Friday, February 29, 2008

Insensitive..

I received a text message from a guy who I have "feelings" for kanina lang. Sabi niya:

"Hi"

Ang babaw talaga ng kaligayahan ko noh. pero kasi ganito un, nagfoforward lang siya ng messages sakin pero I know those were group messages. Pero this time, "Hi" ung sabi niya. nagulumihanan ako ng hindi ko malaman. parang it felt like he wanted me to talk to him.

I really really didnt know what to do. Naisip ko na wala akong load sa globe phone ko so i asked Tin na loadan ako para makareply ako. And she did what I asked her to do.

Nag UNLI ako. And then I texted tintin ulit and asked her if i should or shouldnt reply to his message. Eh etong si tin hindi nagreply. kainis. so ako talaga ung dapat magdecide. Naisip kong magreply. I wanted to and para kasing the guy is expecting me to reply to his message. So I did. I replied:

"wui"

cute noh, parang pang telenovela lang ung mga linya. super nonsense diba. after a while. a received a message from him again. Dahil sa sobrang inis, I erased it. I forgot the first few words pero sabi dun sa message wrong send daw:

"(insert message telling me it's a missent message).. tropa ko un.. g@g* eh.."

sabi ko:

"ah. k. =P"

I just couldnt believe that all the excitement I felt when I received his first message and the expectation that he was actually gonna talk to me e isang malaking kalokohan lang pala. Of all people na nasa contacts niya sa phone bakit sakin pa namissent ung message? Feeling ko tuloy napagtripan ako. I think he already knows the feelings I have for him yet he pretends not to know it tapos he's gonna do something like this to me pa? how could he do this? napaka insensitive. argh..

well, if he happens to read this, i know for sure he knows what im talking about here. its not about the supposedly "blind date", its not about how distant our friendship became because of him finding out that he was my "blind date" and me finally figuring out that the person I was asking him about (who I thought was someone he knew) what actually HIM! demet... Mejo magulo. Pero un ang story nun e. intindihin niyo nalang.

****
@tin
now you know how he knew that his supposedly blind date was me. i lied sorry. i didnt have a clue it was him when I asked him. end of story.

"Bayad po"

Sumakay ako ng jeep kanina papuntang quiapo. Umupo ako sa dulo, sa may bandang babaan kasi bababa naman ako agad. Kinuha ko ung wallet ko sa aking bagong bagong bag (binili ko nung Wednesday.. haha) at kumuha ako ng barya. sais pesos.

May isang babae na nakasakay medyo nasa gitna siya kaya ipinaabot ko ang aking mumunting bayad.

"Bayad po."

Yan ang unang sabi ko.

Tapos inulit ko ulit..

"Bayad po.. Makikiabot po."

Anak ng baboy na kinatay ng 10 milyung beses!!!!

Kinuha niya cellphone niya at biglang nagtetetext text.. na halatang halata na sinasadya niyang gawin.. P#&#@*(()!!!!

Tapos inulit ko ulit.

Iniisip ko kasi na baka mahina lang ung boses ko na hindi naririnig nung ale pero tingin ko naman malakas boses ko. tumingin ako sa driver at nakatingin din siya. parang ususero na parang hinihintay akong magalit na ewan. pero hindi ko pinakita na galit ako.

"Pakiabot po."

Tapos inulit ko ulit.

"Paabot naman po."

P@#*&@(#&*!!! P!*(&*()@&#(!!!!

taena ayaw talaga.. Pakshet.. Dahil sa sobrang inis ko ako nalang mismo ang nagabot ng bayad sa driver na kung makatingin ay parang nakipagpustahan at halatang panalo siya dahil talo na ako sa laban dun sa ale. adik.

what's with that woman?! is she deaf or something....... amf..

Umupo ako sa tapat niya. At biglang dumami ang tao sa jeep. Nagpaabot siya ng bayad sa ibang pasahero. Gustong gusto kong kunin ung bayad niya at itapon sa labas ng jeep at dun niya pupulutin isa isa ang mga baryang nahulog sa daan na tiyak mahihirapan siya sa sobrang dami ng jeep sa paligid. Pero siyempre di ko ginawa. Takot ko lang noh. Behave ako nung panahong iyon. Nagtitimpi at nagdadasal ng taimtim.

Pinagdasal ko na sana manakaw ang cellphone niyang hindi ko malaman kung anung nokia phone dahil sa sobrang kalumaan.. hay. sana manakawan siya. bwiset. taena. kala mo kung sinung maganda na ayaw madungisan ang kamay dahil sa mga barya ko. potek.

Makakarma ka din.

Tandaan mo yan.

Bwahahahahhaha!!!!

Thursday, February 28, 2008

First Impressions

Hurray!! A new E-N-T-R-Y from me. I missed posting for about a week now. having trouble thinking of what to blog about. i have a very boring life FYI.

*****

I got to know a girl from school just months back. She was nice, friendly, cheerful, friendly, funny and oh did I say friendly? I actually thought we clicked the very first time we were introduced to each other. We had this thing with our voices. We baby talk. (this is a clue but dont mind guessing). And we get along pretty well. I couldnt remember the details but I knew right there and then we were gonna be good friends. It seemed like there's nothing about her I wouldnt like. That's what i thought. After a couple of months of knowing her, I heard rumors about her. oh yeah, correction, they're not rumors but facts. I wont state it here for several reasons: first i dont want to disclose her identity, second i know most of my contacts here probably know her, third i dont want any trouble, fourth I sort of forgot the stories because they were told a long time ago.. months ago.. ok. so yes, i heard negative stories about this girl (take note: even her bf talks crap about her behind her back), that's what i clearly remember. When the stories spread, some of her friends gave her a cold shoulder. When I heard the stories, I felt I was deceived by her "super-nice-girl-who-pretends-to-be-innocent" image. We were never that close but I could tell that the girl in their stories is totally different from the girl I used to know. I couldnt even believe what i heard. The stories happened recently (not long before I knew her) so it is impossible that she changed for the better that easily. I was left with two choices. It's either I embrace her being my fake friend and all, and pretend as if I dont know who she really is, or I totally ignore her and forget she even became my friend, period.

I chose the latter and for some reasons I felt like a very judgemental person who chooses friends like I know these people through and through which I dont because I dont obviously have the gift of knowing what a person is like the first time I see him/her. But all I know is once you have deceived someone or for that matter you have become a fake, you're forever gonna be like that unless you learn a lesson which I doubt the girl in my story would since nobody's brave enough to tell her straight to her face what she has done. I felt guilty letting go of a friend. Yes, of course, who wouldnt? But the thought of being deceived by someone I consider a friend would really break my heart into pieces.

The thing that I am pointing out here is that "FIRST IMPRESSIONS LAST" is a saying that is undeniably untrue. Because someone you see the first time may not be the same someone you'll see the next time you meet them. People crave for too much attention, like the girl I was talking about, that they tend to have this facade that masks the "real them". And some are too unaware that they are befriending the wrong or fake ones.

All of us have experienced this many times, too many to count if I may say yet we still havent mastered the ability of knowing how real people are when we see them the very first time (you know, like being psychic or something..) I havent thought of any logical explanation really. I mean maybe there could be a possible way to do this that man hasnt known or invented yet. Like a light bulb on top of our heads that lights up if we're keeping ourselves real. haha. uhm.. not as fashionable.. but it can do.

Just remember that seeing people everyday and knowing them for days, months, years, or even a decade would never guarantee how real they are to you and that they are what you think they are...


To all my friends: I warn you..












I may be an alien..

or a

pig..

lol.

just kidding.


Tuesday, February 19, 2008

feminine wash vs. facial wash

akalain mo ba namang nagamit ko ung carefree feminine wash sa muka ko kanina habang naliligo!?

anak ng.

hahahaha... taena. comedy toh.

sobrang lalim yata ng iniisip ko kanina kaya nawala ako sa sarili.

napansin ko lang pagkapahid ko sa dalawang pisngi ko.

pero buti napansin ko.

kaya ayun naghugas ulit ako gamit ang aking totoong facial wash.

pinaglayo ko na ng lalagyan ung dalawa. mahirap na. baka maulit ulit sa susunod.

lol.



BFGF and Jumper

After kong tapusing panoorin ang Romantic Princess, a Taiwanese drama, sobrang nadismaya ako. oo maganda ung story pero bitin ung episodes. amf. kainis. At dahil sa sobrang inis ko nanood ng lang ako ng movie.

First movie, BFGF. Sa wakas ay napanood ko na rin ang BFGF. Tagal ko na kasing nagaaya. Before pa ung valentine's day yata. Jologs ko noh. haha. Pero ngayon ko lang napanood. Arte kasi ni tin ayaw daw niya manuod nun dahil ayaw niya kay marian rivera school mate nya daw kasi un dati. potek. what a reason.. pwede naman niyang iimagine na hindi si marian ung bida. uhm.. pwede ipalit niya ung muka niya dun. ew. haha. pero ayun ayaw niya nga. tapos ayaw din ako samahan nung ibang niyayaya ko. hay. buti nalang may dibidi dibidi sa quiapo. malabo pa ung kopya kaya mejo kakaasar. nakakalungkot ding isipin na ako lamang magisa ang nanood nung movie na iyon dito sa bahay.. alam ko mas masaya kung may kasama. tapos... ai alam na. joke. haahahah.. pero seryoso, dahil sa medyo nakakatawa ang movie na ito mas masaya na may katawanan.

At dahil DVD movie collection ang nabili ko, siyempre maraming movies na kasama other than BFGF. Matapos kong panoorin ang BFGF, pinanood ko rin ung JUMPER. Hayden Christensen fits the character well. Pogi e noh. I might watch this movie again pag may free time ako ulit. Kaya lang i hate to see Hayden paired up with Rachel Bilson of the OC. They should've chosen someone prettier. But still this is an awesome movie. Really a must-see.

Saturday, February 16, 2008

Steve of Typecast

Nakaupo kami ni kuya kahapon sa labas ng gonuts donuts sa megamall. Masakit na kasi ung mga paa namin dahil sa sobrang kakalakad at hinihintay namin si mommy. Tapos bumulong sakin si kuya bigla. "Uy tignan mo ung vocalist nung typecast." Napalingon ako. Nagaalinlangan kung siya nga yun. Nakasneakers, tight fitting jeans, black shirt, at backpack siya. Pilit kong inaalala ang itsura niya. Kasi naman nakita ko na siya dati nung nagperform siya sa SHAP, ang dati kong school. At dahil hindi ko masyado makita dahil malabo ang aking mga mata, nagsalamin ako. hm.. siyempre inuusisa ko ung itsura niya habang sinusuot ko ang salamin ko. biglang tumingin amp. siguro iniisip niya na nakilala ko siya. he took a seat dun sa kabilang table and he was facing me. Gusto ko sanang lapitan kasi fan ako ng mga naunang songs nila. "will you ever learn" tsaka "boston drama". kaso lang hindi ko alam ang name nya. potek. alangan namang sabihin kong fan ako ng typecast tapos hindi ko alam name nya. adik!!! hahaha... he caught me staring at him ng maraming beses. hala. nacoconscious tuloy ako amf. hahahahaha.. masyado na atang obvious na nakikilala ko siya. Nakita ko na siya kasi dati nung nagperform siya sa SHAP pero hindi ganito kalapit. Kelangan ko bang magcomment sa looks nya? hm.. kahit ayaw ko sige gagawin ko kasi parang may pumipilit sakin na idescribe siya. uhmm.. Maitim, payat, mejo may kahabaan ung buhok, payat, mejo mas may itsura siya sa personal kesa sa tv pero un nga maitim nga lang tapos payat. Hindi siya mukang mayabang umasta. rakista. may tattoo. ayun. tapos may biglang dumating. sayang. dapat pala nagpa autograph man lang ako. tsk tsk. minsan lang toh tapos nauna pa akong mahiya. tsk tsk. sayang talaga. hindi ko lam kung kabanda nya un e. pero maputi kaya para sakin pogi na. di ko lam kung un ung gitarista nila e. pero un nga gwapo. tapos un dumating na si mommy.

uhmm.. kanina ko lang pala nalaman kung anung name nya. STEVE BADIOLA. vocalist ng typecast. hahahaha.. nakuha ko pang isearch online eh noh. :D

Thursday, February 14, 2008

colourless valentine's day

It's a little annoying for me to think about what could have transpired in school today considering this is a very special day for couples. Seeing them would only make me feel more miserable and bitter. Never did I celebrate this occasion with a date maybe that's why i feel uncomfortable seeing lovers. So i didnt go to school. I mean I dont really have classes so i dont have any reason to. Not that I care much about the whole thing but sometimes the feeling of not having any date or someone special on Valentine's Day sinks in. I feel kind of unlucky not to have a special someone. Thanks to my parents and friends who exerted some effort to make me feel special today. I was able to receive a lot of text messages from my friends greeting me. My parents on the other hand surprised me. They knew I dont have any date so my mom gave me Ferrero chocolates while my dad gave me a bouquet of white roses and my favorite Hershey's dark chocolate.

Since I dont have anything to do at home, I decided to do the laundry and cook fettucine alfredo for myself. I also watched Romantic Princess all day. Well i guess staying at home on this special day isnt so bad after all. I just wish that the next valentine's day would be a lot more special than this one.


Monday, February 11, 2008

Feeling Member

Sobra ang pagpapasalamat ko sa mga nagiging friends ko through JPCS. dami na sobra. hindi ko na maalala kung kelan ako nagsimulang tumambay sa org na un. hindi ako member. hindi rin ako applicant. pero feeling member lang talaga. hehe. nakakatuwa dahil kahit nga alam ng lahat na hindi ako member e sobrang welcome ako sa org na un. alam ko nasabi ko na toh nung induction nung last batch, grateful tlga ako. hindi man ako kasali sa list of members ngayon sa folders ng mga applicants pero nasa doodle page naman ako. lol. astig diba. bakit nga ba ako pumipirma dun? sabi kasi ni tin. haha. at least kahit papano e ramdam na ramdam ko na member ako. special member. haha. sabi nga ni tin secret character daw ako ng JPCS. hahahhaha.. katuwa.

Sa mga naging friends ko sa JPCS. salamat. you dont know how much this means to me. sana i could get to know everyone.

Sa mga hindi nakakaalam ako po talaga ay member ng IEEE. The reason why hindi na ako natambay dun e dahil....... basta. wala lang. hehe.


Wednesday, February 06, 2008

JDV Ousted

I have heard the news about JDV being ousted from his position as the speaker of the house of representatives. 174 of the congressmen have agreed to replace him with Nograles. 65 disagreed.

I actually do feel bad about what happened. The abrupt decision that was made by several groups of the house of representatives, which are obviously pro-GMAs, I think is a little unfair on JDV's part. I even heard that the congressmen were forced to sign a petition to oust JDV. They were paid 1 million pesos as down payment. and as soon as they vote they'll be receiving another million or so. money buys people. we all know that's the truth. 1 million pesos is a lot of money just for a YES VOTE. what's 1 million pesos from millions of deprived and less fortunate Filipino pockets anyway? So that's

(174 congressmen)*(1 million)=(174million pesos)

assuming that 1 million is the highest bribe they'd give. what more would it be if the bribe is more than a million? hmm.. A YES vote seems too pricey. No wonder the congressmen and other government officials are so wealthy.

Anyway back to JDV's case. I was saying that the decision was unfair on his part. JDV siding with GMA the whole time his son was accusing the first gentleman and some other local officials regarding the ZTE broadband deal was out of the ordinary. i mean, as a father, he would of course has to side with his son but he didnt. He was so loyal to the administration that he just kept silent the whole time. He didnt say a thing about the first gentleman being corrupt. he kept his mouth shut. and what did he get from GMA? nothing. He was receiving death threats from certain police officials and he told GMA about it but GMA didnt even do a single thing. All JDV is asking for, I think, is a little appreciation from GMA for what he has done and what he has gone through just to protect GMA and her administration. It's not too much to ask.

GMA should be more careful now that JDV has been ousted and has joined the opposition because that guy knows a lot about the corruption and other anomalies that GMA has done. JDV is now being called the "CHAVIT SINGSON OF GMA". JDV including his wife, Gina, will most probably spill what they know. GMA should be warned not to do anything that would make JDV tick or else she'll be ousted next.. woohoo.. another EDSA Revolution eh? nuh.. maybe not. but at least we all will know what kind of person our president is straight from the horse's mouth!

Monday, February 04, 2008

AKO AY ISANG BIBO KID!

I slept late because of the damn take home exam. I went to school early para makakopya ng mga answers ng classmates ko. Pero wala ako nakuha. Since almost kumpleto na naman ung sagot ko, dahil 1 nalang naman talaga ung kulang I tried answering it. Napagod ako kakasagot. Masakit na kamay ko kasi sa totoo lang 2 nights na akong puyat dahil sa karerewrite at kakasolve ng mga problems sa controls.

Tapos pagdating namin ni tin sa classroom.. pota.. naimbyerna ako e.. sa Wednesday pa daw ang pasahan ng lintek na take home exam na un. Gusto ko ng ipasa e pano ba naman naisip ko din kasi ang pagpupuyat at paghihirap kong sagutan un ng 2 gabi tapos hindi pa pala pasahan!!! Waaaa…

Nainis ako siyempre. Kaya the whole time na nagkklase kami e nagpapabibo ako. Ewan. Para akong hyper talaga kanina. Maski ako nagugulat sa sarili ko e. Pilit kong hinahanapan ng mali ung mga sagot ni sir.

May 3 numbers kasi galing dun sa take home exam ang sinagutan at pinasagutan samin sa board ni sir. About sa rotational mechanical system with gears. Naubos ang scratch papers ko kakasolve nun kagabi tapos nakita ko sa sagot ni sir na mali ang sagot ko!!!?! Amf… so I tried solving it AGAIN. Nalaman ko na may mali sa mga sagot ni sir. I tried correcting him dun sa mga nauna niyang mga mistakes at inayos naman ni sir. Tapos nagsagot ako sa board work. Thank God tama ako. Kaya may plus 15 ako. Hehehe.. at dahil sa kabibuhan ko e naeelibs ata mga kaklase ko sakin. Tinanong pa kung anung batch ako potek… sabi ni tin 2005 daw kami. Lol. Naniwala sana sila. Hehe.

After nung klase, nung nagsisipag alisan na ang aking mga kklase sa room e nagtanong pa ako kay sir at tinry ko ulit na ikorek ung turo niya kasi may mali parin. Tapos dahil sa napakahabang diskusyunan na parang hindi niya ata nagegets ang point ko e sinabi niya nalang na sa consultation period nalang sa Friday ituloy ung tanong ko. Potek. Bakit sa Friday pa? Hindi ba pwedeng ngayon? Nak ng.. pero di ako galit. Actually naaawa lang ako sa sarili ko at sa kapwa ko estudyante na nalilito at naguguluhan at natututo ng mali sa mga prof. In his case, hindi ko siya masisisi kasi first time lang ni sir magturo kaya ok lang na magkamali siya. I do understand na mahirap para sa kanya na magturo ng ganun. Mahirap naman kasi talagang subject ang controls e. diba. Pero ayun sana he tried solving it at home para naman ready na siya for the class discussion. Mahirap kasi na iba iba ang basis ng mga sagot niya. Nakakalito para sa estudyante.

Napalakas ako ng kain ng lunch dahil dun sa kabibuhan ko. Masama palang maging bibo dahil nakakataba. Lol.

Nagpunta kami ni tin sa MOA after lunch at dun ay umikot kami at nagvideoke malamang. Sumakit lang ang paa ko at napagastos ako ng malaki. Hay… =(

Sunday, February 03, 2008

lecheng takehome..

hay potek. pagod na ako. di ko pa tapos ung takehome exam sa controls. potek napaka haba kasi. waaaaaaaaaaaaaaaaa..... sakit na ng kamay kO!!!!!!!!!!

Additional Facts about me

9. Im not very familiar with places. I dont go out much kasi tapos pag umaalis pa ako natutulog lang ako sa sasakyan. Mas trip ko matulog kesa memoryahin ang mga street names at mga landmarks... dito sa village namin wala akong masyadong alam na street names.. uhm... siguro ung mga katabi lang namin na streets.. ilan ba un.. uhm.. 8 lang yata lahat lahat. lol.

10. mahilig ako sa spicy foods. pancit canton, chicken, bicol express, at kung anu anu pa.

11. palagi kong gustong umuwi ng maaga. hindi kasi ako gimikera kaya san pa ba ako pupunta? edi sa bahay! hehe. minsan gusto kong pumunta ng mall kaya lang may something na pumipigil sa kin. di ko lam kung anu.

12. magastos ako! di ko alam kung san napupunta ung pera ko. hindi kasi ako marunong magbudget ng baon. kaya lagi akong walang pera. i spend my money mostly on food ngayon. :)

13. i used to love math. before college parang sobrang challenging for me na magsolve ng mga mathematical equations pero ngayon hindi na. sobrang hirap na kasi ng college math. hehe

14. i love donuts!

15. i am a procrastinator. minsan nakakalimutan ko na ngang gawin ung iba dahil sa pagdedelay ko e. parang feeling ko i have all the time in my hands para gumawa muna ng ibang bagay. kaya ayaw ko ng kinukulit ako na gawin ko instantly ung mga ibang school work.. kaya ung mga paulit ulit na kinukulit ako e sobrang inis ako dun sa mga taong un.. they need to relax a bit. hindi naman kelangang sobrang madaliin ang trabaho. ok.

16. i am a very moody person. siguro most of the time nakikita nyo ko masaya makulit at parang walang problemang iniisip. pero minsan may problem overload din na nangyayare. kaya pag kinulit ako o anu man e bigla akong sumasabog. tapos may mga ibang tao pa na mapangasar. hindi ako pikon pero sana piliin ang mga words na gagamitin sa pang aasar sakin. tao lang ako at medyo nasasaktan din. medyo sensitive ang feelings ko pero di ko lang pinapahalata.

17. i can walk the whole day sa mall o kahit anung place basta malamig. oo. parang di ako napapagod. sasakit ang mga legs ko pero naglalakad parin ako. minsan nakakailang ikot ako sa loob megamall. kahit ilang ikot kaya ko. pero pag pinalakad mo ko sa labas tapos mainit. hay. nako. puro reklamo maririnig mo sakin. diba tin? haha.. naalala ko lang ang paglalakad namin sa makati na tirik ang araw. tsk tsk.. tapos pag papasok ako sa school hindi ako naglalakad from SM to Mapua. nagtataxi ako galing sa Mendiola. tinamad na siguro ako ng tuluyan maglakad dun. mainit na kasi e maski umaga pa lang. kaya ayun. kahit mahal e nagtataxi parin ako. hindi ako sosi maarte lang. hehe

18. late ako palage natutulog. kahit walang homework o kahit anung importanteng school work na gagawin late parin ako natutulog. hindi kasi ako mabilis antukin e. nanonood lang ako ng tv o kaya i go online. tapos pag antok na tska lang ako matutulog.

something green about me:

19. i havent watched porn. lol.

20. minsan ung movies na may sobrang onting sex scenes nahihiya akong panoorin. ayaw ko manood ng mga ganun lalong lalo na pag may kasamang kahit sinu. hiya talaga ako e. hahahaha... iilang movies palang napapanood ko na may ganung scenes. di porn un. ok. nililinaw ko lang.

21. the last time i kissed someone was nung 18 pa ako. tama ba? un lang naaalala ko e. si ano un.... ***** ** **** yata. potek di ko na maalala.. kelan kaya susunod? hahahaha...

22. nahihiya akong pagusapan ang mga tungkol sa mga rated-18 stuff pag hindi ko ka-close friends mga kausap ko or kung hindi babae. pag naguusap kami ng mga friends ko about sa mga ganun parang wala lang e. normal na ata samin. walang halong kabastusan. naaalala ko tuloy the last time my face turned red sa ethics class namin dahil dun sa masturbation thing. anak ng. all eyes on me. hahahah.. nakakahiya talaga.

23. minsan medyo green minded ata ako. ewan ko bakit minsan ung mga sinasabi kasi ng ibang tao nahahaluan ko ng weird meanings. hehe.


anu pa ba... wala na ata ako masabi ah.. uhmm... add ko nalang pag may naisip pa ako. :)
ayan tin meron ng green sakin. ikaw naman pre. ;p

Friday, February 01, 2008

Blog TaG!

RULES:


1) In the 8 facts about [you], share 8 things that your readers don't know about you. At the end, you tag 8 other bloggers to keep the fun going. Each blogger must post these rules first.


2) Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.


3) At the end of the post, a blogger needs to choose eight people to get tagged and list their names.


4) Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

=======================================================

1. Ako ay allergic sa ilang mga bagay bagay.
  • HIPON - hindi ko alam kung bakit pero nung bata pa ako e sobrang mahilig ako sa hipon. Pero nung nagdalaga na ako e sobrang namamantal ang mga mata ko at parang nasapak ng ilang beses sa tuwing nakain ako ng sinigang na hipon o kahit ung buttered shrimp. Minsan hindi lang namamantal mga mata ko pero pati ung labi ko e nangangati at namamaga din na ewan. Pero eto ha.. nakain paren ako ng tempura. hehe. sarap e.
  • KAHIT ANUNG GAMOT NA MAY MEFENAMIC ACID - ganun din ang nangyayari. mga ilang sandali ng paginom ko ng kahit anong pain relievers (advil, biogesic, etc..). pag minsan may dysmenorrhea (tama ba spelling? basta un na un) ako, umiinom pa ako ng anti allergy pill after ko uminom ng advil. ='(
  • PAG SOBRANG INIT - napapansin ko lang. di ko lam kung sa hangin or dahil sa sobrang init.
2. Hindi ako marunong mag bike. Nung bata pa ako nagbbike ako pero ung may training wheels (ung apat ang gulong). simula nun ay hindi na ako natuto. hindi ako marunong magbalance. lol.

3. Minsan kinakausap ko ang sarili ko. Pag malungkot ako o kaya pag mag isa lang ako parang nabibingi ako sa sobrang katahimikan ko kaya kinakausap ko ang sarili ko. wala akong sira sa ulo. wala din akong imaginary friend. matinong matino ako pero minsan di ko mapigilan. hehe.

4. Mahilig ako tumingin sa salamin. Ngayon ko lang ito napansin. Di naman ako vain (yata). Pero dati hindi ako nagdadala ng salamin o kahit anu pa. pero ngayon dami ko salamin sa bag. tapos pag napapadaan ako sa kahit saan na makikita ko reflection ko tinitignan ko talaga sarili ko dun. weird. haha.

5. Hindi ako marunong lumangoy. Ilang beses na ako tinuruan pero palagi palpak. Lumulutang ako sa tubig 00 kasi chubby ako, puno ng hangin. lol. pero ung as in swimming talaga? hindi. di ako makasisid kasi lumulutang talaga ako. hindi ako makapunta sa malalim kasi nagpapanic ako pag lampas na sakin ang tubig (5ft. lamang po ako). kaya minsan i hate to go swimming talaga. Ayoko kasi magswimsuit at maarawan at lalong lalo na malunod!

6. Mahilig ako magtake ng pictures ng sarili ko. Kahit sabihin pa ng iba na pareparehas lang ung mga pose ko. di ko alam bakit pero addicted na ata ako sa ganito. bisyo ko na ito. =)

7. I have short term memory! siguro sakit ko na toh. kung baga sa matanda e ulyanin na talaga ako. Kumakain naman ako ng meat, pork, beans, lol. Im not so good sa memorization , i hate it. Kasi parang feeling ko nasstress ang utak ko kakamemorize. pero ang sabi nga nila kelangan daw maexercise ang utak every once in a while kundi magiging dull. Madali lang ako talaga makalimut. Kaya minsan napapahamak ako e. kelangan talaga paalalahanan ako minsan dahil kung hindi wala na.

8. Mahilig ako magboyhunt! lol. Hindi na kasi ako nagkaboyfriend simula nung December 2003 kaya eto nagtyatyaga nalang sa pagtingin tingin ng palihim sa mga naggagwapuhang lalaki sa paligid. pinapakilig ko lang ang sarili ko. hehe. ang boring naman kasi ng buhay ko kaya kelangan ng konting excitement at inspiration. madami ako crushes sa school. pero hanggang crushes lang un siyempre. wala naman kasing nagkakamali pa sakin. hehe. Sabi nga ni tintin puro eyecandy lang ang mga lalake para sakin ngayon. di pa naman ako desperada kaya hanggang tingin lang muna sa ngayon. at least may kilig moments kahit papano.
sa tingin ko lang: MAS MAGANDA NA MAG BOYHUNT KESA MAGING FLIRT. ^_^

wah hindi ko alam bakit ko toh ginagawa. lol. kahit antok na ako eto paren ako at nagbblog. lol. salamat sa pagtag sakin ni Drei. hehe. Actually marami pa sanang facts about me na gusto ko ishare kaya lang hindi ko na maisip ung iba. alam mo na makakalimutin e. hahahaha.. pero ayun nga. 8 lang daw kelangan e. (buti naman)

Eto mga itatag ko:

kitten
ian
ginpao
pam
ninyo
ogarts (fan!!!)
lyndon
trina


Woi gawin nyo toh para masaya! ^_^