Saturday, March 31, 2007

New PSP for my Mic2x *_*

We went to megamall and mommy bought micmic a PSP! weeee.. parang ang dami yatang pera ng nanay ko ngayon. hehehehe. katuwa naman. Si micmic nagthank you lang tapos ayun naglaro na. kamusta naman. buong araw siyang tutok sa psp. Habang kami naman ni mommy ay namimili ng food at ng ilang importeng gamit na babaunin namin tomorrow para sa outing sa La Luz Resort sa Batangas. My mom bought a new swimsuit. Ako naman, a skirt and a shirt. Ako ba ito? magsskirt na ako (ulit). hahaha. Nakakahiya magskirt kasi may bruise ung left knee ko. hmm.. Carry ko naman siguro. lolz. I also bought a slip on cover for my mp3 player.cutie. pink e. hahahhaa.

uhmm..
natapos na kami't lahat sa pamimili si micmic naglalaro parin ng psp niya. hay.
naiinis ako.
kasi hindi pinalagyan ni micmic ng girly game ung psp niya puro basketball, naruto, samurai ekek at dragon ball. Amf.
grabe.
hindi man lang ako naisip.

hay.
hindi ako makatulog ngayon dahil excited yata ako sa outing namin. we should be up by 4am kasi 530 daw ung alis nung van. aga.

excited ako! weeee!

Thursday, March 29, 2007

Passport!

Nagpunta kami ni kuya sa DFA ngayon. Nagsign ng mga papers para sa processing ng passports namin ni kuya. Maaga pa yun pero dami ng tao. Buti nalang nagpaano kami sa agency at least menos pagod sa pagpila ng mahaba. mabilis lang ung pagsign, mga 15 mins lang yata. then we left. nagjollibee kami. un lang kasi malapit na fastfood dun kaya un. tapos we went home. the rest of the day went well. mejo boring parin as usual.

Wednesday, March 28, 2007

Janet the Trimmer

Punta kami sa patahian ni daddy. Nagtrim kami ng mga stray threads sa mga coveralls. kapagod. boring pa. hay...

Tuesday, March 27, 2007

Celebrities GaloRe!

May meeting kame kanina sa school. feasib ulit. hay. wala kaming masyadong nagawa. nagsearch lang kami ng mga equipments na pwedeng gamitin. nagtally ng mga sagot sa survey. tumambay. nagpahangin. nakakaloka yung ganito ha. para talagang wala kaming nagawa. we didnt even talk about the financial study.. mejo magulo pa nga kasi paiba iba talaga lahat. they said we should change the name, how the product would be packaged and so on.. too much work to do.. grr. after junelle decided to stop playing Diner Dash, we left.

Magkasabay kami ni tom till makarating kami sa Mendiola. NAlibre pa ako sa pamasahe. akalain mo un? Php 6.00 din un noh. hahahaha. tapos sumakay na ako sa fx papuntang megamall. sasabay ako pauwi. weeeeeeeeeeeeeeee... nung nasa st. francis na kami, in front of lourdes school, i saw michael de mesa in his white civic. okay naman. parang normal na tao lang hehe. nakababa kasi window niya e.

When i got to megamall, i asked mommy if we could have a facial today. ok daw. i waited for her like mga 1 hour yata akong naglilibot. Nung nagpapaderma na kami sa Flawless, nakita ko naman si Charming(Yasmin Kurdi). She was nice and pretty kahit na umitim "daw" siya coz she went swimming. ok ok. mas maputi ako sa kanya ngayon! imagine mas maputi na ako kay yasmin? hahahahha.. pero she still is pretty. simple pero stunning ang beauty. if yasmin kurdi isnt a celeb, i'd still probably think she's hot (DONT YOU DARE THINK THAT I AM A LESBO! I AM NOT OKAY! I JUST KNOW HOW TO APPRECIATE REAL PINAY BEAUTY >_< ). Just trying to tell you how pretty she is kahit na maitim siya ngayon hehe.

Nagpaderma nga kami. My face hurt a little but it was okay. After we had our facial nakita namin sila barbie alamalbis and kamikaze sa 4th floor. aion. barbie is also pretty pero she looks kinda pale in person. wala lang. hehe.

that's about it.

CramminG!

eto nnaman ako cramming. nasisiraan ng bait. hay. salamat sa feasib at hindi ako msyado makapagenjoy. walang pumapasok sa utak ko ngayon. hay nako. bakit ba kasi kelangan pa ng ganito. pasok ako maaga mamaya para sa meeting. sana magising ako ng maaga.

Sunday, March 25, 2007

Pizza! Pizza! and more Pizza!!!

I think I'll be gaining a lot and I really mean A LOT of weight this vacation. Who wouldnt? I stay at home and do what...watch tv, maybe sleep a little, eat, eat, and eat! waaah! i feel like having some sort of hallucination every time i look in the mirror and i see this big.. no.. bigger me. whew! it's like i've gained 5 pounds or so.. and there are 2 or 3 more weeks to go before the school starts! just try to imagine seeing me on the first day of school. how the hell am i gonna look like?!?! uhmm... i better start eating healthy otherwise i'd look like a whale.. but i need help here. it's like an eating disorder or something i dont know. Whenever i do something i just feel like eating. i crave to much food. i often ask what's for lunch or dinner. i often open the fridge and look for food. and when i find no food that's the time i drink lots of water.

anyway, we had dinner around 9 pm and guess what we ate? pizza AGAIN! it's not that im against having pizza for dinner, there's just something wrong with the picture. WE NEVER ORDER FOR PIZZA TWICE IN A WEEK! a week long celebration of my dad's birthday? maybe. haha. great. so that'll add to my flabs. now let's start counting. 300 calories per slice of pizza, 150 calories from a glass of coke, 250 calories for a piece of chicken, 75 calories for each piece of french fries, calamares, fish fillet, the dips, and the gravy. and still counting eh? a total of a whopping 1000+ . hahahhahahahaha. that's just great.

i should start exercising. whew.

Practice Day!

i woke up late. sobra. i almost forgot that we will be having our practice today at tito ernie's pad at 10am. it was already past 10 and kakagising ko lang. musta naman ang practice!@!? i hurriedly fixed myself. When i got there it was 11am na. akala ko he'll get mad or something pero hindi. whew! that was a relief. i know he'd be a little strict na from now on when it comes to our schedule dahil pag nalate ako hindi kami makakapagpractice coz the other band will be there na. hay. need to sleep early. sinisisi ko si tintin kasi nasend niya sakin tong layout kaya eto naaliw ata ako masyado sa pagaayos at inabot ako ng 430am. hehe. salamat ulit tin. lolz. miss na kita pala. alis tayo next week. weeeeee. sana may pera ako. hay.

about the practice pala. inabot kami ng 1pm dahil hindi namin namalayan ang oras. daming naisip na kanta. daming gustong kantahin. daming cds na pinahiram para pagaralan. wa. dami. hay. ang saya talaga ng ganito. mahina pa naman ako sa memorization. waaaaaaaaaa. if ever i'll be singing live nako kelangan ko ng lyrics amf!@ hahahahha. kahiya naman. makainom nga ng glutaphos ba yun. i forgot the name pero i badly need it. weeeeeeeee.

new layout!


it's already 3 am and i am still up and very much awake. trying to fix my new layout. wa. i cant find a site where i can get mp3 urls for my flash player. i wanted to add one sana. but since wala akong makita well well well. walang music tong blog ko. ok. ok. meron sana sa pixpix (sana hindi kayo matypo error kasi once i typed pixpix.COM and i got into a porn site. hahahahha. scary diba. .NET po ha.) kaya lang the player was too huge and i cant seem to make it fit the space i was supposed to put it on. grrr. why is something like this so complicated? hello!!@? COMPUTER ENGINEERING STUDENT AKO!! waaah. i guess i havent learned much from school. hay..

wow. cant believe tintin would make this layout for me. i tried to make one i think the other day but she said it was girly(the colors and all). nyok! siyempre ganun talaga diba. medyo kikay pa naman ako kaya todo pink and blue and green ung mga colors. she said my layout was too colorful. hay.. that's why i just emailed it to her and let her do her wonders. she asked me for a pic. "astig na pic daw". i told her to choose from my pics at my friendster account and grab one from them. mahirap magemail ng magemail. pahirapan ba naman ako. hehehe. im such a whiner.

at last. natapos din. i find it so cool . grabe. im a little curious lang how she did the html code. i mean the whole background was easy. i can make one myself hindi nga lang kasing tino tulad nung gawa ni tintin. hehe. aminado akong hindi ako magaling okay. so just bear with whatever it is na magagawa ko. hehe. the only problem i think i would have is with the html code. i dont know where to start. i have installed dreamweaver and i swear im gonna try to learn how to make something like this.

anyway, the whole layout is great. the colors. the picture. the fonts. everything. hehe. i find it funny that tintin put a mic on my picture and she included this "high maintenance" phrase on the upper right. hahahaha. wala lang. nako panindigan ba na ganun ako.

Friday, March 23, 2007

FeasiB

Nagmeeting kame ng mga groupmates ko sa feasib. Wala kaming nagawa pero may napagusapan kame. hay. sana matapos na toh ng maaga. ayoko ng magcram e...

Thursday, March 22, 2007

Daddy's 50th Birthday!

Wee.. 50th Birthday ni Daddy!!!! Parang walang nangyari. Sobrang late kami nagising ni kuya. Hay. We greeted daddy thru SMS lang. hehe. baka kasi magalit. Baka isipin 1pm na kami nagtext, 1pm kami nagising. hehe. We cleaned the whole house para naman matuwa si daddy samin kahit papano. And it worked. Paguwi nila mommy and daddy they were surprised coz the house is clean and i also did the laundry. hehe. kahit wala kaming gift kay dad okay lang at least we made him quite happy with what we did.

Mom brought red ribbon cake and spaghetti. sabi nila sa weekend nalang daw kami lalabas. busy kasi masyado sila. may pasok kase.

NOTE: Halos buong week ng masarap ang food namin.

Sunday
  • Tuna Spaghetti
Monday
  • Bangus Belly + Rice
Tuesday
  • Shakey's Party Size Shakey's Special Pizza
  • Captain's Platter
  • Family Pack Chicken
Wednesday
  • Pollo Loco Meals
Thursday
  • Red Ribbon Black Forest Cake
  • Spaghetti (hindi masyadong obvious na mahilig kami sa spaghetti noh?!)

Friday
  • Hamburgers and Clubhouse Sandwiches from my mom's office. (taste good!)


Wednesday, March 21, 2007

My new MP4!


My mom promised me weeks ago that she'll buy me an mp3/mp4 player... Now she bought me this Creative Zen V Plus earlier. Weeee! Cute sobra. Lightweight. It can play short videos, has an FM radio, and can store photos too. kahet 1GB lang toh ayos lang(plus 2K kasi pag 2GB e wawa naman mama ko pag pinilit ko pa siya na ung mas mahal ung bilin e 4K lang dapat budget namin for this.). When i got home i started to fill it with the songs that i'm trying to listen to. Hanap ako ng 30 songs para makapagpractice na ako ng maayos. wa. thank God I got this.

Baka hindi ako makatulog ngayong gabi. hehehehhe.

Saturday, March 17, 2007

Wednesday, March 14, 2007

DiViSoRia DaY nAmiN!


Ang hirap ng final exam sa Mem Io! WAaaH!. Todo matching type talaga. SUmakit ulO ko sa dami ng Choices na nandun. Nakakahilo as in! >_<

Nagdivisoria lang kami ni tintin after! wala kaming masyadong nabili. onti lang hehe. Window Shopping lang ginawa namin dahil wala kaming masyadong pera e. hhahahhaaha. adeeeek mode kami dito.

Tuesday, March 13, 2007

Super Exam Day!

Hay nako. Ang aga aga ko nabadtrip ngayon. Pano ba nman i went to school early dahil nga 9am daw ung finals namin sa software dahil nga conflict un sa memio exam namin. Sabi N201. Kamusta nman!?!?@ wala amfufu! Tapos sabi wala pa daw si maam. ang saya talaga. naiinis ako. Kaya yun nagreview nalang kami para sa exam sa memio ng 11am.

Hell day parin to para sakin. 3 exams in one day! at take note mahihirap na exam un ah. Ung sa memio exam ang hirap sobra. Mejo hindi ko nga masyado sineryoso e baka masira na kasi ulo ko.
Ung sa datacom naman parang hindi tinuro ni sir ung halos lahat dun. weird talaga. Talagang hindi niya tinuro as in. Nabbwitet na ako. Wala akong nasagot! Final exam pa nman un! waaaaaaaa... kaawa awa talaga ako. tapos nun tinake na namin nila suria at requiz ung software final exam. astig. madali lang pala. buti nlng nabasa ko mostly ung nandun. ang saya. ehehhehe... sana kasi lahat nlng multiple choice exams e. grrr!

at aion. imbes na magworry kami ni tintin sa exam ay nagpunta nalang kami sa SM manila para makapagpahinga at para mawala ang pagiisip dun sa mga exams namin.... kapagod talaga...

Monday, March 12, 2007

Silent Sanctuary ShirT!

I would just like to thank tintin for the wonderful SiLent Sanctuary shirt she gave me today. hehehehhe. astig!

Sunday, March 11, 2007

Audition KunO!

waaaa! ang saya ko sobra. hehe. pnau ba naman ung kapitbahay namin ininvite ako para magaudition sa bahay nila. vocalist daw. so aion i tried out today. hindi pala audition yun. tanggap na daw ako! weeee! partida hindi pa ako kumakanta nyan ha. hehhehehhe. adeeeeek! tapos yun. meron isang band na nandun e. nagjjamming na sila. "Sophie's World!". ang galing nung vocalist grabe hanga ako e. parang natameme ako nung kumanta yun. wa. tapos nakijam din ako sa kanila. kanta kanta. sabi ni sophie sobrang lamig daw boses ko... anu kaya un compliment? wakekekek. since hindi naman pwede ifuse ako sa kanila dahil parang rock band sila na more on alternative rock ung music nila sabi ni tito ernie gagawa nalang daw niya ako ng sarili kong band. weeee! ang saya diba? at least this summer i'll be doing something worthwhile. hehehe..

tito ernie lent me a Natalie Imbruglia cd and asked me to listen to it. so aion. hehhehe. aus! sabi niya rin na magppractice ako tuwing wednesday sa kanila. tapos hahanap narin daw siya ng mga magiging kabanda ko! sana may gwapo. wakekkekeke. o cge kahit wala basta may banda! hehehehehhehehh...



SANA MAGING VOCALIST NA TALAGA AKO NG ISANG BANDA!
WISH KO LANG!
WEEEEEE!

Friday, March 09, 2007

Hurray! Hurray!

im so glad i aced the posix scripting. at first i thought i would never get to do it kasi nakalimutan ko ba naman ung syntax ng shifting sa binary amf! akalain mo un. hehe. kala ko talaga hindi ko matatapOs un. buti nalang pasado ako. i badly need a high score sa finals kasi wala akong mga seatworks dun... weeeeeee... saya.. hell week no more ba itO!? sana nga.

sana pala magbago ng isip si mam villaverde at sana ibaba niya ang passing sa 50% kasi 50+ ako. sana maawa siya samin. hay. kung kelan naman todo participate ako sa isang subject saka naman ako nalintikan amfufu.. kainis diba. hay. parang feeling ko tuloy mas okay pa na hindi makinig at hindi magparticipate sa klase dahil mas pumapasa ako kesa sa nakikinig ako at nagpapakabibo tapos hindi umaabot average ko. diba. wa. please lang God ayoko na pong magtake2 sa assembly. i dont want to take it again. nakakaloka pa naman un..



Thursday, March 08, 2007

PuRo ViRuS DeskTop kO! at BaGSaK akO Assembly!

waaaa! pakshet talaga. anu ba nangyare sa desktop ko! kung anu anung trojan ung pumasok kanina. buti nalang may laptop ako kung hindi baka sobrang magalit si raiza at ang mga ibang kagrupo ko sa software dahil hindi ko magagawa ung chapter summary kung sakali! hindi ko akalaing sobrang haba pala nung napili ko na issummarize. musta naman. 6 pages yata ung tinype ko! wooohoooo..!!!

ai nako. muntik ko ng hindi matapos ung ginagawa ko kasi ung mga trojans e! adik talaga! naghanap ako ng remover nun ala. ung manual removal naman hindi ko masundan kasi wala naman ung pinapahanap ng trend micro na process (SMOKE.EXE) sa task manager, pinaglololoko ata ako nun... anu ba ung pumasok na trojan sa pc ko.. uhmm... RBOT-DCZ.. kung cnu man ang may alam na solution sa trojan na yan patulong naman. waaaaaaaaaaaaa....

at eto pa mas matindi.. nalaman kong bagsak ako sa assembly!?! ang saya talaga. hay.. hell week nga ngayon.. tsktsk


Wednesday, March 07, 2007

Bakit aKo UmUwi AgaD!?!

kaasar! bakit ba ako umuwi agad!??! hindi ko tuloy nakita si meant to be... hmP! si tintin nakita e. baka sila na ung meant to be. waaaaa! madaya talaga. unfair! sa susunod magpapalate na ako umuwi. grrr!

ai nga pala natutuwa ako kasi wala na kaming exam sa software. chapter summary nalang tapos by group. hehe. saya. sana lang madali lang itanong ni mam baliuag samin sa friday! wooHOo!

Tuesday, March 06, 2007

Still waiting..

mejo masaya ako today kasi i found out that Meant to be's GF is planning to break up with him. CHANCE YUN! haha. pero diba batch 2005 siya ako batch 2003. ok ok. kinda old for him ayus lang. hehe. di naman halata. wahehehe.

after ng datacom tumambay kami ni tin sa walls. at ayun nga nakita namin si meant to be pero nakatalikod lang siya.. hahaha. amf!#@@$ anu namang makikita ko sa likod niya??! at least nakita ko siya. hay. nakakamiss kasi. hinintay namin siya kung dadaan pa siya. hindi ba naman siya bumalik! tagal pa naman namin naghintay ni tin dun. nakatunga2x lang. naghintay lang pala kami sa wala. wa. grabe na toh. sinayang niya oras ko a. grr.

he's worth the wait naman siguro. hehe.

Monday, March 05, 2007

Monday..Hell Day!

pumasok ako ng maaga and waited for tintin sa IEEE tambayan.

while i was waiting for her kasama ko si Ian acuna. Since alam niya cp number ni mam baliuag, sabi ko itext niya and ask kung may exam kami ngaun sa software at kung anung coverage. meron daw. ok ok. nagaral ako. pati sa posix may exam din ako. weeee...

after namin maglunch ni tin pumasok na ako sa software.
before magstart ung exam, tinanong ni mam kung sinu ung nagpapatext kay acuna. natameme ako. parang galit kasi si mam. nagalit yata kasi bawal yata un. unethical. hay. strike one!

posix naman. madali lang scripting exam namin. natapos nga ako agad e. pero nauna si conde. e di pinacheck ko na kay mam. sabi ni mam bawal pa daw umalis kasi may evaluation pa kaya nagstay pa kami. at dahil walang magawa inopen ko ung pinagawang seatwork ni mam kahapon. i tried to debug it. tapos biglang tinawag kami ni conde ni mam santoyo. galit na galit. wa. bawal daw kasi magopen ng seatworks. si conde nagopen while he was taking the exam. ako after ng exam. navoid ung exam ni conde. ako sobrang naguguluhan kung void din ung exam kO. waaaa, strike two!!

Sunday, March 04, 2007

New ChuCKS!

ang aga ko gumising para umattend ng makeup class namin sa posix. weeeee.. pagsakay ko ng fx tsaka ko lang napansin na sakto lang ang nadala kong pera para lang sa pamasahe. wa. naiwan ko pala sa pants ko kahapon ung 500 ko. wa. thank God jobelle was there! i borrowed money from her para pang lunch ko. hehe. at un nga. naglunch kami ni tintin.

after ko maglunch, i headed sa unix class kO. wa. nagsstart na sila at ako wala akong mahanap na terminal. lahat kasi ng terminals na vacant ay may topak. walang power supply. walang lan cable. walang cpu. walang saksakan. hay... 15 minutes nalang ang natira para magawa ko ung seatwork. siyempre naman wala akong nagawa. nakakatawa diba. hay. uwing uwi na ako kasi sobrang wasted na ako. i thought madidismiss kami ng 3pm kasi yun ung sabi ni maam samin nung friday pero it turned out until 430 pala kami. hay. i texted kuya kung aalis ba kami kasi sabi yata ni mommy aalis kami ngayon e.

sabi nila megamall daw sila punta. tapos nung nasa fx na ako sabi sa podium nalang daw sila pumunta kasi sale daw dun. kala ko mawawala na ako or something kasi akala ko hindi dun dadaan ung fx. bumaba ako sa corner nung podium hindi ko alam kung anung street un basta un na un. naglakad ako. hindi naman malayo. hehe. first time ko makapasok sa podium. wow. ganda pala dun. mejo maliit. tapos puro mamahalin mga boutiques nila dun. puro mukang mayayaman mga tao. ako... nakatshirt lang, pants at sneakers na sira. lolz. ewan ko kung matatawa ako eh. ung iba naman dun mukang nagpapanggap. hehe.

aion. binili ako ni mommy ng new chuck taylor sneakers! wow. hehe. bait talaga ni mommy. hay. sobrang saya ko. kasi dapat nung december pa ako meron nun kaya lang palaging napopostpone ung bili tapos sabi ni mommy wala pa siyang money kaya un ngayon lang. hehe.

kumain kami sa burgoo! wa. dami food as in. bloated na nga ako nung umuwi kami. sarap nung mozarella cheese sticks e. tapos ung ribs. weeee. sarap!

Friday, March 02, 2007

HaLa LaGoT HuLi!?!?!

what a boring day.. argh! wala akong pasok sa software tsaka sa posix kasi sumama sila mam sa field trip. kala ko wala rin kaming class sa io pero dumating ung bro ni mam malihan.. weeeee... nagexam kami. at eto. lumabas ung bro ni mam at nagsimula ng magkopyahan ang mga tao sa paligid. parang OT ung exam e. ganung ganun din pero hindi ko maintindihan kung bakit iba ung sagot ko compared dun sa sagot sa OT (nagopen nga pala kami ng OT.. wakekekekke). tapos habang tinitignan ko ung OT biglang may pumasok na prof!!! amfufu.. tinago ko agad ung ot sa ilalim ng questionnaire! wa. muntik na akong mahuli........ pinagpapawisan ako ng malamig nun at si tin naman ai natatakot din na baka nga mahuli akO! wa. adik naman kasi e. nagdadasal ako na sana lumabas ung prof na un. grabe. may minarkahan na siyang testbuklet ng asterisk kasi nakita niya yata yun pagpasok niya e... hay.... after ilang minutes lumabas din siya at sobrang pasalamat ako kay Lord dahil pinagbigyan niya ang aking kahilingan at hindi ako napahamak.. huhuhuhu ='( pagkalabas na pagkalabas ni sir ai agad kong tinago ang ot sa aking bag na ayaw yatang ipatago ung ot dahil nilalabas ng bag ko ung ot! hay... sinipa ko nalang kasi biglang dumating si sir!! muntik nanaman akong mahuli!! hay... hindi na ako kkopya sa ot next time. mapapahamak talaga ako ng sobra. kaya ko namang sagutan ung mga questions e, i was checking lang naman kung tama ung mga sagot ko kasi ganung ganun din ung nsa ot. ok ok. hindi ko kinukopya as in... hindi naman ako ganun. kaya ko isolve ung mga problems. ok ok. hay.
salamat talaga.. inaamin kong medyo masama ako talaga. medyo lang ha. ang dami kasi nung coverage nung exam kaya aion. ngayon lang naman un. hindi na ako uulit pa. hay. ang hirap pala talagang magpakapal ng muka pag exam. weeeeeeeeeeeeeeee............

after ng klase hinatid na ako ni kuya sa megamall. bibili kasi sana ako ng bagong chucks e kaya lang walang maganda sa dun. basta. hay. magulo talaga mamili ng shoes. sa moa nalang ako bibili. ^_^

Thursday, March 01, 2007

ee-ece-coe wins over ce!

napudpod nanaman utak ko sa mga exams ko kanina. ang saya. may nasagot ako. kasi may ot. nako kung onti lang tama ko dun ewan ko nalang. basta masaya ako. mejo kamote lang sa programming nanaman sa assembly pero sana may tama naman ako. sana lang.

pagkatapos namin magexam ni tin pumunta kami 711. bumili kami ng favorite naming inumin ang Nescafe Latte in can. hehehehe. punta kami sa walls tapos tumambay. nagstay kami ng ilang minuto dun at bumaba rin kami dahil sa sobrang lakas ng hangin at napuwing ung right eye ko. wa. ang sakit. parang ang laking bato nung pumasok sa mata ko. abnormal e. ung kanang mata ko lang umiiyak ehehehhehe.. after namin magCR ni tin dumeretso kami sa gym kasi sabi ni EJ may game daw ng basketball ngaun dun.

Umupo kami mga 2 seats to the right of EJ. Nung start mejo onti lang ung tao. champioship na pala un. 2nd game. best of 3. CE-1. EE-ECE-COE-0. kung nanalo sila ngayon champ na sila. weeeeeee. pero hindi e. deparment namin nanalo! hahahhahahahhah ang saya manood e. sobra. dami pala pumusta dun. astig. wakokokokokok

SANA MAS GALINGAN PA NG EE-ECE-COE!!!
GO! GO! GO!

weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee