpisa palang. lecheng pagibig toh o. bakit ba kasi pinapafeel nila sakin na parang sobrang special ko. grabe. i easily fall in love with guys who do that... let me count the times na nangyare toh.. w8... im countin.. 1,2,3.... and the list goes on. sobrang dami ng instances. even if they do little things na siguro sobrang walang kakwenta kwenta sa iba pero it means the whole world to me. naappreciate ko lang lahat ng ginagawa for me. kaya sa mga taong gumawa ng mga little things na for sure di niyo na maalala I would like to thank you all. (nga pala jd, ung yellow green na eraser na sobrang liit na galing sa mechanical pencil mo na pinahiram mo skin nung 3rd yr high school pa tayo e nasa akin pa.. hehe.. ). so aion nga. kahit simpleng text text lang. kasi naman wag niyo ako itext ng itext from morning till dawn kung friendship lang hanap niyo. kasi it's not normal for guys to text girls ng ganun kung gusto niya lang makipagkaibigan.. okay okay.. do you get what i mean? mejo nagkaka idea kasi kami na you guys want something else from us other than friendship...

last, cguro ung minsan pagkalimot ko magpray before i go to sleep. sobrang di ko alam kung bakit. siguro sa pagod. pero ayon once i get to bed kasi tulog ako agad. kamusta naman iyon. lalagyan ko nga ng reminder ung phone ko para di ko makalimutan. (i always pray naman before i leave the house ha..) tska eto pa pala hindi ako masyadong nakakapagsimba. kasi sunday lang bakante kong araw last term. i always spent that day doing household chores and pagtulog at paggwa ng kung anu mang school work na kelangang tapusin.. hay..

sorry po talaga Papa Jesus. ='(


hay eto muna for now. nek taym nalang ule. wala na akong mamunimuni e. nkalimutan ko na iba. hehe. ;P

Tuesday, July 03, 2007

pahirapan na enrollment

inis ako. tagal ng pagenroll ko ngayon tapos ang init pa.

pagdating ko dun sobrang haba ng pila. sisingit sana kami ni tintin e kaya lang pinagalitan kami nung guard. lol.

nakwento ko na din pala kay tintin ung tungkol kay *tooooot*. sana natuwa siya para sakin. pero naisip ko din, pano pag nagkaboyfriend na ako? hay.. cguro tintin and i will be spending less time together. dapat magkaboyfriend na rin si tintin. hehe.

uhmm. anyway about sa enrollment. magulo talaga ung pagpapaadd ng electives namin ngayon. ewan ko ba kung anung problema nung sa section chief papaadd lang ng elective kung anu anu pang kaartehan ang nalalaman. papuntahin daw ba kami sa DOIT at dun daw namin sabihin na wala sa core courses namin ung elective. at pagpunta naman namin ng doit hindi daw sa knila un. sa baba daw. hay.. magturuan daw ba. gulo gulo tlga. nakakainis kasi 4th floor pa ung doit. at twice kami umakyat dun. kapagod. dugyot na nga ako dahil sa paakyat akyat e.

here comes the highlight of my story.

habang pabalik balik kami sa northbridge at sa doit ay katxt ko si *tooooot*. at ayon nageenroll din daw kasi siya. i thought hindi talaga kami magkikita pero dahil sa hinintay niya ako.. well.. naicp ko na imeet narin siya. iniwan ko muna sila tintin kasama nila eli kasi nagaasikaso pa sila nung sa pagadd ng elective. i asked him where he is and he told me nasa canteen daw siya. i was so nervous papunta dun. hay...

when i got there i smiled muna. i sat beside him. pero not that close ha. lolz. tapos ayon. we talked. we were smiling at each other lang. mejo speechless ako pero i tried my best to think of words to say. he was so nice. he kept smiling kaya ayon super kilig ako. haha. *wink*. ang cute kasi sobra ng dimples niya pag nagssmile siya e. super cute nga. tapos un. sobrang wala akong masabi. tapos when i finally decided to get back to tintin ayon we got up tapos sa may north kami nagpart ways. huhuhuhuhu ='c

he's not that tall. ayos naman siya. moreno. payat. hindi siya gwapo pero i think he's cute. argggghhh.. i love his dimples. hehe. basta. tapos eto pa ung voice niya. cguro others find it weird kasi sobrang laki ng voice niya. parang pang drama or pang dub sa mga telenovelas. hehehe.. gnda naman. bagay naman.

kakanta na nga yata ako ng "i think im fallin.. fallin... in love with you... and i dont.. i dont know what to do..." hahahaha.. korny amf.. basta aion..

after niya umalis inasikaso nnman namin ang enrollment. at ayon sa wakas. natanggal narin ang kaartehan sa pagaadd. naadd na nung sa section chief. adik un. pwde naman pala pinahirapan pa kami. argh..

weeeeeeeeeeeeeeeee..... kahit pagod ako saya parin.......


NOTE:
katext ko siya ngayon. bwahahahahaha...
chance na toh.
weeeeeeeeeeeeeee!






Monday, July 02, 2007

Liking Someone... Again

Never did I like someone this fast. Wala lang. Para kasing sobrang bilis. Ni hindi nga alam ni tintin.. hahaha.. I dont know if I'm supposed to say all these baka kasi bigla niyang mabasa toh. I mean if ever na maisipan niyang magbasa ng blog ko. Hiya ako tuloy. hahaha :)

Hindi ko na sasabihin kung kelan nagsimula or kung sino siya.. it's a secret for now.. *kilig*

Pero eto lang masasabe ko. sobrang saya ko yata. kasi sabi ni mama sobrang abot tenga daw ngiti ko palagi. hahaha.. adik na ata ako.. high na high na ako sa kanya kasi. ewan ko bakit ganun. Para kasing sobrang "meant to be" na yata talaga toh. Kasi naman may certain instances na basta basta. weeeeeeeeeeeeeee.... saya saya ko naman.

Pero di ako umaasa ha... uhmmm..... cguro onti... hahahaha... pwede ba namang hindi ako umasa e sobrang moment ko na toh. hindi ko siya crush pero iba ung feeling e. he's really nice. lagi tuloy ako nakasmile ngayon. eto oh.. *SmiLe* sana lang he'll like me too. *SmiLe* i'll say yes agad. lol. *SmiLe*

i smell true love.

lolz..


Note:
Pakidala nalang ako sa mental asylum pag na break heart ko this time.. *SmiLe*