Monday, February 04, 2008

AKO AY ISANG BIBO KID!

I slept late because of the damn take home exam. I went to school early para makakopya ng mga answers ng classmates ko. Pero wala ako nakuha. Since almost kumpleto na naman ung sagot ko, dahil 1 nalang naman talaga ung kulang I tried answering it. Napagod ako kakasagot. Masakit na kamay ko kasi sa totoo lang 2 nights na akong puyat dahil sa karerewrite at kakasolve ng mga problems sa controls.

Tapos pagdating namin ni tin sa classroom.. pota.. naimbyerna ako e.. sa Wednesday pa daw ang pasahan ng lintek na take home exam na un. Gusto ko ng ipasa e pano ba naman naisip ko din kasi ang pagpupuyat at paghihirap kong sagutan un ng 2 gabi tapos hindi pa pala pasahan!!! Waaaa…

Nainis ako siyempre. Kaya the whole time na nagkklase kami e nagpapabibo ako. Ewan. Para akong hyper talaga kanina. Maski ako nagugulat sa sarili ko e. Pilit kong hinahanapan ng mali ung mga sagot ni sir.

May 3 numbers kasi galing dun sa take home exam ang sinagutan at pinasagutan samin sa board ni sir. About sa rotational mechanical system with gears. Naubos ang scratch papers ko kakasolve nun kagabi tapos nakita ko sa sagot ni sir na mali ang sagot ko!!!?! Amf… so I tried solving it AGAIN. Nalaman ko na may mali sa mga sagot ni sir. I tried correcting him dun sa mga nauna niyang mga mistakes at inayos naman ni sir. Tapos nagsagot ako sa board work. Thank God tama ako. Kaya may plus 15 ako. Hehehe.. at dahil sa kabibuhan ko e naeelibs ata mga kaklase ko sakin. Tinanong pa kung anung batch ako potek… sabi ni tin 2005 daw kami. Lol. Naniwala sana sila. Hehe.

After nung klase, nung nagsisipag alisan na ang aking mga kklase sa room e nagtanong pa ako kay sir at tinry ko ulit na ikorek ung turo niya kasi may mali parin. Tapos dahil sa napakahabang diskusyunan na parang hindi niya ata nagegets ang point ko e sinabi niya nalang na sa consultation period nalang sa Friday ituloy ung tanong ko. Potek. Bakit sa Friday pa? Hindi ba pwedeng ngayon? Nak ng.. pero di ako galit. Actually naaawa lang ako sa sarili ko at sa kapwa ko estudyante na nalilito at naguguluhan at natututo ng mali sa mga prof. In his case, hindi ko siya masisisi kasi first time lang ni sir magturo kaya ok lang na magkamali siya. I do understand na mahirap para sa kanya na magturo ng ganun. Mahirap naman kasi talagang subject ang controls e. diba. Pero ayun sana he tried solving it at home para naman ready na siya for the class discussion. Mahirap kasi na iba iba ang basis ng mga sagot niya. Nakakalito para sa estudyante.

Napalakas ako ng kain ng lunch dahil dun sa kabibuhan ko. Masama palang maging bibo dahil nakakataba. Lol.

Nagpunta kami ni tin sa MOA after lunch at dun ay umikot kami at nagvideoke malamang. Sumakit lang ang paa ko at napagastos ako ng malaki. Hay… =(

No comments: