Saturday, November 10, 2007

The new man: TUXEDO MASK

magkatext kami ni "BADONG" (codename lang ito) kanina. nakakainis. ewan ko ba dun. ang gulo kausap. kala ko namiss niya ko e mukang hindi. hehe. pero at least diba naalala niya ako itext kahit papano.

nakalimutan ko palang ikwento ung nangyare nung wednesday. hehe.

kasi ganito un. after ng class ko sa controls (730 pm) sabi ni kuya punta lang siya sa magallanes billiards dahil birthday nung isang friend niya si "TUXEDO MASK" (codename namin sa kanya.. hehehe... bumili lang kami ni tin ng food tapos bumalik kami sa jpcs table para tumambay at magword factory. mga halos 2 hours din yata kami dun e. dami narin kasi sumali. kaya ayun masyado nagenjoy at sobrang nagtagal kami. almost 10pm na kami nakaalis.

dahil gusto ko ng umuwi, pumunta kami ni tin sa mags at ayun naabutan nga namin na nagiinuman sila kuya at ung mga friends niya. susunduin lang namin siya para makauwi na kami pero ayaw si kuya pauwiin kaya pinagstay kami dun. at eto ha.... uber cutie talaga ung si TUXEDO MASK.. may konek sya sa isang super sikat na intsik na star. parang da who lang eh noh? hehehe... basta ganun. tangkad. pogi (sobra). maputi. chinito pa. at ang kwento ni kuya e mayaman pa. tapos eto pa ha... taga pasig din.. weeee what more can i ask for? wala na diba. weeee. hahahaha... adik. ilusyon ulit.

napagalaman ko na 2004 siya. amf.. grabe kala ko mas matanda pa siya samin ni tintin pero hindi pala. grabe grabe na toh.. age doesnt matter naman e. kaya okay lang. hehe.. sabi ni kuya palagi daw un natambay sa may phone booth e kaya ayun since then super tingin ako sa phone booth palage pag napapadaan ako dun but no sign of him. san kaya un tumatambay??? waaaaaa... stalkers mo na kami ni tintin. hehehe..

crush ko na talaga si TUXEDO MASK!! wahehehe..

ay may kwento pa pala ako. kasi kanina sa ethics class namin sobrang nakakahiya kasi we were talking about cheating, masturbation, pre-marital sex, extra-marital sex, etc.. we were asked if they are right or wrong. eh nung tinanong ako kung wrong ba ung masturbation amfness.. grabe hindi ako makasagot! hahaha.. tapos lahat sila nakatingin sakin. tinanong pa ako nung prof kung alam ko daw ba ung masturbation!! potek. syempre alam ko.. (ako pa!) pero ang sabi ko hindi ko alam. pa-inosente kunyare. hehe. pero ayun sabi ba naman.. "why are you blushing?" takte. sabi ni tin sobrang pula daw ng muka ko amf. nakakahiya. hindi talaga ako comfortable sa mga ganung topic. kami nga lang ni tin nakakapagusap ng open about sa mga ganun tapos isshare ko pa sa buong klase un waaaaa.... kahiya hiya talagang experience. hay. pero sa totoo funny talaga. hehe.

Tuesday, November 06, 2007

One month has passed and no new entries from me until now. i wasnt into blogging lately. i usually go online but never did i check my blog. i guess nobody's viewing it either. I dunno. honestly there'd been oodles of stories i would want to share.

uhmm..

let's start with my aunt wanting to build a new house. she has shown us the blueprints of the house she wanted. suddenly we all got green with envy. we all wanted to have to new house since i was in high school but because my parents were paying for 2 car loans and a house loan and obviously a massive amount of credit card debt, building one all turned out to be just a figment of our imagination. but... after years of paying debts and finally saving up a little money, my mom unexpectedly decided to have a new house. actually she was thinking of just renovating our current house but my dad disagreed. he said it would only be a hassle for the fact that we still have to rent an apartment and stuff like and that it would be a lot more expensive than actually purchasing one. i was so excited that i quickly searched the web for brand new houses for sale which are also located in our village. i am just so thrilled i want to ditch my 13 year old house. hihihi... ('',

we were able to visit several houses that are for sale. there was this Php11million sort of mansion that wasnt so big but it was fully furnished. the furnitures were all so chic. whoo.. but hello?! we dont need a house that big..

after a week of searching, we found this house just several blocks away from our place. weeeee... ^_^ the house is nice and cozy. not really the kind of house that i was expecting but the hell..who cares.. haha.. my mom paid for the reservation fee three days after and filed for a house loan (again!). if the loan is approved then everything's all set and we're good to go. if not, uhm.. nuh...that wouldnt happen. im trying to think positive here. i dont want to let it all go down the drain. hihihi...

and because of this oh so sudden decision, all the things i wanted my mom to buy me for my birthday vanished one by one. my mom said we have to be frugal. so i would like to say goodbye to everything. goodbye new clothes, goodbye new shoes, goodbye new eyeglasses, goodbye cellphone.. hay..

because mom only gave me Php 2000 for my birthday, i mean only Php1500 since she owed me 500, tintin and i (toni wasnt able to come may ojt kasi ang bruha) just went to pizza hut and ordered loads of food. afterwards went to karaoke hub and sang our hearts out... i was kind of disappointed kasi i was thinking of celebrating it in a bar or somewhere na may live band and liquor. lolz. but anyway everything went well. i was still thankful that my mom gave me money. hehe.

toni pala had her grad pic taken. we joined nung sa wacky pictorial nya. we still dont have the copies yet but i'll post it agad when i get it. tintin made this cute magazine layout with toni on the cover for the GC bulletin board. but before you scroll down, i just want to warn you that toni had a major makeover! here are the before and after pix:





BEFORE



AFTER

I was shocked when i saw this. lolz.

what is behind the title:

1. TONI BARES IT ALL ON BEING THE REAL LIFE CHICKEN LITTLE
tawag kasi naman kay toni chicken little. hehe. see the resemblance ba? lolz

2. TONI LOVES THE MEAN GIRLS
the three of us (toni, tintin and i) are called the mean girls na because of the darn software experience. grr..

3. TONI'S GROUPMATE MANAGEMENT TIPS
This is about our software ulit. hehe. kulit kasi e. i wont name names nalang. baka hindi na ako mabuhay pa. lolz. forgive but never forget na lang kami.

4. IS TONI A GOOD GROUPMATE??
Dahil naging groupmate ko na si toni twice (methods at sa software), masasabi ko e hindi. lolz. no just kidding. sa una lang yan tumatakas pero sa huli siya na gagawa lahat. so nice diba? wahehehehe..

5. TONI GETS TIPSY OVER CALI ICE
kasi naman when we were at strumm's makati, the 3 of us ordered cali ice tapos un c toni nalasing ata. hehe. weird talaga.

6. TONI & JANET: TONI IS A VIOLENT PERSON
She always hits people with her bare hands!

7. FEASIB GROUPMATES: PASAWAY!
OO. Tumatakas kasi. joke. hehe. ung software lang inuna niyang asikasuhin kasi marami naman sila sa feasib. oki oki.

8. JANET: X PSEUDOBOYFRIEND, WHAT REALLY HAPPENED?
Ah eh. may girlfriend na siya e. at ako B-I-T-T-E-R!

9. 1001 WAYS FOR EFFIECIENT FOLDER NAMING
Si toni kasi pansin namin pagnagnname ng folder puro tonitemp ung nilalagay. lolz. ewan ko bkit ganun. tapos ung mga nsa laptop niya walang connection ung folder name sa folder contents. hehe. adik lang talga si toni.

10. JUST FRIENDS?! C'MON!
Hay nako. unfair talaga. si tintin walang issue na ininclude about sa sarili niya. anu kaya un? koreano from a koreanovela amf. adik siya. unfair unfair!?!

Weee.. kulit diba? NICE ONE TIN! AHoo! AhOo! aHoo!


Sunday, September 30, 2007

msdt batch 10

i didnt plan on joining this IEEE activity but then i did. And it feels like i'm starting to love hanging out with my ieee family again. I joined the sportsfest the last time but i didnt get to know a lot of applicants back then so parang i kind of regret attending that said activity kasi that was my purpose of attending.

anyways, the whole activity was great. medyo nawala ng konti ung pagkawindang ko sa design 2 namin dahil natanggal sa isip ko un kahit for a while lang. natanggal ung stress ko at nakapagrelax ako. nagkaron pa ako ng mga bagong kakilala. mga inductees ng IEEE and mejo nakapagbonding din with the officers and the other members of the org. masaya talaga. and take note dami pala gwapong nagjoin ngayong batch 10. hahaha.. kulit diba. ewan ko. nakakatuwa lang kasi na i spent 3 days with these people.





i really had a good time and i am really looking forward to attending the next msdt. (kung may time siguro akO. sana meron. hehe)


Saturday, August 11, 2007

Bakit balbas sarado si Jumong?

kagabi ko lang napagtanto na pogi pala si jumong. hindi kasi ako nakapanood ng jumong kagabi e. namatay daw si lady yuwa. amf. sayang.

pero oo nga. bakit nga ba balbas sarado si jumong dun?

hindi naman maganda sa kanya na may balbas.

bakit ung mga ibang kalaban walang balbas?

curious ako.

pagtumatanda ba ang mga character sa isang asianovela e nagkakabalbas tlga?

bakit ko ba pinagiinteresan ang balbas ni jumong?

wala na ba akong magawa talaga.

naisip ko lang.

curious nga kasi ako.

hehe.

teka.

bakit ba walang smiley tong blogger??? namf!

nahihirapan tuloy akong iexpress ang aking feelings.

pagkagalit, pagkatuwa, pagkamuhi, pagkainis, pagkamasayahin, pagiging curious, pagiging inlababo.. hay.

kulang para sakin ang feature ng blogger.

bakit sa MO may smiley?

bkit dito wala?

it's umpair.. hahahaha.. adik. wag kaung tumawa. kala nyo bobo ako sa spelling noh? hahaha...

fine fine.. it's unfair. o yan. happy?

anyway.

pinagdadasal ko na sana matanggal na ang balbas ni jumong sa mga susunod na episodes.

hahaha :))

Thursday, August 09, 2007

Catch me im Falling For yOu?

Last night.. mga 2am na yata un. Hindi ako makatulog. Naisip ko parin ung nasabi ko kay james. kahiya hiya talaga. Kaya tinext ko siya and i told him na siguro di ko muna siya rereplyan and ittext. Iwas mode. Kasi naman baka sobrang maging feeling attached ako sa kanya tapos maya wala lang pala sa kanya un. mahirap na. mas maganda umiwas muna ng panandalian at ifigure out kung anung kahahantungan ng sitwasyon ko. Adik ako sa kanya. Seryoso. Bakit? Di ako sigurado. He made me feel special kahit di masyado obvious. Sweet siya sakin. Simpleng mga bagay lang na tingin ko hindi matutuwa ung iba pero mababaw lang kasi ako. Mababaw lang talaga.

Pero sabi ko nga diba.
This may mean nothing to others pero it means the whole world to me. :)

Kaya ko pala palagi kinakanta ung Catch Me Im Falling... hahahaha.. korny pero masaya..

Wednesday, August 08, 2007

Mahaba habang bakasyon

Adik mode ako ngayon.

Sa tulog.

Hahahaha :)

One week na akong walang pasok. Nabbore na ako dito sa bahay. Lahat ng ginrocery namin ni mommy nung Sunday e naubos na. hehe. Napapalakas ang aking pagkain kasi naman wala talagang magawa.

Nung Thursday pa ako huling pumasok at ngayon e Wednesday na ulit. Ang daming nangyare. Mga nakakatuwa at nakakalungkot na mga pangyayari.

Una. Friday

Maaga ako umalis ng bahay. Oo wala kaming pasok ngayon pero dahil sa kelangan ng tapusin ng grupong Sunburn ang aming SRS para sa aming software e ayon nagpunta pa ako together with my other groupmates (tintin, janzen at paul.. ung isa hindi naming sinama) sa Las Pinas (kina toni). Takte. Napakalayo pala nun. Probinsiya. Ang kulit ni tintin. Sabi niya hindi pa naman daw probinsiya un. Pero kasi pag nakakakita ako ng toll gate at saktong lumampas dun ang sasakyan e tingin ko probinsiya na un. Tintin.. Ung bahay naming malayo pero hindi naman dumadaan sa toll gate! Haha. :P

Pagdating naming dun halos wala na palang gagawin. Ung Functions nalang pala ang kulang pero we ended up doing it until 7pm. Pano kasi kain kami ng kain. Hehe. Siguro sumakit batok ni toni dun sandamakmak ba naming kwekkwek ang kainin e. Hahaha.. :) Pero napakasaya talaga naming nung araw na un. Buti nalang at natapos naming on time at nai-email na ni toni kay sir kinaumagahan.

Saturday.

Wala ulit pasok. Ayaw pa maniwala ni kuya.

Late ako nagising. Napagalitan pa ni daddy dahil tulog daw kami ng tulog! Pano ba naman masarap kasi matulog at saka talaga namang late kami nagigising. 11am. Hay. At dahil wala kaming pasok lahat ng mga kapatid ko. Naggeneral cleaning kami. Palagi nalang kami naglilinis pero lagi paring may alikabok. Taena. Ni hindi ko alam kung san nangggaling mga alikabok sa bahay naming. Bakit nga ba inimbento ng Diyos ang alikabok? Nakakapuwing lang naman sa mata pag nasa labas ka, pampadumi ng bahay, pampaputik sa magandang sapatos pag umuulan.. hay.. drama ko. Pero sa totoo lang naiinis ako sa alikabok. Teka bakit ko ba pinupuntirya ang mga alikabok!?! Ang dapat ko palang sabihin.. ay.. ayoko maglinis. Maayos naman kasi ang kwarto ko e at hindi na kelangang linisin pa pero ayon buong araw parin ako naglinis. Pagod na pagod ako nung araw na iyon. Feeling ko ng mga panahon na un e wala ng katapusan ang paglilinis namin. At dahil sa sobrang pagod nagkaraoke nalang ako. Hehe. Pamparelax ko un e. Kulit. Tapos e nakatulog ulit ako at paggising ko e dinner time na. Ang saya

Sunday.

Siyempre walang pasok ulit. Family day ika nga. Nanood kami Simpsons. Weeee.. Kala ko si james kasama ko manonood neto pero dahil sa hindi magtugma tugmang sched namin e sila mommy nalang kasama ko. Katabi ko si mommy. At ayon sobrang funny nga ng movie. Hindi ako Simpsons fanatic pero grabe ang pagkaenjoy ko sa movie na toh. Pero dahil sa nanood ako ng movie at nakalimutan kong dalin ang mp3 player ko e hindi ko napakinggan si duane at ang banda niyang Last Word sa magic 89.9.. babatiin niya pa naman daw kami. sayang talaga. si tintin din hindi napakinggan yata. Late niya na daw kasi nareceive message ko. amf. Tampo tampo pa kami kay duane na hindi kami binati nung last interview nila sa nu107 tapos this time wala. tsk tsk.

Monday.

Malakas sobra ung ulan paggising ko. Hindi ko malaman kung papasok kami ni kuya. Pero dahil sa feeling namin e baha na sa mga ibang lugar na dinadaanan namin papasok e nagdecide nlang kami na hindi pumasok. Pero we told our parents na pumasok kami pero bumalik kami dahil baha nga. We lied. Hay. Pero kasi naman sobra talagang lakas ng ulan. Kahit ako hindi ako magiinteres lumabas ng bahay. Baka maleptospirosis pa ako. tsktsk. Tinext ako ni tintin na nawala ung phone niya buti nandun sa phone ni botee ung number ko. Grabe nagulat ako. Sabi niya kasi sa baclaran nawala. Anung ginagawa niya sa baclaran!@? Dun ba talaga siya dumadaan?? hay.. kamalasan nga naman. Pero ang sabi ko nga kay tintin. baka nagpapahiwatig lang ng new phone un. woohoo! kung sakali dream phone na niya. Kasi bday niya na sa Aug 19 e. weeeeee... advance happy birthday.. treat niya kami. hahaha..

Nung gabi sobrang nabad3p ako kasi ung mp3 player ko napatagal yata ung charge ko at ayon ayaw na bumukas. Pambihira naman. Bawal ba iovercharge un? taena. Weak naman player ko. Lahat na ginawa ko. Nirestart ko, in-on ulit. Restart. On. Restart. Restart.. AMf.. ayaw talaga. Fine.

Tuesday.

Wala ulit pasok. Sabi nila. Thank God. Malakas parin kasi ung ulan.

I went to megamall to have my mp3 player repaired. Sabi kelangan daw dalin dun sa creative center ekek nila and un i left my player there. Nakakamiss. Kasi every night i listen to it. Pero dahil nga sira hay... wala na akong magagawa. Ittext nalang daw ako kung kelan makukuha.

Dapat manonood ako ng Ratatouille magisa kya lang napagisip isip ko 100php din un at kelangan ko ng magtipid. Kaya un pumunta nalang ako sa office ni mommy at umuwi na kami. lakas ng ulan nun. grabe.

I miss my mp3 player!!! hmp!

Katext ko si james that night. And.. I told him I'm starting to like him. I didnt know what was going on in my mind nung time na un kaya ko nasabi un. Waaaah... wala siguro ako sa sarili. Pero pasensya na if im making all the moves here. tsk tsk. hindi ko dapat ginawa. amf.

Wednesday

WALANG PASOK! BAHA SA AMIN! muntik na akong lumutang sa baha habang natutulog. Nakainflatable bed nga lang ako e. haha.. Next time bili na ako ng kama talaga. Hehe. Ayoko tangayin ng baha. Hahaahahahhaha :)

Katext ko si james the whole day pero parang wala akong masabi. I didnt know what to say. The whole day i was thinking kung anung nangyayari sakin.

Wrong move janet.. Wrong move.. tsk tsk.. You should have never said that. tsk tsk..

Tangna ako ba nanliligaw?

Ewan.

Like ko tlga cguro.

Go with the flow. amf.

Friday, July 27, 2007

love life? zero

natatawa ako kasi tintin and i usually talk about my lovelife. as in everyday. haha. kulit ko kasi e. parang ako nga din nakukulitan na sa sarili ko e. puro tanong ako kay tin and i always end up getting the same answers but still i ask the same questions. kulit noh? actually the whole time i was with tintin sobrang problema ko na talaga love life kO. kelan pa ba un? more than a year ago? haha.. tagal na. pano pa kaya ung time na hindi kami magkasama ni tintin? hahahaha.. grabe tagal na akong namomroblema sa lecheng love life ko na hindi ko alam kung bakit puro nalang tanong ako at puro sagot nalang nakukuha ko pero ala namang dumadating. asar diba.

marami na ngang nagsabi sakin na maghintay lang daw ako. pero eto ha.. may nabasa akong text. ang sabi don't look for love, wait for it daw. taena. panu kung sa lalaki un sinend. e di parehas kami naghintay? ganun ba un? hintay sa wala. hehe. 10 years.

habang nagiisip isip ako last night at dahil sa hindi pa ako antok dahil nagbabasa pa ako ng "Rich Dad, Poor Dad".. i asked jay (a friend of mine) a question.

"liligawan mo ba dapat ako dati? kasi may nagsabi sakin e.."

he said:
"muntik na ako manligaw.."

actually our story was this:
we were classmates before.. sa logic 1 pa. we never got to talk nung time na un but as time passed by and i ended up applying sa IEEE (org ko sa skul) naging close kami dahil member na pala siya dun. ung mga ibang members dun sobrang tinutukso kaming dalawa. i feel kinda uncomfortable being with jay kasi nga hindi niya naman ako nililigawan diba tapos they kept on teasing us. at ako eto tanga umiwas at lumayo kahit na meron ako feelings for him (he doesnt know yet). kaya si jay e hindi man lang alam kung anung reason. that's why i decided to tell him my side of the story. ganun. pero oo nga. hindi ko sinabi na nagkafeelings ako for him. baka mabigla e. tapos magsuicide... joke. haha. pero un i never had the courage to tell him that.

nung nagusap kami ni tintin kanina kinwento ko ung usapan namin ni jay and naisip namin na pano kaya kung naligawan nga ako ni jay at sinagot ko siya at naging kami? nakakatawa toh pero kung iisipin tama talaga ung sabi nila.. there is a reason for everything.. there is a reason why some things dont happen.. why this happened.. hindi ko tuloy malaman kung dapat ko bang pagsisihan ang katangahan ko nung time na un o dapat ba akong magpasalamat dahil naging tanga ako. the only thing i am thankful for right now is that jay and i are still friends and we're closer than ever.

anyway, about naman kay *toooot* (im not gonna name him muna kasi wala pa.. he's not courting me yet). everything's doing great. we see each other everyday even for a minute lang. parang we really are trying to see each other kahit na alam naming sobrang tight ng sched namin and sobrang malayo ung sched naming dalawa. sabi nga namin ni tin "parang kami na pero hindi pa". im just waiting for him to make his move. ive done my part and ive done it well so it's time for him to realize my worth and to finally decide if he's gonna ask me to be his girl.

so sa ngayon, lovelife ko? zero.





btw
i need answers sa mga tanong na toh:


- ako ba ay high maintenance na girl?


- ako ba ay intimidating?


- ayaw ba ng mga guys sa mataba? (hehe.. panggulo lang toh >_< )

Thursday, July 19, 2007

waiting in vain? imbyerna..

we're dead meat!

wala pa kaming groupings sa design 2. si sir talaga oo. nakalimutan ata kami. amf.

"i'll be sending you the groupings this week through your emails"

kamusta naman ang linya ni sir na yan.. this week? amf. wala pa till now.

panu kaya ung proposals. hay nako. pahirap naman masyado un. waaaaaaa.

ayaw pa kasi pumayag na kami nalang maggugrupo samin e. hay. pasaway si sir.

pano kami mamaya. 7pm pasok namin baka maya 6pm niya iemail samin. hahahaha.. takte.

nakakatuwa naman un.

well well well.. good luck samin mamaya.

weeeeeeeeeeee....

Wednesday, July 18, 2007

First daTe!

Nakakatuwang isipin na sa 20 years kong nabuhay sa mundong ibabaw ay ngayon lang ako nakipagdate ng matino. at eto pa malupit sa lahat. I was the one who asked him out! I still couldnt believe i did that. I did the first move. Weeeee... i must like him so much kaya ko siguro nagawa un.. hindi naman ako desperate pero it seems like it kung iisipin ng iba. natatawa ako sa tuwing iisipin ko na ako ang nagyaya. amf. kahiya. siguro napilitan lang siya kasi siyempre pangit naman if he turns me down. hello!? babae ako diba. kahiya naman kung ganun gawin niya. pero siguro nga napilitan lang. waaaaaaaaaahh ='(

Nung monday sobrang sakit ng tiyan ko. weird nga e. kinain ko lang naman e ung cheesedog na waffle sa canteen. sabi ni tin baka excited lang ako sa date ko. at ayon nga. totoo. naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang kahihiyan ko toh pag nagkataon. nagtatawanan nalang kami ni tin at naglolokohan na gang rape/ date rape/ friendly date ang kakalabasan ng date ko. ako daw mangmomolestya. hahahaha.. adik.. dinadaan ko nalang sa tawa ang lahat. dahil sa sobrang kabado ako.

Kahapon nangyari date ko.

Wala akong klase. Siya meron. Till 430 pm. Nagpunta ako megamall muna. dun naglunch kasama si mama. kinwento ko nga na may date ako. at ang reaction niya.. "Jhen di pa nga kayo sumasama ka na.. may friendly date ba na manonood ng sine?... marunong ka bang magkarate ha?.. " hahahaha... natawa ako sa last line ni mama. kasi naman hindi daw ako marunong ng self defense pano daw kung anung kamalasan ang mangyare at hindi pala mabait si *tooot* tulad ng iniisip ko.. hay. basta marunong ako kumilatis ng tao at alam ko kung sino ang pwede at hindi ko pwedeng samahan. ang alam ko mabait siya. ok. ok.

sabi niya wala daw siyang load. so pano daw kami magkikita? amf. kalokohan. adik un. di ko lam kung maiinis ako o ano e. pero mejo natawa ako. i texted him the night before na itext niya ako kung tuloy kami or hindi. so mga afternoon e naghihintay ako ng text habang nsa megamall ako at nagiikot at nagliliwaliw. mga 1pm nagtext siya sabi niya tuloy daw kami. ok ok. mejo kinabahan ako talaga.

mga 3pm sumakay na ako ng fx papuntang quiapo. kulit nung katabi ko e. tingin ng tingin. nagandahan ata si kuya sakin. hahahaha.. kapal eh noh. pero ayon naiirita ako. habang nasa biyahe ako bigla ba namang umulan! tae. bad omen ba un?? lakas sobra. e wala akong payong. hay. sobrang dasal ko na sana tumigil ang ulan. tapos biglang pumara ung katabi ko sa may sm centerpoint. napakagentleman naman niya at pinaurong niya nalang ako (dahil nandun ako sa dulo sa harap) at siya ang nagpakahirap na lumabas para hindi ako mabasa ng ulan. kulit nga e kasi bago ko isara ung pinto e nagkatinginan pa kami. nagpause. moment ba ito? aba at may itsura pala si kuya. kinda cute. hahahaha.. pero ayon sinara ko na ang pinto at natapos na ang moment namin ni kuya. hehehehe.. kulit.

tumila na ang ulan pagdating ko sa mendiola. bumaba ako ng fx at sumakay sa jeep papuntang sm manila. napakaswerte ko naman at ang gwapo ng kaharap ko! siguro kung nakakahubad ung titig kanina pa walang damit un. lolz. sobrang tingin ko e. ung lolo na katabi niya tinitignan na nga ako e. kasi sobrang titig ko talaga dun sa gwapo. hahahaha. de pero wala lang un. may date ako ngayon e. focus muna ako sa magiging kadate ko.

pagdating ko sa sm. nagpunta akong wendy's. umorder ako ng iced tea. at tinawagan si tin. nagffreak out na ako. nagusap kami mga 21minutes. hay kawawa naman ung smart bill ko. tae. kasi naman sobrang kinakabahan ako. hay. 430 labas ni *toooot* at ako nasa sm na ng 4pm. hay. fashionably late daw dapat ako sabi ni tin pero sobrang aga ko. hahahah.. nagtext siya and sabi niya nasa school pa daw siya. sabi ko nasa fx pa ako at mejo malayo pa ako. i lied. mga 430pm. papunta na daw siya sa sm. sabi ko nasa jeep pa ako. i lied ulit. amf. kunyari late ako. hahahaha.. amf. hirap magsinungaling. parang lumalabas excited ako. waaaaaa.

nung nagkita na kami sobrang katuwa. para kasi kaming ewan. usap usap onti tapos punta na kami sa may bilihan ng movie tickets. harry potter. hay. tapos bumili kami pop corn tska pepsi na sobrang laki hindi ko naubos. hay.

tawanan kami ng tawanan habang nanonood ng movie. kulit kasi niya e. lagi nagpapatawa. kulit kulit. inubos niya ang pop corn. lolz. kasi gutom siya at ako naman e busog kaya hindi na ako kumain. sobrang friendly date lang talaga. we didnt hold hands. we never even had physical contact the whole time. lolz. di ko alam kung natuwa ako o hindi e. pero cguro respeto narin niya sakin un. hindi naman kasi kami kaya wala talagang reason para magholding hands kami diba.

nakakaloka ung kissing scene sa movie. amf. tagal e. tapos sobrang ilang ako. natahimik kasi kaming dalawa. tapos bumanat ako ng "RATED 18 pala toh" hahahaha... amf. tawa kami ulit. kulit talaga. kailang naman kasi talaga un.

after ng movie hinatid niya ako sa sakayan. sabi ko kasi baka hindi siya umabot sa LRT kaya un. weeee....

nahirapan ako umuwi pero tingin ko naman ayos lang kasi natuwa naman ako kahapon. lahat ng pagod ko at hirap sa pagcommute pauwi e napawi ng mga magandang alaala ng date ko na di ko malaman kung friendly date or romantic date. hahahahaha....

weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee....

wala lang. share ko lang. lolz




Thursday, July 12, 2007

Frosh Week

first week of school. "FROSH WEEK" daw. ang saya. thursday na pero parang wala parin akong napapasukan.

nung monday mejo okay napakiramdam ko. konting sipon at ubo nalang. nagpacheck ako sa doctor. kinuhanan ng dugo. chineck at napagalamang mababa ang platelet count ng dugo. 450 ung normal count pero 190 lang ako. hehe. dala ito ng sobrang pagpupuyat at di pagkain ng tama. the next day kinunan ako ulit ng dugo. okay na ang resulta. tumaas. meaning wala akong dengue. hay sus. sobrang panic ko naman kasi.

ung pasok ko sa comnet nakakaloka. dapat kasi di na namin papacredit ni tintin un kasi sabi nila madali lang. pero nung ineexplain palang ni sir ang mga gagawin. sobrang matrabaho kaya un pacredit nalang din. sa 2 lab at 4 na lecture, 3 lec and ippacredit. so parang 3 lang klase ko. 2 lab. 1 lec (2units pa) haha. pero kumuha ako unix e kaya 4 parin papasukan ko.

ung sa java at sa os lec si mam pabiania ang prof. grabe inubos ang oras. ayoko talagang pumasok sa ganun. biruin mo first day palang sobrang dami ng sinasabi at parang naglelecture na. hay. sana hindi ganun. nakakaantok kasi un e. okay sana kung sa ibang meeting e kaya lang first daY! hindi nakakatuwa. excited pa naman akong lumabas ng klase dahil nonood ako sa baba ng mga kaganapan. lolz.

naiinis pala ako kasi ung nagiisang lecture subject na papasukan ko (engman) ay abolished pa. hay naku. kamalasan nga naman. kanina ko lang nalaman. so bukas papasok pa ako ng maaga para ayusin un. kasi nman open ng open ng section takte wala naman palang prof na magtuturo. kalokohan talaga ng mapua. kuha ng kuha ng estudyante tapos ganun ang mangyayare. nagbabayad kami ng matino tapos ganito..

wala palang masyadong kakaibang nangyayare sa buhay ko ngayon.

maliban nalang sa design 2. pano ba naman random groupings daw!? hello.. naku pano pag hindi ko kakilala ung mga kagrupo ko at pano kung hindi gumagawa!??? waaaaaaaaaah ='< ayoko umulit. hay. nga pala hindi na si sir linsangan ang sa design 2. si sir cordenete na. hindi ko siya kilala e. sana okay siya. mukang smiling terror e. sana hindi. *dasal dasal*




Sunday, July 08, 2007

Dengue Alert?

may sakit ako.

pasukan na bukas.

argh!

wrong timing naman masyado.

hay...

nadengue siguro ako.

waaaaaaaaaaaah! :(

sana bukas magaling na ako.

Thursday, July 05, 2007

walang kwentang bakasyon

hay nako... bagot na bagot na ako dito sa bahay. unang araw palang ng bakasyon ko. grrrr... grabe naman... walang magawa. kanina pa ako online di ko naman malaman kung anu gagawin ko. nagddownload nlng ako ng kanta. weeeeeeee.... haha..

buti nlng may katext ako. lolz.

gusto ko na tuloy pumasok. haha. excited ako.. weeeeee... dahil ba kay..... nyok ! adik. hindi.. weird ko.

>_<

What's wrong with me?

uhm.. kanina nung nagmumuni muni ako sa aking kwarto sobrang napagisipan ko na kung anung mali sa sarili ko. hindi ko alam kung bakit naisip ko mga bagay bagay na toh.

first, ung pagiging manipulator ko. well napapansin ko narin kasi na sobrang bossy ko na. when it comes to doing things parang i always pass the work to someone kahit na hindi ko alam kung capable o hindi ung tao na gawin ung mga pinapagawa ko. pag hindi nagawa ako sasalo. so parang challenge din un for me at take note naiinis ako minsan konte minsan sobra. pero nawawala naman ang aking sama ng loob sa isang sorry lang. kahit papano parang pahirap talaga ako sa mga tao sa paligid ko.

second, tanga ako sa pagccommute. hindi ako marunong magcommute (ung ppunta lang ng skul at pauwi galing dun ang alam ko) so dont bother asking me for directions sa kung san san. gusto ko magtaxi most of the time. ayoko ng pahirapan na commute (LRT and MRT na sobrang taas ng hagdan.. nako.. i give up). nagmamaarte lang ako. so if ever na kasama ko kayo na pupunta kung sansan pilitin niyo akong magjeep at ituro sana ang daan sakin. iexplain. ayoko ng maging tanga dahil lapit na akong magwork (ilang terms nalang..) at ayokong masiraan ng ulo at magiiyak na tumawag sa nanay, tatay o kuya ko na nawawala ako at hindi ko alam pauwi at papunta at nagmamakaawang sana e sunduin nila ako.

third, sobrang dependent ako sa mga tao. hindi ko alam kung bakit. pero i really would want to change this.

fourth, mahilig ako sa cute boys. lolz. naweirdohan nga ako e kasi parang sakin e mejo nasobrahan ata. pero normal naman toh kasi girls tend to admire guys lalo na kung gwapo talaga o malakas ang dating o may talent (magaling maggitara, kumanta, etc.. ). the same goes with the opposite sex.

fifth, kasunod eto ng nasa taas. Umaasa ako palagi kahit na alam kong hindi naman dapat dahil masasaktan lang ako. ganito kasi. nakaencounter na ako ng mga problemang puso dahil sa pagasa asa ko. tae. kung alam ko lang na wala palang mangyyari at wala akong pagasang mahalin nung tao e di sana hindi nalang ako umasa umpisa palang. lecheng pagibig toh o. bakit ba kasi pinapafeel nila sakin na parang sobrang special ko. grabe. i easily fall in love with guys who do that... let me count the times na nangyare toh.. w8... im countin.. 1,2,3.... and the list goes on. sobrang dami ng instances. even if they do little things na siguro sobrang walang kakwenta kwenta sa iba pero it means the whole world to me. naappreciate ko lang lahat ng ginagawa for me. kaya sa mga taong gumawa ng mga little things na for sure di niyo na maalala I would like to thank you all. (nga pala jd, ung yellow green na eraser na sobrang liit na galing sa mechanical pencil mo na pinahiram mo skin nung 3rd yr high school pa tayo e nasa akin pa.. hehe.. ). so aion nga. kahit simpleng text text lang. kasi naman wag niyo ako itext ng itext from morning till dawn kung friendship lang hanap niyo. kasi it's not normal for guys to text girls ng ganun kung gusto niya lang makipagkaibigan.. okay okay.. do you get what i mean? mejo nagkaka idea kasi kami na you guys want something else from us other than friendship...

last, cguro ung minsan pagkalimot ko magpray before i go to sleep. sobrang di ko alam kung bakit. siguro sa pagod. pero ayon once i get to bed kasi tulog ako agad. kamusta naman iyon. lalagyan ko nga ng reminder ung phone ko para di ko makalimutan. (i always pray naman before i leave the house ha..) tska eto pa pala hindi ako masyadong nakakapagsimba. kasi sunday lang bakante kong araw last term. i always spent that day doing household chores and pagtulog at paggwa ng kung anu mang school work na kelangang tapusin.. hay..

sorry po talaga Papa Jesus. ='(


hay eto muna for now. nek taym nalang ule. wala na akong mamunimuni e. nkalimutan ko na iba. hehe. ;P

Tuesday, July 03, 2007

pahirapan na enrollment

inis ako. tagal ng pagenroll ko ngayon tapos ang init pa.

pagdating ko dun sobrang haba ng pila. sisingit sana kami ni tintin e kaya lang pinagalitan kami nung guard. lol.

nakwento ko na din pala kay tintin ung tungkol kay *tooooot*. sana natuwa siya para sakin. pero naisip ko din, pano pag nagkaboyfriend na ako? hay.. cguro tintin and i will be spending less time together. dapat magkaboyfriend na rin si tintin. hehe.

uhmm. anyway about sa enrollment. magulo talaga ung pagpapaadd ng electives namin ngayon. ewan ko ba kung anung problema nung sa section chief papaadd lang ng elective kung anu anu pang kaartehan ang nalalaman. papuntahin daw ba kami sa DOIT at dun daw namin sabihin na wala sa core courses namin ung elective. at pagpunta naman namin ng doit hindi daw sa knila un. sa baba daw. hay.. magturuan daw ba. gulo gulo tlga. nakakainis kasi 4th floor pa ung doit. at twice kami umakyat dun. kapagod. dugyot na nga ako dahil sa paakyat akyat e.

here comes the highlight of my story.

habang pabalik balik kami sa northbridge at sa doit ay katxt ko si *tooooot*. at ayon nageenroll din daw kasi siya. i thought hindi talaga kami magkikita pero dahil sa hinintay niya ako.. well.. naicp ko na imeet narin siya. iniwan ko muna sila tintin kasama nila eli kasi nagaasikaso pa sila nung sa pagadd ng elective. i asked him where he is and he told me nasa canteen daw siya. i was so nervous papunta dun. hay...

when i got there i smiled muna. i sat beside him. pero not that close ha. lolz. tapos ayon. we talked. we were smiling at each other lang. mejo speechless ako pero i tried my best to think of words to say. he was so nice. he kept smiling kaya ayon super kilig ako. haha. *wink*. ang cute kasi sobra ng dimples niya pag nagssmile siya e. super cute nga. tapos un. sobrang wala akong masabi. tapos when i finally decided to get back to tintin ayon we got up tapos sa may north kami nagpart ways. huhuhuhuhu ='c

he's not that tall. ayos naman siya. moreno. payat. hindi siya gwapo pero i think he's cute. argggghhh.. i love his dimples. hehe. basta. tapos eto pa ung voice niya. cguro others find it weird kasi sobrang laki ng voice niya. parang pang drama or pang dub sa mga telenovelas. hehehe.. gnda naman. bagay naman.

kakanta na nga yata ako ng "i think im fallin.. fallin... in love with you... and i dont.. i dont know what to do..." hahahaha.. korny amf.. basta aion..

after niya umalis inasikaso nnman namin ang enrollment. at ayon sa wakas. natanggal narin ang kaartehan sa pagaadd. naadd na nung sa section chief. adik un. pwde naman pala pinahirapan pa kami. argh..

weeeeeeeeeeeeeeeee..... kahit pagod ako saya parin.......


NOTE:
katext ko siya ngayon. bwahahahahaha...
chance na toh.
weeeeeeeeeeeeeee!






Monday, July 02, 2007

Liking Someone... Again

Never did I like someone this fast. Wala lang. Para kasing sobrang bilis. Ni hindi nga alam ni tintin.. hahaha.. I dont know if I'm supposed to say all these baka kasi bigla niyang mabasa toh. I mean if ever na maisipan niyang magbasa ng blog ko. Hiya ako tuloy. hahaha :)

Hindi ko na sasabihin kung kelan nagsimula or kung sino siya.. it's a secret for now.. *kilig*

Pero eto lang masasabe ko. sobrang saya ko yata. kasi sabi ni mama sobrang abot tenga daw ngiti ko palagi. hahaha.. adik na ata ako.. high na high na ako sa kanya kasi. ewan ko bakit ganun. Para kasing sobrang "meant to be" na yata talaga toh. Kasi naman may certain instances na basta basta. weeeeeeeeeeeeeee.... saya saya ko naman.

Pero di ako umaasa ha... uhmmm..... cguro onti... hahahaha... pwede ba namang hindi ako umasa e sobrang moment ko na toh. hindi ko siya crush pero iba ung feeling e. he's really nice. lagi tuloy ako nakasmile ngayon. eto oh.. *SmiLe* sana lang he'll like me too. *SmiLe* i'll say yes agad. lol. *SmiLe*

i smell true love.

lolz..


Note:
Pakidala nalang ako sa mental asylum pag na break heart ko this time.. *SmiLe*

Friday, June 29, 2007

BADTRIP!

im so f*ckng pissed off right now.. i had just viewed my curriculum sa mymapua and i saw that my thermodynamics subject has this "NOT TAKEN" remark! this is b*llsh*t!
i cant believe he failed me. NANGHUHULA NG GRADE POTA. SANA MAKARMA SIYA. P&@#*(@#$(*!!!!!! F@#(@*&#(@&#(!!!!!!! MAY ARAW DIN SIYA... SI LORD NA BAHALA SA KANYA!!! GRABE!

Thursday, June 28, 2007

BreadTalk Pls!!!! SAM MILBY!!!! (StarStruck!)

i forgot to write about the small adventure tintin and i had yesterday just before we present our compiler program to sir tsiongco.

It started early morning after we found out that we were exempted from our final exam in comorg.

We had our brunch. San pa ba? eh di sa McDo. haha. Walang pagbabago. Kasama namin si toni. at ayon sobrang saya kasi okay na kami ni toni (we had a misunderstanding just a week ago dahil sa compiler at sa ugali niya.. lolz.. i better not talk about it.. tapos na kasi ayoko ng maghalukay sa baul ng mga kasalanan namin sa isa't-isa). ayun. we talked about lots of things. kwento kwento. kain. nakakamiss kasi ngayon lng kami ulit nakumpletong tatlo. at eto ha.. hindi naasar o napikon si toni samin ni tin. Kung alam niyo lang kung anu mga pangaasar namin sa kanya matatawa talaga kau. basta basta. lolz.

dami naming napagusapan. design2. software. mga nagaalisan na prof. mga papalit na prof. mga terror. mga funny moments. at siyempre mawawala ba ang mga cute guys? hehe. kay sarap talagang magkaroon ng mga girlfriends. We can talk about almost anything under the sun...

uhmm.. pagkatapos kumain they took their software finals tapos un tin and i decided to go to MOA. Actually we never planned to go there pero dahil sa 630pm pa ippass ung sa compiler namin ayon napagkasunduan na dun nalang. Sa SM kasi wala namang mapupuntahan maxado. Sa robinsons place naman mejo hindi ko gusto maliit lang din kasi kaya wala din maxado mapupuntahan.

Tinanong ko si tin kung pano kami pupunta dun. Not that i do not know how to go there, pero kasi honestly gusto ko magtaxi dahil mainit (hindi ko sinabe kay tintin.. lolz). oo na. maarte na ako. pero hindi kami nagtaxi. sabi ni tin magbus kami papuntang buendia. okay. pero nung sasakay na kami tae puro usok nalanghap namin kakahintay ng bus dahil sa lawton kami sumakay at eto ha.. inis na inis ako dahil hindi kami makasakay dahil ang daming jeep na nakaharang! kamusta naman un?! asar talaga mga jeep dun. at dahil hindi kami nakasakay sa bus, nagfx nalang kami. weeee... aircon. sarap talaga ng aircon... hahahahaha... =))

pagdating namin sa MOA sobrang kapagod. Init kasi nagjeep pa kami papunta dun. Ikot kami ng ikot sobra. ang saya. kasi wala kaming pera. kaya window shopping lang kami. nakakatuwa. dami ko sanang gustong bilin kaya lang wala e. di pwede. no money. sarap maglakad. mejo konti lang cuties na nakita namin. puro pa bata. hahahaha... baka makulong kami neto. nyahahaha.

Nung sumasakit na tiyan ko kakalakad nagdecide kami na kumain muna. At dahil nga sa wala kaming pera, naghanap kami ng mura. Sabi ko sa el pollo loco nalng. mag chicken taquitos kami kasi mejo mura lang 50+ lang. kaya lng naisip ko parang oonti lang. ayon hanap kami ulit. Sabi ni tin sa TokyoCafe daw. So punta kami dun. Mahal. lolz. Hanap ulit. tapos un napadpad kami sa breadtalk. weeeeeee.. sobrang lambot nung couch nila dun. kakaantok. tapos ung mga bread nila dun sobrang sarap. bumili ako ng isang chocolate covered croissant, bread na may chocolate pudding, tapos isang ham and cheese na parang bread stick. grabe. super sarap. wahehehehehe... para nga akong endorser dun e kasi naman may umupo na mommy dun sa harap namin tapos tinanong kung masarap daw ba ung kinakain ko. sabi ko... "uhmmm.. sarap po talaga!" wakokokokok... totoo naman kasi. if ever mapadpad din kau sa kahit saang branch ng breadtalk try nyo. super tasty nung mga binebenta nila. hehe. wala lang.

After namin kumain (ULIT) nagvideoke naman kami. weeeee... sarap talaga kumanta. nyahahaha... basta sobrang saya. nakailang songs lang kami kasi ang mahal magvideoke sa timezone (sa timezone ba tayo tin? nakalimutan ko na.. hehe) Php 15.00!!! hay nako. sa labas 5 pesos lang. grabe. bibili nga ako ng sarili kong videoke machine. =P ang natatandaan ko lang e sobrang ingay namin ni tin nung mga oras na un. lolz.

Mga 430pm na kami natapos kaya un naisipan na namin na bumalik sa school. Nagjeep kami pabalik sa buendia. Jeep ba un o van na mukang jeep na hindi ko malaman kung bakit blue ang kulay. ang barbie kasi. wahehehehe. Pagbaba namin sa buendia nagfx kami ulit papunta naman sa cityhall. Sa gitna kami umupo. Ako sa rightmost. Nakakatuwa kasi sobrang ingay naming dalawa dun sa fx. Lahat na ata ng tao dun e nadinig ang buhay naming dalawa ni tintin. hahaha.. feeling ko natatawa din ung mga pasahero sa mga kwento naming mga walang kakwenta kwenta. ang topic namin iba iba at kung saan saan napupunta. from breadtalk to moa to kabayo tpos sa aking pagkanta. actually too many to mention. tapos biglang may nakita kami na nagsshooting sa may roxas blvd yata un. Bata lang na artista ung nakita ko e. Ung kamuka ni judyann santos na bata na super galing umiyak sa abscbn. basta un. di ko alam name eh. tapos meron pa isa sa may kalaw naman. Kala ko small time na shooting lang. Tapos nakita ko si Robert ng PBB. sabi ko wow!! pogi TALAGA! ANG PUTI PUTI AT ANG TANGKAD PA.. grabe hindi pala siya masyadong telegenic ha. ^_^ hahaha.. Tapos biglang napansin ko si SAM MILBY! bigla akong napasigaw na "UY, Sa PBB UN AH.. SINO bA UN?...... AH SI ROBERT!!... AY SI SAM MILBY!!!!" nyahahahahahah.... mukang mataba sa personal. Mas pogi pa si robert sa kanya. lolz. Parang nagmukang extra tuloy si sam milby. hahahaha.. tapos natawa ako sa mga reaction nung mga katabi naming girls ni tin sa gitna. halos umikot na ng 270 degrees ung leeg amft! hahahaha... eh sakto nakaharang kami ni tin kasi sakop namin ni tin ung buong window sa right. ahahahaha... adik ... ^^,

nakakatuwa talaga... tsk tsk.. hindi ko na crush si sam milby. wakekekek.. wala lng. as if namang may connection siya sa buhay ko. hehehe.. sayang pala wala kaming camera ni tin. tsk tsk..

Wednesday, June 27, 2007

Moving Forward to a Better and Brighter Future! Aja! Aja!

^COMPILER FEVER^

Finally natapos na namin ngayon ang compiler namin. Hindi lang ako sure kung okay un kasi ung reaksyon ni sir kanina e sobrang sama. Ewan ko ba. Fully working naman ung program namin pero hindi ko malaman kung galit o sadyang hindi lang siya satisfied sa gawa namin. waaaaaaaaaahh... pero tuwang tuwa talaga ako promise. naiyak pa nga ako sa tuwa right after. hindi ko kasi lubos na maisip na magagawa namin un. I did most of the programming part so parang fulfillment talaga un para sa kin. Never did i imagine myself do something as difficult as this. Sana mataas grade namin. ^^

^COMORG^

Sa subject naman na toh. sobrang kamalasan tlga nangyari sakin. Wala ba naman akong napasang quiz ni isa. hay sus. grabe talaga. reporting kasi. tae wala talaga akong maintindihan tapos wala pang mabilan ng book. Mejo madamot pa si sir ayaw pahiram ung book niya. Ung 2 books naman sa library laging wala dahil laging may nanghihiram. Kamusta naman un?

Pero eto talaga nakakabilib dun. Exempted ako sa finals! Gulat ako eh. Para pa naman akong sira kanina kasi late pa ako dumating. 8am daw kasi ung exam pero dumating ako ng 840am (as usual traffic nnaman ang problema samahan mo pa ng sobrang habang pila sa sakayan ng lintek na fx na yan). Pag akyat ko akala ko tapos na sila lahat magexam un pala halos lahat exempted! Nawindang ako pano ba naman kasi ang alam ko e 37 points ang kelangan ko sa finals para pumasa pero sabi ni tintin e sabi daw ni sir 2.00 na daw grade ko. Nagtataka ako kung san kinuha ni sir ung plus points namin. Tsk Tsk.. Pero salamat talaga kay Sir Maramba dahil sa sobrang kagulat gulat at kagilagilalas niyang desisyon na ipasa kami!!! Bwahahahahahaha!!!!

^TheRmO^

Kahapon feeling ko babagsak na ako kasi wala tlga akong alam sa thermo. Hindi ako masyadong nkapagaral dahil may inayos ako sa compiler namin. Tsaka tinamad talaga akong magaral. Napanghinaan na yata ako ng loob. lolz. Pero ayun parang sinagot ni God ung panalangin ko na makapasa. Actually di pa ako pasado pero sana talaga pasado na pano ba naman nakakopya kami dun sa pinakamatalino sa klase namin. Haaahahahahahahah! Adik naman kasi laging nagbbrownout tapos nataon pang wala kaming proctor. Kaya un sobrang kopya pero di lahat kasi sinagutan ko naman ung iba dun. hahahaha. Pasensya na pala sa nkopyahan ko. >_< Super swerte ko talaga. Salamat sa Diyos. Sana pumasa din ako dito.


^Assembly Lab^

Ung defense namin e last thursday. Halos wala akong alam kasi naman hindi kami ung gumwa nung program. Nung day lang na un ko lang napagaralan ung source code. Dalawang display ng output nun. Isa sa BCD at isa sa binary. Ung sa BCD hindi gumana amf. Tinamad na daw sila jeff maghinang ulit. Nasira kasi ung sa parallel port mismo e. lolz. kaya un kalahati lang yata ung grade namin sa prototype. Ung sa docu 90. ung sa attire 100 ako. todo office attire naman kasi ako e. hahaha.. ung sa question and answer nasagot ko naman lahat ng tinanong sakin kaya cguro naman perfect ako dun.

5 lang daw kami pumasa sa lab. hay.. Bkit ba ganun????? Wala lang. Sana mejo magbaba si mam ng passing. wawa naman sila kevin kasi e. tsk tsk...


^Assembly^

Pasado ako dito. Siguradong sigurado ako. Pasado ako sa lahat ng exams. Uhmm.. 1 missed short quiz. 4 or 5 absences yata. lolz. basta ganun. Mabait naman si mam eh at saka hindi niya kasi masyadong chinecheckan ung mga exams. napapaisip nga ako e kasi nung binalik ni mam ung mga exams ko ung 2 dun 100+ e mali naman ung ibang mga operands ko (ung mga attributes ekek). wala lang. Siguro ung interrupts lang at ung mga service functions na kailangan lang ang tinitignan ni mam. Buti nalang. hehe.


^Safety^

Eto naman. Nagcompute na kami ng grades last thursday at ayon pasado. Alam na toh dati pa. Wala naman sigurong babagsak sa safety e (Opinyon ko lamang ito.. hindi ko sinasabing wag kayong magpapasok at wag kayong magaral sa safety.. lolz..).

^FEASIB^

Almost complete! Eto nalang iniintay ko. Weeeeee....

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Ready na ako for next term.. SOFTWARE AND DESIGN2 HERE I COME!
Ready na ako masingko! Ready na ako masyete!





Monday, June 11, 2007

SUMMER OUTING

MUNTIK NA AKONG MAIWANAN NG BUS!

natutunan ko na maging on time na sa susunod. pano kaya un pagnaiwan ako? hala. uwi nalang ako. hehehehe.. naloloka na ako talaga. sobrang nagppanic. buti umabot ako.

ang saya ng trip namin papunta dun sa resort. dami food. si eli kasi katabi ko. masaya. maingay. nanood pa kami flushed away tsaka the break up. weeee.. mejo nabingi ako kasi si eli sobrang ingay e. Picture picture kami. sobrang daming pix nga pero sadly wala ako digicam. ung kay eli, lyndon, at ginpao ung gamit namin. hahahaha.. (excluding pa ung mga hiniram namin ni tin na digicam kina jayvee, kevin, bhudz at ung iba pa. lolz)

ang tagal pala ng biyahe sobra. dapat 9am nandun na kami pero dumating kami halos 11am na. traffic din kasi e. tapos naghihintayan pa ung mga bus. buti nalang dami cute boys na nakasakay sa bus namin (mga applicants ng IEEE).. hahaha.. halos lahat ata ng crushies ko sa mga applicants nandun e.. si _______ , si _______, si ________ at ung isa pa na ngayon ko lang nakita _________. fill in the blanks yan. lolz.

when we got there. grabe sobrang haba ng nilakad namin. tirik pa ung araw. parang nilelechon ako sa init. Kainis kasi hindi ako nakapagsunblock sa katawan. sa face lang. feeling ko paguwi ko muka na akong geisha. lolz. ung face lang maputi. hahahahaha..

Nagpareserve kami ng rooms pero hindi naman kami nabigyan ng rooms. kainis noh. may inooffer sila na rooms Php2200 with ac pero wala namang shower room. kamusta naman un. kaya nga kami magrrent diba para sa shower room. kaloka. so ayon.

since nagbayad ako ng food sa JPCS, dun ako kumain. dami ulam. may liempo, chicken, tuna, may pancit pa. grabe sulit. ung sa IEEE yata late na nakakain. may problem daw kasi sa rice.

after namin kumain, nagparlor games na kami sa comorg namin. nandun si sir maramba, minomonitor ung games. ung first game ung 3 players tapos uubusin ung 1.5 liters ng coke. section namin ung nanalo. ung second game ibbury sa buhangin ung 3 players kami ulit nanalo. ung third ung paramihan ng mapapapicturan na prof.. talo kami.. after nung 3rd game nagpalit na kami ni tin ng damit tapos swimming na kami. sarap magswimming. kahit na hindi kami marunong lumangoy. lolz. dami cute guys sobra. wow.. hahahahaha... dami talaga.

after an hour cguro nagsimula na ung summer bodies. nandun pala ung crush ko sa engman namin dati. siya ung nanalo. ung 3rd contestant gwapo din. tall dark and handsome nga. :) sa girls ung look-a-like ni angel locsin ung nanalo.

after namin manood, nagshower na kami ni tin. kasi baka humaba ng sobra ung pila pag sumabay pa kami sa iba. tumambay muna ako sa cottage ng ieee at si tin sa jpcs cguro. umiinom mga tao sa min e. sobrang lakas uminom ng mga un. pati ako napashot ng isa. lolz.

tapos nun nagtake ulit kami ng pictures using tere's digicam naman. hehe. cute. wala lang.

nung inannounce na na pwede ng umakyat. umakyat na kami ni tin. grabe.. pagod na pagod na ako sobra. parang naligo ako sa pawis. thank god pagdating namin sa bus lakas ng aircon. kwento kwento muna tapos picture picture ulit. dami na umakyat tapos ung iba lasing. 3 yata sila. si glenn, si pm tska ung pinakamalala si stefan. hay grabe. kawawa si xave kasi binantayan niya un the whole trip. pero cguro ayos lang sa kanya. nakadalawang stop overs kami e. ung una sa bilihan ng pasalubong, tapos ung second sa caltex sa slex. si tin nga pla kasama ung iba e bumaba na sa tagaytay kasi hindi na sa unang route na dinaanan papunta dadaan ung bus.

mga mag12 na kami nakarating sa skul.. when i got home sobrang bagsak ako sa kama. tulog.. zzzz.....

This happened last Thursday.

JB and I had a fight. The first fight ever na naexperience ko. I always keep things to myself kaya never akong nangaway. I may have argued with someone before but not like this. I was expecting this to happen matagal na. I was keeping grudges against him matagal na siguro since the first term. It was all because of the damn feasibility study. Well, it’s actually a good thing na naging groupmate ko siya before he graduates. At least nakilala ko siya ng sobra.

Mejo nalate ako ng gising ulit dahil sa sobrang pageedit at pagcompile ko nung final draft na for printing na sana. (take note.. sobrang nalate ako sa Assembly lab naming dahil dito). Natapos ako around 1230 na yata. Basta ganun. Mahirap un. Okay. Since JB is my only groupmate who was online that time I sent him the final draft and gave him instructions. I also emailed it to tom and Junelle. I actually thought JB understood everything.

Oo ikaw nga JB. I know mababasa mo ulit toh. I have this blog para malabas ko mga sama ng loob ko. And kung natamaan ka man. Im not gonna apologize because first of all I was not the one who’s not helping (not that you did not help at all). Yeah let’s just say you helped. But the help we’re getting from you IS NOT ENOUGH.

Do you want to know the reasons why I was so pissed? Kasi naman diba, final draft na nga ung sinend ko sau diba. I told you to ONLY CHECK the list of figures and tables kung ayos na dahil sobrang antok at pagod na ako. At ung resume mo sabi mo papalitan mo. So sabi ko copy paste mo nlng dun sa luma mong resume. THE WHOLE DOCUMENT WAS READY FOR PRINTING! Pero you told me inedit mo pa??? And sabi mo.. “MALI NGA UNG INEDIT MO!”.. “LAHAT”.. Pota. Ano ba ako tanga??! Magsasayang ba naman ako ng oras para magedit ng mali? I talked to tom and he said tama na nga daw ung inedit ko e. and mas gumulo nung inedit mo pa. Isipin mo you were giving me reasons like inedit mo pa ung mga letters?? Duh!? That would only take you 15 mins or less para maedit un. That wouldn’t take you the whole day. Inaako mo pa ung ginawa kong pageedit nun lahat. So much for being such a pain in the neck.. and you were actually thinking maniniwala sila na ikaw nagedit nun lahat? Tsk.. tsk..

BTW. Ung pagprint nun. We were thinking na kami nalang ni junelle ang magpprint nun dahil sa palpak ka nga nung last time na nagvolunteer ka magprint. Sabi ko mapprint niya na un. Compiled na and naayos ko nanaman ung pages. UMASA KAMI NA MAAAYOS MO. Tapos kami parin ang nagpaprint nung appendices? Oo nga naubusan ka ng papel. Pero diba kung umaga or nung gabi ka pa nagprint e di sana nalaman mo na kulang pala ung papel mo at sana nakabili ka pa. You had lots of time. When I called you sabe mo 4pm mo lang natapos iprint?!?? Kamusta naman un. Kaya ka nga naming hinayaang magvolunteer kasi para hindi na kami mamomroblema sa printing pero ganun parin. Namroblema parin kami.

Yung sinasabi mo naman na gumagawa ka sa software mo. 80% ang ginagawa mo? Oo tinanong ko na si ginpao before pa mangyare ung away natin kung anu naccontribute mo sa software niyo. Sinabi niya na halos ikaw nga daw ang gumagawa. Pero that is still not an excuse kung bakit hindi mo magawagawa at maasikaso ung sa feasib natin. May responsibilidad ka din sa feasib. TIME MANAGEMENT ANG KAILANGAN MONG MATUTUNAN. Hindi porket marami kami nila tom na nagaasikaso ng feasib e aasa ka nalang. Tandaan mo hindi lahat ng magiging groupmates o katrabaho mo next time ay hahayaan na hindi ka ilagilag kung wala kang masyadong naitulong. MABAIT PA NGA KAMI DIBA?

Another thing.

Yung kay CATHY. I know for sure hindi lang ako ang nakakahalata nun. Why don’t you ask everyone? Mga kagroupmates niyong dalawa. I was brave enough to tell that to your face. Ako lang ang may guts na sabihin un sa iyo. You should be thankful coz u got the idea from me.

What happened last Thursday was a big deal for me. Now I regret kung bakit ikaw ang nilagay ko sa number 5 sa ranking. I should’ve put you in the last spot. Damn.

Monday, June 04, 2007

Natapos namin ung feasib last Wednesday. I was wondering why we were not given two weeks for the revision. E samantalang ung iba e two weeks pa at ngayon e wala pa kaming nasisimulan. hehe. Minor revisions lang naman siguro un.

THE DAY OF THE DEFENSE:
I was so worried before I went to Mapua Makati. I tried reading the whole document. I was hoping marami akong masasagot na tanong ni sir e. Pabibo ba. hehe. Kelangan ganun kundi kamote ako. Kung hindi man ako magsalita for sure tatawagin din ako ni sir. It's better to go there prepared kesa walang alam. Ung powerpoint inassign sakin ni tom nung monday pa pero dahil I wasnt quite into doing it myself I passed the work to my other two groupmates who werent that active in doing the documentation. I was trying to give them a chance to prove themselves to tom and the rest of us that they can do more. Mejo nagaalangan na kasi si tom dun kay G.F. (initials pwde na hehe) kasi he didnt help "daw". I was thinking nagedit naman siya nung first three parts and he also contributed to some parts of the docu pero si tom ata e hindi satisfied dun sa gawa niya. I did part 1 and a little of part 2 pala nung powerpoint presentation. Pinatuloy ko lang sa kanila. Saktong tinatamad akong gumawa at ayon nga kelangan nilang tumulong ng sapilitan kaya un. Asa na naman ako.

Bago ako umalis ng bahay. Chineck ko muna ung presentation. Ung mga text nagfflash lang tapos nawawala din. There is something wrong with the animations kasi. at dahil sa wala na akong oras para ayusin isa isa, i just decided to delete the animations sa lahat ng texts dun. 80 slides lahat un. hehe. adik ako noh. wala lang.

I arrived early. At muka akong prof siguro ng mga panahon na iyon. Pinagtitinginan ako ng mga students sa mapua makati. All eyes on me. Kaloka diba kasi ako palang andun. Well, that's what i thought. Nandun na pala si JB. I called him and I found out he was already upstairs. I asked him kung inayos niya ung powerpoint dahil sa sabi ni junelle e si JB DAW AY NAGVOLUNTEER NA MAGAYOS NUN. He said hindi niya daw nagawa. Anak ng tokwa!!?! Nainis ako eh(kahit na inayos ko na sa bahay at hindi ko sinabi sa knya na ako na mismo ang nagayos). Takte. Volunteer ng volunteer hindi naman pala magagawa. Ang daming beses na niyang nagvolunteer e tapos puro sablay. Puro delay. Bwiset talaga. At eto pa. Ang naisip ko na reason kung bakit hindi niya na gawa ung sinasabi niyang gagawin niya e dahil nanaman sa girlfriend niya na si Cathy!!! Biruin mo hindi naman defense ni cathy pero andun din siya. Hindi naman kasi masamang magkaroon ng ibang commitments e pero sana may time siya para dun at para sa feasib namin. takte. Puro GF ang nasa utak. Taena talaga. Paranoid ba siya masyado at tingin niya may mangaagaw sa GF niya maya't maya. HELLOOOOOOO!!@!@ P&^#! T*^@#! ARGH! Hay nako nakakahigh blood talaga. Taena talaga. Tapos eto pa pag akyat ko sa taas i saw him holding a calculator and he was studying real hard. Bigla kong naisip tuloy "Mukang aral na aral ah.. Pano kung mas marami pa siyang masagot kesa sakin?" Grrrrr....

itutuloy...

Sunday, May 27, 2007

Tubig!!!!

WALA KAMING TUBIG NGAYON!!!

hay nako. sa hindi malamang rason bigla bigla kaming nawawalan ng tubig. this week every 11pm walang tubig. Ngayon ang hina sobra. tsk tsk. kamusta naman diba. sana magkatubig na mamaya init na init na kasi ako e. grrrr...


Saturday, May 26, 2007

.BABAE PO AKO.

our phone line got cut off this week... uhmm... i wasnt able to update my page. anyway. dami ko ikkwento. hehe.

MONDAY!
After school i went straight to megamall. i was thinking of buying something new for myself. i checked out the renovated clothing section of the sm department store. whew. it almost looks like the department store of shangrila. i find the new place really nice and very appealing. i wandered for about an hour. window shopped. found a belt.. php300.. too expensive. found a cute pair of sandals.. php 999.. maybe next time.. i walked till i felt like I wouldnt find anything cheap to buy so i just decided to transfer to the st. francis square "tiangge". uhmm.. i only have a budget of uhmm let's say php500. i walked for 2 hours searching for a nice pair of flats that would go well with the skinny jeans and the blouse i bought last week. i was not really into pointed shoes but well i found these nice flats.. it's only worth php250. hihihihi.. really cheap but it looks really good.



TUESDAY!
We went home kinda late.
I saw several cute guys at school... uhmm... ^^

WEDNESDAY!
Tintin and I were scheduled to present our topic today in our comorg class. I couldnt breathe when i went in front and started to report. Well, i was thinking i was so prepared since i sort of practiced the night before but it was a mess. I was actually laughing my ass off while i was in front talking. i dont know why i was laughing and what i was laughing at. i was so nervous that i forgot some of the lines i was supposed to say. My classmates were also laughing so i got a little bit distracted. There were pauses in between my lines because my mind often went blank. I was so embarrassed. I never had a decent report ever. grrr... but you know what? the finding nemo presentation i did made up for the points i missed because of my dull report. weeee.

tintin's presentation which has the princess hours design is so cute. there is this picture in her presentation that actually looks like tin and i. weeee..

THURSDAY!
Well, I woke up late however i was still able to wear the cute outfit i was planning to wear for days. A cute top, skinny jeans, and the flats. When i got in school at around 10 am, EJ and Jeff were already outside our room and EJ asked me if i have a defense... i was like "HUH!? MAY LAKAD AKO MAMAYA.." i lied. hahahahaha. i was so pissed. grrr...

the whole day everyone was asking me if i have a defense or something or if im going on a date after school. they were actually thinking that i wore something girly because of those reasons. hahahahahaha... i cant forget their reactions.

i don't find anything wrong with wearing something like that. i mean, i am a girl and i have the right to wear something girly.. you know what i mean... people often see me in plain shirts, jeans, and sneakers so they were probably surprised when i suddenly wore something different(and they thought it was really unusual... abnormal...weird..hahahha.) if ever im gonna be wearing something like this again please please please dont ever ever ever ask me why...

I may not act girly pero BABAE PO AKO!!! okay???

Wednesday, May 16, 2007

hana yori dango!! weee!

hahahahaha.. i finished watching the two seasons of hana yori dango just last night!.. got stuck watching it the whole day last monday but i didnt get to finish it coz my parents asked me to help do the chores. whew!

it has the same plots as meteor garden but the main character in HYD, Tsukushi Domyouji (Matsumoto Jun) is so hot! as in hot hot hot! hahahaha.. he kinda looks like ryza cenon.. (i dont find ryza hot though.hihihihihi..) crushie ko talaga si matsumoto jun.. weeeee! ^^

NOTE: HINDI KO NAASIKASO COMPILER DAHIL DITO. LOLZ.

Sunday, May 13, 2007

Super Hell Week..

It’s been two weeks na wala akong new entry dito. I wanted to post a new entry ilang beses na pero dahil sa super over sa dami ng ginagwa ko eto ngayon lang. hehe.

Siguro kung nagpost ako dun sa two weeks na busy ako, naglabas nanaman ako ng sobrang sama ng loob. Puro galit at pagkainis siguro ang laman ng mga entries ko. Lolz. Inis sa ilang kagrupo ko sa compiler at sa feasib..

Ai eto pala ikukwento ko..

6 kami sa group namin sa feasib. Yung iba tapos na sa design2, ung iba din incomplete sa software design. Ako wala pa akong design2 at software design pero may compiler ako(na sa tingin ko e mahirap talaga..).

Yung isang groupmate naming incomplete daw siya sa design2 at software design tapos eto nga may feasib pa. last week ang deadline namin sa feasib pero nakanood pa ng sine! Akalain mo un. Kami nagkakandahirap na para maayos ung feasib naming tapos yung iba relax mode lang. and ung isa uber relax mode(loverboy nlng itawag ko sa kanya). Kinwento sakin ni tom na nagalit pa daw si loverboy nung tinawagan siya ni tom once dahil nanonood daw siya ng sine nung time na un. Later nalang daw sila magusap… Ewan ko kung matatawa ako dun sa kwento ni tom sakin e. siya pa kasi ung galit. Hay.. iba talaga kasi pag may gf.

I talked to him the night before the deadline. Sa ym lang. I was thinking he was gonna apologize or something pero hindi. Grabe siya pa talaga ung galit. He told me intindihin nalang daw siya dahil daw siya lang daw ung gumagawa sa design2 at software nila. Hello!? Asan na ung mga kagrupo niya???? At isa pa si ginpao ang kagrupo niya sa software! Hindi pwedeng siya lang ang gumawa dun diba?? Hindi naman pwedeng hindi gumawa si ginpao dahil sobrang sipag nun. Ang iniisip ko nga si ginpao lang ang gumagawa e. basta basta ganun.. tinanong naman daw nila tom at junelle kay july (kagrupo ni loverboy sa design2) kung may ginagawa ba daw ung grupo nila ang sabi wala naman daw. Ang reason naman daw ni loverboy sa kanila e gumagawa “DAW” siya sa feasib. Hay.. mga reasons nga naman para lang hindi makatulong at para makasama lang gf niya. Pota. Galit talaga ako.. kung mabasa mo lang toh.. hay.. ewan ko nalang sayo. Bahala ka sa buhay mo. Takte. Magsama kayo ng gf mo habang buhay!!! Bwitet!

Sa compiler naman..

Ung isa naming kagroup sana magparamdam ka naman hindi lang the day before the deadline. At sana nagkukusa kang gumawa. Kung may sinend man ako saung code sana pakiintindi nalang. Hindi ung irarason mo sakin na hindi mo nadagdagan o naayos man lang ung code dahil hindi mo naintindihan. Pwede naming itanong sakin diba.. hay.. nagtitimpi nanaman ako.. waaaaa..

Hindi ako natulog nung Friday. Kaya umuwi ako ng maaga kahapon para matulog. Biro mo sa nagdaang week lagi akong puyat. Nung Wednesday tska thursday less than 3 hours lang tulog ko tapos nung Friday wala… so sa 72 hours.. almost 6 hours lang tulog ko. Bangag na bangag na ako sobra. Kahapon when I got home, mga 6 natulog na ako. Tapos until 10am kanina. Hahahahha.. adik noh.. sarap ng tulog ko. Sana ganito kahaba palagi tulog ko.

Aalis kami ngayon. Later nalang ulit..

Para kay mama..Happy Mother’s Day! We love you… mwah!

Wednesday, May 02, 2007

spot the difference!

since the start of school, i've been acting differently. siguro dala lang ng sobrang pagkabusy ko.. sa feasib.. sa walang katapusang pagiisip sa compiler at sa pagiisip kung anung oras ako uuwi.. ahahaha.. pansin ko lang palaging maaga uwi ko. weird. ako ba to? tsk tsk.. excited na ba talaga akong umuwi palage? siguro isasagot ni tintin dito oo. hahahaha. sus ngayon lang yata to nangyare. dati kasi sobrang late na ako nakakauwi. never akong umuwi ng 130. hehe. most of the time nagpapagabi talaga ako. pero ngayon. wow. heehehhehehe.. nagpapakagood girl na ako. hehe.

ung feasib namin next week na ung deadline. so kami ngayon ay gahol na sa oras. as in. at take note. may kinaiinisan ako sa grupo namin. pero sige okay lang. wala naman siguro akong magagawa. hindi ko naman siya pwdeng awayin diba? ilaglag? di rin. hay.

at eto ang pinakamatindi sa lahat ng matinding kakaiba talaga sakin na sobrang napuna ko lang! nawalan na yata ako ng interes sa mga lalaki. hahahahahaha.. parang biglang wala lng. hindi na ako masyadong naghahanap ng gwapo at hindi na ako nagbboy hunt sa school. hehehehe. (oi hindi ako stalker inuulit ko lang!). basta ganun. at hindi rin babae ang gusto ko ngayon okay? hindi ako magkakagusto sa babae ever okay. straight ako. lolz. basta un un. kasi when i get to see someone na sobrang gwapo or kahit cute lang kiligerz ever akO pero now parang "ai cute oh" tapos ala na. nakalimutan ko na. hahahaha. nakakaloka diba. ai ako lang yata ung naloloka. tsk tsk.

iiklian ko lang pala toh may kelangan pa akong isearch. tsk tsk. compiler..

ai by the way, napanood ko spiderman 3 yesterday sa megamall. dami tao sobra. haba ng pila. the movie's fine. the fight scenes were great. you guys better watch it.hindi sayang pera nyo. hihihihihihi =P

Tuesday, April 24, 2007

Tamad. Period.

hahahaha... nakakatuwa.. nakaligo na ako't lahat pero biglang nagbago ang isip ko. biglang ayaw ko ng pumasok ngayong araw. naisip ko kasi tuwing tuesday lang ako makakapagabsent kasi mwf may thermo ako kaya kelangan di ako magabsent at tuwing thursday and saturday naman meron akong lab. sinusulit ko lang. sana lang walang masyadong ginawa kundi patay ako talaga.

gumagawa akO ng homework ko sa thermo ngayon at eto hindi ko pa tapos. hay. bakit ba kasi kelangan pa pagaralan thermO e computer engineering naman ang course kO? duh! wala namang connection ung dalawa diba. gulo talaga ng curriculum ngayon. parang pampadagdag lang ng units namin un e wala namang kabuluhan sa course namin un! pero teka. naglalabas nanaman ako ng sama ng loob kO... kasi cnu ba naman hindi maiinis nun. at eto pa may controls pa kami. sus. hellO!? connection ulit? WALA!!! period. peste talaga.

sinimulan ko ng iedit ung isang chapter sa feasib namin. naguguluhan akO. kasi iba iba ung spelling ng name ng product namin.. merong fizzy fruitty, fizzy fruittie, fizzie fruity.. name pa lang hindi na consistent. tsk tsk.. tapos major revision pa gagawin. kamusta naman yun!? pero ayos lang. kaya toh! aja aja! hehehehe. wish kO lang talaga matapos ng mas maaga mahirap nanaman magcram. baka the day before the deadline pa namin tapusin. hehehehe.. mga adik talaga kaming mga mapuan. iba kami. lolz. habit na yata talaga namin ang ganun at ang masaya dun nakakalusot naman at natatapos namin ang dapat tapusin sa deadline na mismo. astig diba.

nakapanood din pala akO ng hanayori dango kanina. sabi ni toni maganda daw kasi. maganda naman halos pareho lang dun sa meteor garden. napansin ko lang walang sobrang gwapo. hehe. oi hindi ako nanlalait. sa meteor garden din naman walang gwapo e. parang. ung story lang tlga habol ko hindi ung mga actors na pogi kasi wala namang pogi dun. hehehehe. pero tingin ko kasi kung gagawa sila ng mga ganun dapat gwapo narin at maganda ung mga bida para naman mas gumanda at mas panoorin ng mga taong "tulad ko" ang mga ganun. tulad nung sealed with a kiss at saka ung princess hours. agree? ^_^ hehe.

o diba ang dami kong nagawa ngayong absent ako? hahaha. kasi naman. tamad lang talaga akO. hindi ako proud maging tamad. naisip ko lang na hindi ko na magagawang maging tamad once i get to work and pag nagkafamily na ako. naku kelan pa kaya un? hhahahahha.. mukang matatagalan pa ah. sarap. weeeeeee.




Saturday, April 21, 2007

PSP Fixed! (Finally!)

we already had an exam sa first meeting namin sa compiler lab. ang bait pala ni sir tsionco. i was thinking he'd look like an old, arrogant male species na sobrang terror na ewan. hehe. kala ko lang. hindi pala. muka naman kasing approachable at hindi masungit.

the good news was hindi na individual kundi by group (consisting of 3 members) ung sa paggawa. medyo natuwa ako. sabi niya masyado daw kasi kaming marami kaya ginawa niyang by group. weeee. groupmates ko si tintin at si jobelle..

pumasok ako sa assembly para magpass ng homework. medyo nahiya ako kasi sobrang kapal ng homework ko. sila ilang pages lang. ako uhmm.. madami. hahahaha. feeling ko tuloy sobrang sipag ko. lolz.

i left school early. I wanted to sleep. ayaw pa nga akong pauwiin ni tin pero sobrang pagod ako kaya i insisted on going home. umalis ako ng 4pm. i thought mga 5-530 nasa bahay na ako. sus. sa sobrang traffic 6 or mga 615 na ako nakarating. kainis.

dumating din ung tita ko and her family. kinuha nila ung lumang gas range namin. tapos umuwi narin sila agad. while they were here i tried to fix micmic's psp. at ayon after a couple of hours naayos ko na rin. nakakaplay narin ng games ulit sa wakas. hehe. he thanked me. nakakatuwa kasi minsan lang magthank you un e. sweet.

Wednesday, April 18, 2007

weeee.. mazda

i didnt go to school today. pumunta kaming lahat sa mazda makati to pick up the car. hindi naman kelangang complete family ung pumunta dun kaya lang mas masaya pag lahat kami nandun. ^_^

when we got there hindi pa pala ready ung kotse. pano wala pang tint ung mga windows tapos wala pang seat covers. we waited 2 hours yata for it to finish. late dumating ung isang gagwa kasi e.

okay naman ung kotse. medyo napangitan lang ako dun sa seats and dun sa interior kasi hindi leather. uhmm.. if im gonna rate it from 1-10. i'll give it a 6. para kasing hindi maganda ung quality nung car e. hay. nagkamali yata kami ng pili. tsk tsk..

Tuesday, April 17, 2007

God's Will

today was the release of the 2007 ECE board exam passers. Maraming pumasa. Sadly, meron din hindi. And one of those is a friend of ours. Im not gonna mention his name. I was surprised when he told us the news. I saw him kanina. He was all smiles while we were talking. I know he feels really bad right now. I was able to talk to him sa ym kanina and aion nga. he's blaming himself. parang he's thinking that he is a failure. i told him he shouldnt blame himself kasi hindi niya naman kasalanan. he can still take the next board exam. all he has to do is to study harder. un lang. at least he has a glimpse of what kind of questions would appear in the board exams. Hope he'd do better next time. Sabi nga nila there's always a reason why something like that happens. It's God's will.

Monday, April 16, 2007

SY 2006-2007: 4th TeRm: Day One!

excited nga talaga ako to go to school. isipin mo i set the alarm clock at 530 pero i ended up waking up before pa magalarm un. hehe.

pagpasok ko sa school kanina ang daming tao. mga nageenrol. naisip ko tuloy na swerte ako dahil nakapagenrol ako nung bakasyon pa. ang haba kasi ng mga pila sa lahat e.

i headed straight sa room ko. west wing. 4th floor. hinihingal na ako bago pa ako makarating sa 4th flr. ang taas grabe. parang feeling freshman ulit. andun na si ej sa labas ng room. classmate ko siya. buti nlang may kakilala ako. thermo pa naman un, mahirap pag walang kakilala, walang makokopyahan. hehe. wala pang aircon sa room matutusta kami dun kaya we waited outside the room. 9:15am. wala pang prof pero okay lang. 9:30am. wala parin. ayos ah. wala paring prof at nasa labas parin kami. hay. 9:40am. bumaba na kami. katamad magintay dun sa labas ng room namin. mainit kasi. kahit nga hindi na ako kumikibo e tumatagaktak parin pawis ko. ang feeling ko e nilelechon na ako. hahaha. hay..

bumaba kami sa ieee at ayon since wala namang masyadong tao at wala nanaman ung electric fan na malaki sabi ni ej sa unix nalang daw kami para makapagpalamig kami. usap kami habang iniintay si tintin.

dumating si tere at sumunod si tintin naman. ayon. binigay ko ung mga dala kong damit kay tintin.. kasi inayos ko ung closet ko the other day tapos meron dung mga maliliit na damit na obviously hindi ko nasuot at nastuck lang sa closet kasi nga maliliit(hindi kasya sakin.. hahahhaha). 5 shirts un. ewan ko kung trip ni tintin un. puro stripes e. hahahaha. mahilig siguro ako sa stripes nung panahon na binili ko mga yun. sana the shirts would fit her well. sayang naman kasi.

siya naman binigay ung pasalubong niya sakin galing samar. chocolate at pili nuts. weeeeee. kala ko ung dark chocolate na pwde kainin hindi pala lolz. ung chocolate pala na nilalagyan ng tubig un at pinapaboil. hehehe. shunga. ung pili nuts kinain na namin ni micmic kanina lang. hindi nakatagal e. takaw. kaya aun ubos agad. hehe.

hay. nung 1030 na umakyat na kami sa room namin for our comorg class. si Sir Maramba ung prof. sabi nila okay daw un sure pass kesa kay mam villaverde. uhmm.. ang boring nung class at ang mas malala pa dun e inubos niya ung 1 1/2 hrs. kami ni tintin nagdadaldalan lang e. sana lang hindi maging ganito kaboring ung mga susunod na mga meetings namin for the rest of the term kundi tatamadin nanaman ako pumasok neto. hay nako wag naman sana ako sumpungin ng katamaran. ^^

right after ng class namin kumain kami sa sizzlingan. nako. sobrang bagal ng service nila pano ba naman dami kasing kumakain e. dapat palagyan narin nila un ng mga ac units ang init din kasi sobra.. sumabay narin si dre kumain samin. nagpunta daw siya sa school para magrequest ng transcript. we talked about the ece licensure exam he took. bukas daw irrelease ung results. naku sana makapasa siya (lilibre niya daw kami hehehhehe).

umuwi na ako after we had lunch. tirik ung araw ha. wala akong payong. wala akong pamaypay. tsk tsk. didiretso ako megamall. weeeeee. magpapalamig ako. magsshopping narin. ^_^

when i got there wala akong nabili. bag lang. naalala ko kasi na nagtitipid ako e. kaya yun. mas ok na magtipid. first day palang baka mawaldas ko nanaman pera ko e ako rin ang kawawa pag nangyari yun. hehe. sumabay ako kay mama umuwi para tipid. nagluto ng spaghetti pagdating tapos nagdinner tapos pahinga... maaga ako matutulog ngayon! yahoO! bwahahahhaa...

Sunday, April 15, 2007

cant think of a topic right now.

My parents have finally decided to just pick the mazda3 over the new civic. uhmm.. the price is a little lower than that of the latter but we still arent sure if the quality of the car is good. i think mazda is also owned by ford. we have lynx and it's working just fine so mazda cars probably work fine as well. cant wait. i think we'll be goin to mazda makati tomorrow and my parents would take the car for a test drive. i'm trying to convince my mom to pick blue or black for the color. it would look more "astig" if she chooses either.

im thinking of what might happen to me on the first day of school. kung terror ba magiging teacher ko (naku wag nman sana si sir aviso sa thermo..), am i gonna be late for class, may mga kakilala ba ako sa klase, may gwapo ba.. hahahhaha.. siyempre kelangan may gwapo para mas masaya. may inspiration diba. hindi naman masama un. tapos. anu pa ba. marami pa akong naiisip eh. kung uuwi ba ako ng maaga (till 12noon lang kasi klase ko), kung may kasabay ba ako umuwi, kung mainit ba sobra, kung didiretso ako sa office ni mommy right after class o magllunch ako sa school kasabay si tin. mga gnun.

do i sound too excited for school? hay nako siguro nga. im tired of staying here at home doing nothing.

marami nanaman akong makikita. si tintin. si pseudobf (malamang sa malamang! :P). si toni. mga kagrupo ko sa feasib. mga kaorg ko sa IEEE. mga prof na terror. mga tao sa cantunan. mga tao sa eforum. hay.. kakamiss nga naman. hehe.



Thursday, April 12, 2007

anong bago?

My parents want to buy a car... gusto ko sana mazda 3 or ung new honda civic.. hay ayaw naman nila nun. i am trying to help them decide pero ung gusto ko naman ayaw nila. hehehe.. si mommy fickleminded. she wanted innova before tapos ngayon naman fortuner. si daddy naman gusto ng xtrail or crv. weeeee..... pag nagkataon.. magaaral na ako magdrive tapos bibili nren ako ni daddy ng kotse. ayos! matagal pa yata un.. hahahha.. hay i find myself daydreaming again. hahahahaha.. nakakatuwa mangarap. next time na magpost ako lalagay ko mga dreams ko. mga wishes. mga kung anu anung kalokohan na pumapasok sa isip ko. mga kabaliwan. mga kaartehan sa buhay...

nakakatuwang isipin na since last year medyo sobrang daming gastos namin. ai mali. hindi pala nkakatuwa un. pero diba parang naiisip ko nagiging asensado na kami. we get to buy things that we want and need. before sobrang nagtitipid yata sila mommy pero ngayon parang when we ask for something binibili na nila agad. nakakatuwa ung gnung feeling diba. we are so blessed and yet i sometimes feel that im never gonna be satisfied with what we have. i want to be filthy rich! God knows how much i want my family to be rich.. i know that would take years to happen. whew.. sana lang magkatotoo noh? hehe. pero grabe ung pagiging thankful ko kay God whenever i get something new from my parents o kaya whenever i get to buy something for myself. never akong nagdamot. hindi ako selfish. i share what i have and that's what's important for me. to be able to share what i have to the people around me. ang sarap din kasi ng feeling pagnatutuwa ung mga taong nasa paligid ko pag nagsshare ako eh. ^_^

uhmmm........ eto pala bago. my mom bought kuya a U2 special edition 30 GB ipod... grabe diba. parang nanghihinayang ako sa pera pero parang gusto kong maenjoy namin ung mga bagay na binibili nila samin. nakakatuwa talaga. hehehehehe. sana lang ishare smin ni kuya un. =P kung hindi tsktsk.. lagot siya sakin. lagot siya sa malalaki at malaBATISTAng braso ko! ahahhahhaha..

3 boring days to go nalang pala pasukan na.. weeee.. kamusta na kaya si tintin? sabi niya umitim daw siya at tumaba.. wait.. iniimagine ko.. lolz. hahahhahaha... ako naman.. tumaba. hay.. makikilala kaya namin ang isa't-isa sa aming muling pagkikita? abangan!! hahahha..

Saturday, April 07, 2007

Missin A LoT...

i didn't go online yesterday.anyway, all i did was watch movies (HBO, star movies, cinemax...) whew! got nothin to do.. aion. kinda bored. uber excited to go to school. hay... i miss school. i miss my friends. i miss writing down notes. i miss discussions. i miss hanging out. i just miss everything. i didn't get to enjoy the summer vacation but i did get some rest. oh well.

im having fun fixing my layout. putting some widgets and stuff. hope my flash mp3 player wouldn't stop working. i've slept late for it. im so dang pissed off with pixpix players. i could get them working but after some time they would stop playing. grrr.

i opened MO a while ago and i found myself bored. maybe i just dont feel like reading threads today. i searched for some interesting stuff that i could read and found none. closed it. uhmm...

by the way i got to text pseudo bf today. i dont know if he misses me or not. i do hope so. there are lots of things i would like to ask him but i didnt get the chance to do so. i miss him really.



Thursday, April 05, 2007

PixPix?! heLO!>@ AMF!

Kamusta naman ang pixpix na player ko diba. ayaw nanaman. chineck ko naman ung ibang alam ko na pixpix users okay naman ung mp3 player nila. waaaa. bakit ba ganun. wala lang mang notice na sinesend sa email. kaya eto. nagpalit na ako. myflashfetish naman. cute naman kahit pano. naiinis ako sa mga ibang mp3 urls ayaw gumana. grrr.. pahirapan ba itO? >_<

Wednesday, April 04, 2007

One Drummer FounD!

Nakakatuwa practice namin kanina. May drummer na daw kami gwapo tsaka bata. Akala pala ni tito ernie 18 lang ako. lolz. magpopost daw siya ng ad sa labas ng bahay nila papaaudition daw siya. rhythm tska bass guitarists. uhm... sabi niya puro guys na lang daw mga bandmates ko. whew! baka mahiya ako pag may gwapo. hahahhaha. adik.

anyway, nagburn kasi ako ng mga songs na trip kong kantahin tapos tito ernie listened to the songs. he found them very nice kaya un practice nanaman ng todo. he said we need to practice one song 20 to 30 times! weeee.. nakakahigh noh? nagulat ako sobra. sabi niya kasi kelangan daw mamemorize ko ung mga songs. naku mahirap un. makakalimutin pa naman ako. waaaa!..

he lend me two cds ulit. cardigans tsaka fleetwood mac. ung michelle branch meron na ako kaya hindi ko na hiniram. grabe collection ng cds niya e. astig. dami. ako sa pc lang.

hindi ko naririnig ung voice ko. i mean diba when you're the one singing hindi mo maririnig ung actual voice mo. there is this one part of the room na sobrang rinig ko talaga ung voice ko. grabe. gulat ako. hahahhaha. ang saya. mejo maayos pala ung boses ko. malamig. malambing nga daw. hayop! hahahhaha. teka humble ako eh. sige ok lang. matino. may "brilyo" daw. ewan ko kung anu yun. basta. heheheheheh. bukas may practice nnaman kami ng 4-6pm. aral aral muna ng kanta. =P

nakatext ko nga pala si tintin kanina.
miss ko na babaitang un.
she was trying to call me pero naiwan ko phone ko sa bahay nung nagpractice kami kaya ayon. hindi ko alam.
tapos hindi pa ako makatext nakakainis. si mic kasi nagaway nanaman kami kaya binawi niya ung phone niya sakin tapos wala pa akong load sa globe. wala tuloy akong pangtxt. kaawaawa talaga ako.
hay.
sana magpasukan na para magkapera na..